Chapter 28

18 0 1
                                    



Khriana Akira


I fucking can't stop my tears. Lahat ng mga bagay na unti-unti kong kinakalimutan na may relasyon sa kaniya, sa pangalan niya, sa pamilya at sa buhay niya ay biglang nanumbalik ng dahil lang sa ilang minutong pagpapaliwanag niya.


Hindi ko mapigilan ang mga luha ko dahil buong akala ko ay buo pa sila noong mga panahon na sa tingin ko ay kami lang ang durog na durog.


Hindi ko mapigilan ang mga luha ko dahil akala ko ako lang ang pinaka-nasaktan noon, mas may nasasaktan pa pala sa akin, sa amin. Nawalan siya ng ina na siya lamang kaniyang kakampi.


Hindi ko mapigilan ang mga luha ko dahil para sa akin ay tumayong ina na din sa akin ang ina ni Sean. Her mother gave everything on us, kahit na ika-ubos ni Tita 'yon. Para siyang si Sean, he is trying to give everything on me kahit... kahit ika-durog pa niya.


Hindi ko mapigilan ang mga luha ko dahil iniisip ko kung may karapatan pa ba akong tawagin siya na Sean? Mahahalagang tao lang ang tumatawag sa kaniya non, hindi ko manlang siya nagawang pakinggan noon.


Hindi ko lubos inisip na ang talinong tao ko pero simpleng pakikinig sa lalaking mahal ko noong mga panahon na 'yon ay hindi ko nagawa.


Hindi ko mapigilan ang mga luha ko dahil... dahil hindi ko mapigilan na mahalin ulit siya.


All of a sudden my anger turns into love again. What the fuck?!


I don't know why but parang ganito yung dati kong nararamdaman noong mga panahon na wala pang sumasagabal sa amin but... may pumipigil sa akin ngayon. Hindi na kami kagaya ng dati na wala masyadong inaalala kung hindi ang mga sarili namin. Ngayon, nagkaroon ng lamat ang naging relasyon namin dahil lang sa maling akala ko.


Hindi na ako makapagsalita sa kaniya dahil patuloy pa din sa pagtulo ang aking mga luha at... nahihiya na ako. Nahihiya ako sa mga pinaggagawa ko dati sa kaniya dati, sa hindi ko pakikinig sa kaniya, sa pagkakaroon ng mga pagdududa ko sa kaniya, nakakahiya.


"Ang hinihiling ko nalang ngayon ay bumalik na ang tahanan na dati ko pang hinahanap" he whispered it on my ears.


Kaagad akong lumayo sa kaniya sa sinabi niyang 'yon. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko.


What did he mean? Gusto niya na bumalik ako? Kahit ang laki ng nadala kong sakit at problema sa kaniya? Hindi baniya naisip na p'wedeng mangyari ulit 'yon sa amin?


Umiling-iling ako habang humahakbang ako palikod. Ayoko na.


Parang hindi ko na kayang mahalin pa siya ulit dahil pakiramdam ko kulang na ako para sa kaniya. Sa dami ng naging sakripisyo niya sa akin pakiramdam ko ang taas na niya, na ang laki na ng utang na loob ko sa kaniya.


Hinusgahan ko siya. Nasaktan ko siya. Wala ako sa tabi niya noong nawala ang kaisa-isang tao na kakampi niya. Iniwan ko siya. Bakit nagagawa pa din niya akong hintayin? Kasi kung ako yung nakaranas ng pinagdaanan niya, hinding hindi ko na ulit bubuksan ang puso ko para sa iba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gentle Touch of TameWhere stories live. Discover now