Khriana Akira
"H-ha?" bumitaw ako sa pagkakayakap namin dahil hindi naman niya ako niyakap pabalik, kumurap kurap ang mata niya habang nakabukas pa ang kaniyang bibig.
Bakit ko pa ba patatagalin, baka makuha pa ng iba!
"Ngayon pa lang" pag-uulit ko. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa sinasabi ko sa kaniya, hindi naman ako nagbibiro.
"Ibig mong sabihin ay-"
"Oo"putol ko sa kaniya at pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Matagal pa siyang nakatitig sa bintana kung nasaan ako. Hindi parin siya makapaniwala. Tinititigan niya lang ako sa bintana kaya tinted 'to.
Nang matauhan siya ay kaagad siyang umikot sa harapan at pumasok sa loob. Yung ngiti niya ay abot hanggang sa tenga niya. Mukhang nag sink-in na sa kaniya.
"Come here" ibinukas niya ang dalawa niyang braso at gusto akong yakapin. Hindi na ako nagsalita pa at lumapit ako sa kaniya. He hugged me tightly na para bang wala nang bukas. Siguro na excite lang siya at nabigla. Kahit naman ako ay nabigla sa mga paganto niya, eh. Yung bigla bigla kana lang dadalhin sa bahay ng magulang. Kabado trenta!
Matagal kami bago humiwalay, hindi pa siya nakuntento sa yakap dahil hinawakan pa niya ang aking pisngi at hinalikan sa aking noo.
"Hindi ka magsisisi" he whispered, pinagdikit pa niya ang dalawa naming noo habang magkalapit ang aming mga labi. Umayos na siya ng upo kaya umayos na din ako, nagsimula na siyang magmaneho at ngayong oras ay hindi na ako natulog. Nakaka-awa naman siya kung tutulugan ko lang siya.
"After exam nga pala ay pupunta kami sa Zambales ng mga tropa ko, gusto mo sumama?"
"Hindi ko alam, wala pa akaong ipon sa mga ganyang galaan, eh" sinagot ko na siya ng deretso. He is already my boyfriend so dapat wala na akong tinatago sa kaniya except sa family. Lahat naman siguro ay may exception.
"No need, ako na ang bahal-"
"Hindi. Kapag sasama ako sa inyo ay gusto ko may pera ako. Ayokong magmukhang pineperahan lang kita" putol ko sa kaniya. Mukhang hindi siya natuwa sa sinabi ko pero natahimik nalang siya.
"Malayo pa naman 'yon, ah. Mag-ipon ka, please" nilingon niya ako habang nakanguso.
"Susubukan ko pero hindi ko mapa-promise" I asnwered. Tumango siya at pinagpatuloy na ang pagmamaneho. Alam kong binibigyan siya ng pera ng ama niya kaya ayokong magpalibre sa kaniya. Baka kung saan galing ang pera na binibigay niya sa kaniyang anak.
Nang nakarating kami sa bahay at mukhang gising pa si Papa dahil maliwanag pa sa loob ng aming bahay. Hinatid lang ako ni Sean hanggang sa pintuan ng bahay.
"Hatid kita bukas, hintayin mo 'ko, ah" hinalikan niya ulit ako sa aking noo at hinimas himas ang aking pisngi. Hindi ako satisfied sa ginawa niya, tumingkayad ako para maabot ko ang kaniyang labi. I kissed him.
"Goodnight, baby Totoy" pang-aasar ko bago pumasok sa loob ng bahay. Kaagad kong sinarado ang pintuan dahil baka humingi pa ng isa. Napapangiti ako habang tinatanggal ko ang aking sapatos.
"Kamusta ang lakad n'yo?" nagulat ako dahil hindi ko napansin na naka-upo pala si Papa sa sala. Mabuti nalang at nakasarado pa ang pintuan kanina nang halikan ko si Sean. Baka makita ni Papa ang kalandian kong taglay.
"Ayos naman po" nagtanong pa ng ilan si Papa bago ako pinapasok sa kwarto. Mukhang napansin ni Papa ang ngiti ko pero sa tingin ko ay hindi na niya binaggit pa. Nahihiya pa ako magsabi kay Papa na sinagot ko na si Sean. Paano ko sasabihin sa kaniya?
YOU ARE READING
Gentle Touch of Tame
Romance1 Khriana Akira Tejano. A normal student who dreams of defending the oppressed against the fraudulent government, he just wants the government to be fair whether low or high standard of living. When Sean Gedrich Ferrer, the son of a politician, sudd...