Chapter 13

38 1 11
                                    

Khriana Akira

Pota? Ayon ba ang meaning non? Ilang beses na pala akong mukhang tanga at hindi manlang niya sinabi kaagad sa akin, sa mismong harapan pa nila mismo niya sinabi. Ako yung nahiya sa reply ko dati na 'Mas maganda ako'. 

"Nag 'I love you' ka sa kaniya because?" sunod na tanong ni Aliyah, akala ko pa naman seryoso siya sa mga tanong niya kaya napa-rap kami ni Angela sa kaniya. 

"I need to leave, Angela. Excuse me" biglang tumayo si Derick at nakipas-beso lang kay Angela at umalis na, pinagpatuloy na namin ang aming pagkain. 

"Bakit ka ba nandito?" bulong ko kay Sean, hindi na naman nila ako naririnig dahil si Angela ay nakatutok na sa kaniyang phone habang si Aliyah ay nakikipag-usap sa kaniyang pinsan. 

"Wala na kaming klase" he answered. Ang walang kwenta niya tanungin, nakakainis. 

"Bakit ka nga nandito?" I asked again, sineryoso ko na ang boses ko dahil pagti-tripan lang ako nito kapag normal na boses ang gagamitin ko. 

"Birthday ngayon ng magaling kong ama ko but ayokong pumunta, mag review nalang tayo after class mo" walang gana niyang sagot sa akin, gusto kong magtanong sa kaniya kung ano bang problema niya sa kaniyang ama but pinangunahan ako ng mga sinabi ko sa kaniya noon, ayoko ng may nanghihimasok sa buhay ko. Manliligaw ko palang naman siya, ah. Wala pa akong karapatan na alamin ang lahat ng sa kaniya. 

Natahimik nalang ako at nakipag-usap nalang kay Angela, mukhang may iniisip siya dahil bigla nalang siya natahimik, natapos kaming mag-lunch, sa cafeteria lang daw muna si Sean at Felicity habang hinihintay kami mag dismissal. Dalawang subject nalang naman then tapos na. 

Simpleng mga discussion lang naman ang mga ginawa namin and hindi siya major kaya hindi na ako masyadong nakinig, nakapag-advance reading na din naman ako. Lumipas ang dalawang oras, humiwalay na sa amin si Angela. 

"Sa Sunday, ah? Promise na 'yon, hindi na kayo pwedeng umurong" paalala ni Angela bago umalis. Nag-aya daw kasi si Kiel sa EK so kami ang gagawin ni Angela na palusot para makalandi. Tumango lang kami ni ALiyah bago siya pinagmasdan na lumabas ng school. 

Kami naman ni Aliyah ay pumunta sa cafeteria kung nasaan yung dalawa. Nakita ko na kinakausap ni Sean si Felicity pero parang wala namang siyang naririnig. 

Mukhang tanga si Sean, pota. 

"Hey, we need to go, may pupuntahan pa kasi kami" kinalabit niya lang si Felicity at tumayo na din siya, naglakad naman si Sean papunta sa aking likuran at naramdaman ko nalang na kinuha niya ang nakasakbit kong bag sa aking likuran. Nakipagbeso lang sa akin si Aliyah bago sila umalis, nakita ko ang masamang tingin ni Felicity kay Sean pero sa akin na naman nakatingin si Sean kaya sa tingin ko ay hindi na niya 'yon nakita. 

"Gusto mo mag fishball ulit?" tanong ko sa kaniya, mukha kasing nainip siya sa paghihintay sa akin, kaagad siyang tumango. Lumabas kami ng school at nagpunta ulit sa likuran para puntahan ang mga nagkalat na street foods. 

Naalala ko na naman yung time na binili niya ang buong pagkain ng isang tindero dito dahil lang sa hindi siya marunong umorder, napa-iling ako ngayon kahit matagal nang nangyari 'yon. Nakita ko na napako ang paningin niya sa isang tindahan nang mga barbeque. 

"Ano 'yon?" tanong niya habang nakatitig doon sa mga iniihaw. Mukhang ayon ang nagustuhan ng mata niya kaya doon ko nalang siya hinila. 

"Barbeque, isaw, paa ng manok, ulo ng manok" pinagtuturo ko yung mga iniihaw, tumatango tango naman siya na sana ay nakuha niya ang mga sinabi ko. Ayon nalang ang binili namin, pinatake-out namin dahil gusto niya daw sa bahay nalang kainin ang mga 'yon. 

Gentle Touch of TameWhere stories live. Discover now