Khriana Akira
"Sorry, ginabi na ako sa paghahanap ng bulaklak" yumuko siya dahil sa hiya.
"A-anong ginagawa mo dito?"
Ini-abot niya sa akin ang hawak niyang bulaklak na kaagad ko namang tinaggap. Yumakap siya sa akin ng bahagya at hinalikan ako sa aking noo. Damn, I missed him. Kahit halos isang linggo ko lang siyang hindi nakita ay hindi ko maipagkaka-ila na hindi ko siya na missed.
"Bakit andito kana agad? Akala ko dalawang linggo pa kayo don?" gulat pa din ako kasi hindi ko inaasahan na makakabalik kaagad siya dito. Sa mismong araw pa ng pasko.
"Ayaw mo ba? Babalik nalang ulit ako sa Canada. Pinaghirapan ko pa maghanap ng bulaklak sa mga oras na 'to dahil gabi ang flight namin"
Inirapan ko siya sa mga pangongonsensya niya sa akin. Hindi pa ako nakakabawi kaagad ng yakapin na naman niya ako.
"I missed you" he whispered while caressing my hair. Ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib na siyng palagi kong ginagawa kapag nakayakap ako sa kaniya.
"I love you too" sagot ko.
"I missed you too dapat, malanding 'to" hirit niya. Hinampas ko ang kaniyang dibdib tsaka humiwalay sa pagkakayakap.
"Akina kamay mo, dali" excited na sabi niya.
"Bakit?"
"Eto, regalo ko sa 'yo" inilabas niya ang isang mamahalin na bracelet sa maliit na kahon na hawak niya. Kahit medyo madilim dito sa kinatatayuan namin ay kitang kita ko ang kintab ng bracelet kaya ko nasabi na mamahalin ito.
"baliw ka, ang mahal n'yan" hindi naalis sa bracelet ang paningin ko pero nakita ko nalang naisinusuot na niya 'yon sa akin.
"Mas mahal kita, huwag kang mag-alala" then he kissed my forehead again, pumikit pa ako habang ginawa niya 'yon sa akin. "Andito nga pala si Angela, kanina ka pa ata tinatawag"
Nagulat ako sa kaniyang sinabi, kaagad akong napatingin sa kaniyang likuran. May kalayuan sa amin si Angela kaya hindi ko kaagad siya napansin kanina at sobrang dilim na sa kinatatayuan niya. Kaagad kinuha ni Sean ang binigay niyang bulaklak sa akin bago ako nagpunta kay Angela. She is crying.
"Anong ginagawa mo ng ganitong oras ng gabi? Tsaka bakit ka umiiyak" niyakap ko kaagad siya at hinagod ang likuran. Patuloy pa din siya sa kaniyang paghikbi habang niyayakapa ako.
"Aalis na ako dito, ililipat na ako ni Dad sa Singapore. That's where I will study" mas lalong siyang umiyak. Naawa na ako sa nangyayari kay Angela. Alam kong may kalandiang taglay ang babae na 'to but hindi sapat 'yon para tanggalan siya ng kalayaan para sa kaniyang kasiyahan.
"Eto tubig" ini-abot ni Sean ang isang bottled water na inilabas niya sa kaniyang dala-dalang paperbag.
YOU ARE READING
Gentle Touch of Tame
Romance1 Khriana Akira Tejano. A normal student who dreams of defending the oppressed against the fraudulent government, he just wants the government to be fair whether low or high standard of living. When Sean Gedrich Ferrer, the son of a politician, sudd...