Khriana Akira
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Pinapanood ko silang nagyayakapan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko sila mapigilan dahil hindi ko alam kung ano pa ba ako sa kaniya. Baka ako na ang sagabal sa kanilang dalawa.
"S-sean?"
Hindi ko na maihakbang ang aking mga paa para makalapit sa kanila. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na umiyak dahil... dahil yung taong mahal ko... yung taong mahal ko may kayakapan na iba.
Hindi ko alam kung saan ba ako lulugar. Baka kasi ako na ang kabit sa aming dalawa ni Diane. Kaya siguro gabi na kung maka-uwi si Sean palagi. Baka palagi silang nagkikita.
Hindi siguro nila ako narinig kaya wala ang isa sa kanila ang lumingon sa kinatatayuan ko.
Lalapitan ko ba siya? Siguro hindi nalang, baka mas masaya siya sa iba sa ngayon dahil... dahil ako puro problema lang ang dinadala ko.
Alam kong pagod na siya pero bakit ganito? Bakit kailangan pa naming magkalokohan?
Umalis na ako sa kinatatayuan ko. Tumakbo ako hanggang sa nakalayo ako sa building namin. Madilim na sa kinatatayuan ko. Walang takot akong naupo sa isang bench dito. Wala na akong pakialam kung may mangyaring masama sa akin dito. Gusto ko nalang magpahinga.
Nanginginig kong tinawagan si Aliyah. Sana gising pa siya, please. Kahit ngayon lang.
"Khria? Bakit?"
"Please, sunduin mo ako dito. Please"
Hindi ko alam kung paano siya kakausapin pero ang alam ko nalang ay alam niya na umiiyak ako at kailangan ko siya. Hindi ko na rin alam kung paano niya nalaman kung nasaan ako.
"Anong nangyari? Diba anniversary n'yo ngayon? Asan s'ya?" sunod sunod niyang tanong pero wala akong nasagot sa mga 'yon. Umiiyak lang ako sa kaniya habang nakayakap siya sa akin.
"Please, ilayo mo na ako dito. Ayoko na" pinunasan ko ang aking mga luha at tumayo. Inalalayan niya ako na makapasok sa kaniyang sasakyan. Nakatitig lang siya sa akin habang nasa loob kami ng kaniyang sasakyan, hindi pa umaalis. "Gusto ko munang magpahinga, please"
Tumango siya sa akin at pina-andar ang kaniyang sasakyan. Umiiyak lang ako sa buong byahe. Inaalala ang mga nakita ko kanina.
Akala ko ayos kaming dalawa. Akala ko kami na talaga. Akala ko nabago ko siya. Tanginang akala 'yan... ayoko na.
Isa siya sa mga kinakapitan ko ngayon pero tangina... ginago lang ako.
Oo pagod ka na... pero hindi ka nag-iisa.
Palagi kitang iniisip, na baka pagod kana... pero napagod na din ako. Ako naman muna.
YOU ARE READING
Gentle Touch of Tame
Romance1 Khriana Akira Tejano. A normal student who dreams of defending the oppressed against the fraudulent government, he just wants the government to be fair whether low or high standard of living. When Sean Gedrich Ferrer, the son of a politician, sudd...