Khriana Akira
Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Sean kahit nasa harapan ko na ang award niya. Nakayakap pa din siya sa akin, kahit madaming tao ang nakatingin at nakapaligid sa amin ay hindi namin sila pinansin.
"Salamat, Khria. Thank you" nakayakap pa din siya sa akin habang sinasabi ang mga salita na 'yon.
"Balik ka muna do'n, 'di pa tapos ang program" bulong ko, baka umiyak pa 'tong lalaki na 'to dito nakakahiya na.
Humiwalay siya sa akin at bahagyang ngumiti. Bago pa siya maka-alis ay ninakawan na naamn niya ako ng halik sa pisngi, mabuti nalang at may nagpe-perform sa sa stage kaya halos lahat ng atensyon ay nandoon.
Sinamaan ko siya ng tingin habang tumatawa siya sa kaniyang kinauupuan. Tinapos ko lang ang program bago ako lumapit sa kaniya. Nagdalawang isip pa ako kung lalapit ba ako sa kaniya dahil kasama niya ang Papa niya pero wala na akong nagawa nang hinila ako ni Sean papalapit sa kaniyang Papa.
"Pa, si Khria"
Nagkatitigan kami ng ama ni Sean, ngumiti lang sa akin ang ama bago siya lumapit sa akin.
"Mabuti naman at naimluwensyahan mo ang anak ko, Iha" tumatawa pa ang papa ni Sean at umakbay pa sa akin. Tinitigan ko ang kamay niyang naka-akbay sa akin. Mukhang napansin ni Sean na naiilang ako kaya hinila niya ako papalapit sa kaniya at siya ang gumawa non sa sakin.
"Matagal na naman akong matalino Pa, ah" biro ni Sean. Nakitawa nalang ako sa dalawa. Ngayon palang ay nakikita ko na malalim ang pinagsamahan nilang mag-ama kahit may nangyari sa kanila dati.
"Kakain kami, Iha. Gusto mo ba sumama?" tanong ng Papa ni Sean sa akin. Tinignan ko si Sean na nakatitig din sa akin. He begged me to go with them through his two eyes. Bakit ba hindi ko na matanggihan si Sean ngayon?
"Sama kana, please?" hinila pa niya ang dulo ng suot kong damit habang hinihintay ang aking sagot. Dahan dahan akong tumango, napatalon pa si Sean nang pumayag ako. Umiiling naman sa amin ang kaniyang ama at nagsimula nang maglakad.
Naka-sunod lang kami sa kaniyang ama na nauunang naglalakad. Naka-akbay lang sa akin si Sean habang papalabas kami ng school.
"Bro, pa pic naman. Baka magkalimutan na tayo kapag natuloy" tumawa pa yung kasama ng lalaki na nagtanong kay Sean. "Miss, p'wede bang kuhanan mo kami?"
Ini-abot sa akin ng lalaki ang hawak niyang phone bago silang magto-tropa tumabi kay Sean.
"A-ah, ano. Girlfriend ko 'yan-"
"Okay lang, sige mag take na ako, ah" itinapat ko na ang phone na ibinigay sa akin ng lalaki sa kanila. Wala namang problema sa akin 'to, ganito din ako nung recognition namin. Kumakamot pa ng ulo si Sean habang nagpipicture sila kaya medyo natatawa ako sa mga kuha ko.
YOU ARE READING
Gentle Touch of Tame
Romance1 Khriana Akira Tejano. A normal student who dreams of defending the oppressed against the fraudulent government, he just wants the government to be fair whether low or high standard of living. When Sean Gedrich Ferrer, the son of a politician, sudd...