Khriana Akira
Nag-patuyo nalang kami ng aming buhok bago ako nahiga sa kama. Noong una nagdadalawang isip pa si Sean pero hinila ko siya papalapit sa akin at yumakap kaagad ako.
Bakit kahit hindi pa kami ganoon katagal ni Sean magkakilala o bilang magka-relasyon ay sobrang laki ng tiwala ko sa kaniya kahit alam ko na babaero siya dati?
"Hey, goodnight" he kissed my forehead. Ngumiti ako sa kaniya habang tinitingala siya, ang tangkad niya kasi kahit nakahiga na kami. Inayos niya ang kumot namin dalawa bago yumakap sa akin. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa makatulog nalang ako.
Maaga kami nagising kinabukasan dahil marami ngang balak si Cheina pero sila pang dalawa ang huling dumating kung saan kami nag-almusal.
Naalala ko na naman yung narinig namin kagabi ni Sean. Did they really do that?
"Hi!" iika-ikang lumakad si Cheina papalapit sa akin habang naka-alalay si Justin sa kaniyang likod. Nakangiti si Justin sa amin. Pakiramdam ko na alam na din ng iba na may nangyari nga sa kanila dahil sa itsura ni Cheina. Mukhang napasabak nga siya sa labanan kagabi.
Mukhang normal lang sa iba ang nakikita nila kahit kay Sean. Magto-tropa sila dahil uhaw na uhaw sila sa babae kaya hindi na ako nagtaka na hindi manlang nila kinakausap si Justin tungkol doon. Mabuti nalang at mukhang maamo na si Sean, subukan niya lang talaga niyang magloko. Hindi niya alam ang kaya kong gawin.
Sa sitwasyon ni Cheina ay hindi na kami gumawa ng mga mabibigat na activity. Halos puro swimming lang ang ginawa namin sa maghapon kaya kaagad kaming napagod. Si Kevin mukhang hindi nage-enjoy dahil parang ang konti namin. Si Jay naman ay sobrang tahimik.
"Pagod kana?" Sean asked me while I am sitting on his lap. Nakaharap ako sa katubigan habang nakayakap siya sa akin mula sa likod.Unti unti akong tumango bilang sagot sa kaniya at hindi inalis ang paningin kay Cheina at Justin na naghaharutan sa harapan namin.
"Pero mamaya na tayo umalis kapag naka-lubog na ang araw"
"Akala ko ba ayaw mo ng sunsets?" walang kwenta niyang tanong. May mapag-usapan lang siguro kami.
"Nagsimula kong magustuhan 'yon nung dalhin mo ako nung time na papalubog na ang araw" I asnwered. Natahimik siya kaya nilingon ko siya sa aking likuran. Namumula ang kaniyang tenga at umiwas ng tingin noong tinignan ko siya sa kaniyang mata. "Kinilig ka naman"
"Syempre, galing sa 'yo" pinagpatuloy niya ang pag-iwas niya ng kaniyang paningin sa akin kaya ibinalik ko ang ang paningin ko sa harapan.
As the sun begins to set, the color of the sky changes and the sun's rays reflect on the water which adds beauty to the environment. Nakatingin lang kaming dalawa ni Sean sa kalangitan. Naka-upo na sa katabing bench namin sina Cheina at Justin na naging tahimik din dahil sa papalubog na araw.
"I'm inlove with you" he whispered in my ears. Hinawakan ko ang nakapatong niyang mukha sa aking balikat at isiniksik ang aking sarili sa kaniya.
"I'm inlove with you too" hinarap ko siya at kaagad naman niyang nilapatan ng halik ang aking noo.
Kinabukasan ay hindi na kami masyadong lumabas ng kwarto dahil aalis na din naman kami. Lumabas lang kami ni Sean para samahan ako na bumili kayna Khia at Papa ng pasalubong. Bumili din si Sean para sa kaniyang Mama at sa kaniyang ama. Mukhang nagkaka-ayos na silang mag-ama.
"Sure ka? Magpapa-iwan ka dito?" Cheina asked Kevin. Tumango lang si Kevin sa amin at tinapik lang lahat ng kaibigan niya at ngumiti lang sa akin bago naglakad palayo. Hinihintay namin ngayon ang bangka na susundo sa amin. Nagulat na nga lang kami dahil hindi daw sasabay sa amin si Kevin dahil susunod daw ang girlfriend niya.
YOU ARE READING
Gentle Touch of Tame
Romance1 Khriana Akira Tejano. A normal student who dreams of defending the oppressed against the fraudulent government, he just wants the government to be fair whether low or high standard of living. When Sean Gedrich Ferrer, the son of a politician, sudd...