Khriana Akira
"P-po?" mautal-utal ako sa sinabi ni Tita. Kahit malinaw sa pandinig ko ang sinabi niya ay gusto kong ulitin niya ang sinabi ni Tita. Kahit si Sean hindi rin nakapag-salita sa gulat.
"Bibigyan ko na din naman si Sean sadya ng condo, but if you agree to be together, I will buy the big condo for you two"
"Talaga, Ma?"
"Ayaw n'yo ba? P'wede kong bawiin" pang-aasar ni Tita. Kaagad na tumayo si Sean at niyakap ang kaniyang ina. Hindi ko alam ang gagawin ko, gusto ko din yumakap kay Tita kaso nakakahiya naman. "Magkalapit na din naman ang university n'yo, hindi na kayo mahihirapan pa"
I smiled. Ayon lang ang ginawa ko habang pinagmamasdan ang mag-ina na magkayakapan. Sumulyap sa akin si Tita, nag-gesture siya sa akin na lumapit ako sa kaniya. Nahihiya akong lumapit sa kanila habang si Sean ay nasa likuran na ni Tita at pinapanood ako na lumapit sa kaniyang ina.
"Salamat po, Tita" Bigla nalang ako hinila ni Tita at niyakap.
"Mama nalang" bulong ni Tita, I mean, bulong ni Mama sa akin.
Mama.
"Ikaw Sean, ah. Bawas bawasan mo muna 'yang trabaho mo kapag nagsisimula kana ulit mag-aral. Nako, si Khria ang sasapak sa 'yo kapag may mga bagsak kang marka" banta ni Tita. Sabay kaming natawa si Sean at sumang-ayon nalang siya sa kaniyang ina.
Pagkatapos non ay nagkwentuhan lang kami sa sala bago kami umuwi. Sa bahay na nagpalipas ng gabi si Sean pero kina-umagahan ay hindi ko na siya naabutan dahil nag-paalam siya sa akin na may ilang scene daw silang ire-retake.
Habang ako naman ay bantay ng shop namin. After ni Sean non ay madalas na ulit siyang tumatambay sa amin dahil hindi muna siya tumatanggap ng trabaho at magtatapos na ang school year. Ganoon lang ang aming naging routine hanggang sa pareho kaming naka-greaduate ni Sean ng Senior Highschool. Sa bahay na kami nag celebrate ni Sean dahil nga hindi kami pwedeng lumabas.
Mabuti nalang at nakapunta si Tita noong nagcelebrate kami. Si Felicity ay sa amin na din naki-celebrate kaya masaya ang aming celebration, si Aliyah naman ay nasa states at doon tinuloy ang kaniyang treatment, babalik naman daw siya kaagad dahil dito pa din siya mag-aaral.
Si Sean nagsimula na ulit tumanggap ng shoot noong natapos ang exam namin. We both got an with high honor award again, just like before.
"Nakapag-paalam kana ba, Iha sa iyong Papa?" tanong ni Mama sa akin. Napatingin sa amin si Papa ng marinig ang tanong ni Mama.
Balak ko pa naman sa kaniya sabihin ng kami lang dalawa pero mukhang wala naman na akong magagawa.
"Pa, kung okay lang po sa inyo na mag-live in kami ni Sean habang nasa kolehiyo po kami. Mas matipid na din po sa pamasahe"
Tinignan ko ang reaksyon ni Papa. Hinawakan ni Sean ang kamay ko sa ilalim ng lamesa, mukhang kinakabahan din sa sagot ni Papa dahil nanatiling walang reaksyon ang mukha nya. Si Felicity naman ay nakikinig lang sa amin at kung minsan ay nilalaro ang kapatid ko. Si Mama naman ay nakatingin lang din kay Papa na naghihintay ng sagot.
YOU ARE READING
Gentle Touch of Tame
Romance1 Khriana Akira Tejano. A normal student who dreams of defending the oppressed against the fraudulent government, he just wants the government to be fair whether low or high standard of living. When Sean Gedrich Ferrer, the son of a politician, sudd...