Khriana AkiraNakatitig pa din ako sa phone ni Isha na nasa harapan namin. Iba na ang topic na pinag-uusapan sa show pero andon pa din ang utak ko sa sinagot ni Diane. Dahil sa sinagot niya ay magkaakroon ng chance na magkasama nga sila sa isang shoot or p'wedeng sa isang teleserye o pelikula.
Hanggang ngayon kasi ay kumukuha pa din si Sean ng mga extra sa mga teleserye at movies.
Sa tingin ko naman ay walang pakialam si Sean doon, ang mahalaga sa kaniya ay mabayaran ang mga bilss namin.
"Gaga, akin na 'yan. And'yan na ang prof natin" kinuha ni Isha ang kaniyang phone. Sa buong klase ay wala akong inisip na iba. Tangina! Bakit ba ako magseselos, eh ako ang kasama sa bahay.
Tatlong subject lang naman ang nasa-sched ko ngayon kaya sa condo ko nalang itutuloy ang pagre-review ko. Nag-aaya si Isha na lumabas kami pero hindi na ako sumama, sinabi ko nalang na masama ang aking pakiramdam.
Nagbyahe lang ako na umuwi dahil nasa school ngayon si Sean at naghahabol ng kaniyang mga na missed na lesson dahil medyo hectic ang kaniyang schedule nung mga nakaraang araw. Hindi ko na nga alam kung paano niya napagsasabay ang kaniyang pag-aaral at pagta-trabaho.
Nagpaalam din sa akin si Sean kung pwedeng kahit hindi na sobrang taas ng kaniyang mga marka basta nakaka-pasa. Hindi na din daw kasi niya kayang mga mag-advance reading dahil ang mas binabasa niya ay ang mga script sa kaniyang trabaho.
Hinayaan ko siya. Ang paalala ko lang ay huwag na huwag siyang titigil sa pag-aaral, para sa kaniya din naman kasi 'yon. Hindi naman palaging and'yan ang industry para saluhin siya palagi.
Nang naka-uwi ako sa condo ay naglinis lang ako at nagluto para hindi na ako maabala mamaya kapag nagbabasa na ako. Iiinit ko nalang kapag dumating si Sean.
Nasa kwarto na ako at inaayos ko nalang ang kama ng may makita ko ang dating ginagamit na wallet ni Sean. Maayos pa naman kaya kinuha ko 'yon. Binuksan ko para icheck, wala nang laman. Pero may isang maliit na plastic akong nakita.
Trust
Namula ako sa nabasa ko. Bakit may ganito si Sean? Shuta!
Kaagad kong binalik ang condom sa wallet at itinago sa aming side table. Namumula akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kabilang kwarto para simulan na ang pagbabasa. Bakit kahit walang tao ay nahihiya ako.
Bakit may ganon? In case of emergency, ganon?
Ilang oras ako naghintay hanggang sa dumating si Sean. Pinaulanan naman niya ako ng halik bago naupo sa tabi ng aking study table.
"Ang dami kong hahabulin na mga lesson. Napapagalitan na ako ng mga professor ko. Inaaway nila ako Khria" pagsusumbing niya habang inilalabas ang kaniyang mga gamit sa bag.
"Dami mo kasing ginagawa. Pati yung binibigay ni Papa sa akin na para makatulong sa mga bilss hindi mo tinatanggap" ako naman ang nagsasabi sa kaniya.
"Itabi mo nalang muna 'yon. Para kapag hindi ko na kaya, may nakatabi tayong pera" ayon naman palagi ang kaniyang sinasabi sa akin pero sa tingin ko naman ay kahit mangailangan kami ay hindi pa din niya gagalawin ang pera ko. "Magbabawas muna ako ng shoot para makahabol ako"
Tumango ako sa kaniya. Nagsimula na din siya sa mga ginagawa niya. Ako naman ay lumabas para kumuha ng makakain namin.
Gaya nga ng sinabi niya ay hindi na muna siya tumatanggap ng mga matatagal na shoot. Natapos naman na daw niya ang part niya sa ginagawang movie na kasama siya kaya halos palagi na kaming magkasama dito sa unit.
YOU ARE READING
Gentle Touch of Tame
Romance1 Khriana Akira Tejano. A normal student who dreams of defending the oppressed against the fraudulent government, he just wants the government to be fair whether low or high standard of living. When Sean Gedrich Ferrer, the son of a politician, sudd...