Chapter 3

33 3 5
                                    


Khriana Akira


"Talaga? Hindi ka naniniwala sa mga chismis?" tanong niya, hinarang niya ako habang nakaharap siya sa akin at hinintay ako na makasagot. Mukhang excited siya sa isasagot ko.


"Hindi ako nagdalawang isip na maniwala sa chismis, itsura mo palang babaero na, fucker pa" sabay tulak ko sa kaniya para makadaan ako. Nang nasa tapat na kami ng tindahan ay kumatok na kaagad ako dahil walang bantay ang tindahan kaya natagalan pa bago ako maka-bili.


"Buti naman, ang dami ko na kayang experience. Dami na din na nagmakaawa sa akin para balikan ko sila but I told them early on that I only need one night then I will leave them but hindi sila nakikinig" proud na sabi niya kaya napa-ngiwi ako. Mas lalo akong na disappoint sa sinabi niya dahil hindi ako natutuwa sa mga ganoon.


"Proud ka na sinasabi ang mga ganiyang bagay sa harap ng babae?" seryosong tanong ko sa kaniya. "Pinagmamayabang mo na marami kang pina-iyak na babae? Ano ba nakukuha mo sa ganiyan? Kumikita ka ba ng pera kapag may napapa-iyak ka?"


Natahimik siya sa mga sinabi ko, totoo naman 'yon eh. Bakit parang achievements sa ibang lalaki na may napapa-iyak sila? Bakit sa halip na pasiyahin nila ang babae pinapa-iyak pa nila lalo?


"Kasi sa mata ko at turo ng Mama ko hindi maganda na may umiiyak na babae ng dahil sa isang lalaki, hindi ko tinuturing na lalaki ang lalaki na nagpapaiyak ng babae. Mas pinandidirian ko lang" dugtong ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil tahimik lang siya habang nakatungo at nilalaro ang mga bato na nasa kaniyang paa. "Para mo na rin pina-iyak ang ina mo non"


Nagulat ako nang maglakad siya paalis ng tindahan, anong nangyari don? Akala ko bibili siya? Umurong na?


Hindi ko na siya pinansin pa at tumingin sa tindera na kararating lang. Bumili ako ng pagkain na sa tingin ko ay kinakain ng Mayor, kung ayaw niya ng binili ko edi huwag siyang kumain. Wala namang pumipilit sa kaniya, mas maganda nga na hindi niya kainin dahil masasayang lang ang pagkain.


Nag-lakad na ulit ako pabalik ng bahay at laking taka ko nang wala na ang sasakyan na naka-park kanina sa tapat ng aming bahay. Pumasok na ako ng gate at kaagad na pumasok ng bahay ngunit wala nang tao sa sala at tanging ang kapatid ko nalang ang nandoon habang hawak ang bago niyang laruan.


"Pa?" hinanap ko si Papa sa kwarto niya pero wala naman siya doon.


"Bakit, anak?" nadinig ko ang boses ni Papa sa kusina kaya doon ako dumiretso, ibinaba ko ang mga binili ko sa dining table. Naka-upo na si Papa sa dining table habang nakaharap sa kaniyang laptop.


"Nasaan na sila?" tanong ko at dumiretso sa ref para kumuha ng beer ni Papa. Matutulog na kasi ako kaya kailangan ko nang beer, simula nung mag grade 10 ako ay ginagawa ko nang pampatulog ang isang root beer.


Hindi naman na ako pinipigilan ngayon ni Dad dahil nasa tamang edad na ako para mag-inom and alam ko naman ang limitasyon ko.


"Dumating yung anak ng Mayor at mukhang malungkot tapos nagmadali na silang umalis. May ginawa ka ba sa anak ng Mayor, Khriana?" sabay lingon sa akin ni Papa habang nanliliit ang dalawang mata.

Gentle Touch of TameWhere stories live. Discover now