Khriana Akira
"Ha? Date?" tanong ni Papa kay Sean, nagulat din ako sa sinabi niya, hindi ko inakala na sineryoso talaga niya ang pagpayag ko, sinabi ko lang naman 'yon para umalis na siya.
"Napag-kasunduan na po namin ni Khria 'yon and pumayag na po siya" sinulyapan niya ako bago ibinalik ang paningin kay Papa.
"Hesus Maria at Joseph naman kayong mga bata, oo. Kababata n'yo pa" sermon ni Papa sa amin, napahawak pa si Papa sa sintido niya dahil sa sinasabi ng damuho na 'to.
"Pa, huwag kayo maniwala d'yan, hindi ko sinabi 'yon, tara na nga, Pa" hinila ko na si Papa para makasakay na kami sa aming kotse pero nagmatigas si Papa at nakatingin pa din kay Sean. Nakanguso na si Sean dahil ata doon pag-deny ko, hindi naman kasi talaga ako sang-ayon doon.
"Kakain kami sa labas, kung gusto mo sumunod ka sa amin para makasama ang anak ko" bago kusang naglakad si Papa papunta sa aming sasakyan. Nag-paiwan ako sa harapan ni Sean at sinamaan siya ng tingin. Mukhang nabuhayan siya sa sinabi ni Papa kaya nakangiting aso na naman siya habang nakatingin sa akin.
"Kingina ka! Hindi naman kasi ako pumayag sa date date na 'yan! Baka kung ano pa ang isipin ni Papa!" sigaw ko, nag-pout siya sa harapan ko na akala naman niya ay bagay sa kaniya.
"Pumayag ka kasi sa goal ko, eh. Eto oh, honor ako" sabay pakita niya sa akin ng envelope na hawak hawak niya kanina pa. "Napuyat kaya ako dahil dito, oh. Ang hirap palang makakuha ng 93 na average" ngumuso siya lalo sa akin. Binuksan pa niya ang envelope para mapakita ang grades niya.
"Ewan ko sa 'yo" tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa sasakyan namin, nakita ko na hindi pa nakakasakay si Papa. Nang nakarating ako sa kaniya ay kaagad siyang tumingin sa akin.
"Doon kana sa batang 'yon sumabay. Dadaanan ko pa ang kapatid mo sa bahay" kinuha ni Papa ang dala dala kong bag bago tumingin sa aking likuran. "Doon nalang tayo sa palagi naming kinakainan, ikaw na ang magturo kung saan 'yon Khriana" pumasok si Papa sa loob ng sasakyan at umalis din kaagad.
Inis ako na humarap sa aking likuran at nakita ko ang nakangiting si Sean, he shrugged his shoulder and gestured to follow him. Inis akong sumunod sa kaniya, kung mag taxi ako ay matatagalan pa dahil maraming nag-uuwian ngayon specially card giving. Nagdadabog akong pumasok sa kaniyang sasakyan at hindi na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto na palagi niyang ginagawa.
Pumasok na din siya ng kaniyang sasakyan at nagsimulang magmaneho, mabagal lang siya magmaneho ngayon, hindi naman traffic kaya nagtataka akong nakatingin sa kaniya, nang tumingin ako sa kaniya ay siya ding sulyap niya sa akin.
"Saan ba kayo palaging kumakain?" tanong niya inirapan ko siya at inis na itinuro ang maliit na restaurant kung saan kami palagi kumakain nina Papa. Nakarating kami doon nang hindi masyadong nag-uusap, Naupo nalang kami sa pang-apatan. Halata ko na pina-una niya akong paupuin bago siya naupo sa aking tabihan.
May lumapit sa amin na waiter pero hindi muna kami umorder dahil hinihintay namin si Papa. Dito kasi kami palaging kumakain palagi noon nina Mama at Papa, kahit namatay na si Mama pinagpatuloy namin ang pagkain namin dito kahit minsan.
YOU ARE READING
Gentle Touch of Tame
Romance1 Khriana Akira Tejano. A normal student who dreams of defending the oppressed against the fraudulent government, he just wants the government to be fair whether low or high standard of living. When Sean Gedrich Ferrer, the son of a politician, sudd...