Sean Gedrich
"Bakit hindi mo subukan na pumunta sa iyong ama? Iniimbita ka 'di ba?" tinitigan ko si Mama na nag-aayos ng pagkain sa lamesa. Alam ko na ayaw niya ako papuntahin doon sa ama ko pero iniisip lang niya ang karapatan ni Papa sa akin.
"Wala akong gana, Ma. Nasa kaniya na nga ako tuwing pasukan" inis kong inihiga ang aking sarili sa sofa at tumitig sa bintana.
Nakalabas na din naman kami kagabi ng mga kaibigan ko, I've met a lot of women and that's enough for me for this week. Mama time ko naman ngayon.
"Baka kailangin ka doon, magaling na ang andoon ka. Kaya ko naman dito at puputa dito ang Tita mo para samahan ako mamayang gabi"
Hindi ko masyadong inintindi si Mama dahil alam naman na niyang labag sa kalooban ko ang pumunta sa puder ng aking ama tapos pinipilit pa niya ako na doon tumira. Paano na siya? Wala na nga siyang kasama dito tapos tinutulak pa niya ako palayo.
"Ayoko, Ma"
"Pumunta kana, masaya sa bayan kaya mag-enjoy ka. Dalhin mo mga kaibigan mo" humarap sa akin si Mama ng nakangiti. "Huwag mo nga palang kalimutan ang inaalok ng Tita mo sa 'yo, sayang din 'yon"
Inis akong tumayo at nagpalit ng damit sa aking kwarto. Ayokong pumupunta sa puder ng ama ko at alam naman na 'yon ni Mama, bakit pa niya ako pinipilit?
"Mag-ingat ka doon, bawas bawasan mo na ang pambababae mo, wala ka pang nadadalang girlfriend mo sa akin" tumawa ng bahagya sa akin si Mama habang nakatayo siya sa pintuan ng bahay namin.
"Babalik din po kaagad ako mamaya" hinalikan ko lang si Mama sa kaniyang pisngi bago ako nagmaneho papunta sa bahay ng aking ama. Kahit kadarating ko lang dito sa Batangas pabalik na ulit ako sa bahay ng ama ko.
Hindi ko ma-contact ang mga kaibigan ko para sana samahan nila ako dahil ayokong palaging nasa akin ang atensyon ng aking ama.
"Sir, tawag po kayo ng Dad n'yo"
Tumingin ako sa mga palaging kasamang body guard ni Papa. Hindi sana ako lalapit pero parang may kausap siya at baka pinag-yabang na naman siya na may anak siya. Siya lang naman ang may gusto na maging ama ko siya, ako? Ayoko.
Lumapit ako dahil mapahiya pa siya sa kausap niya. Isang matandang lalaki, isang babae na halos ka-edad ko lamang at isang batang babae.
"This is my son, Sean Gedrich. Mukhang bagay kayo" pakilala ni Papa sa akin. Gusto kong sigawan ang aking ama dahil pinakiki-alaman na naman niya ang mga desisyon ko sa buhay.
Tinitigan ko ang babae. She is... great. She has cold eyes, just like me.
"Hindi ako pumapatol sa pangit" ngumisi ako, hinihintay ko siya na mainis.
Madami pa siyang sinabi sa akin pero as if naman na pinapakinggan ko siya, eh wala naman akong paki-alam sa kaniya. Kaagad din siyang umalis ang iniwan ang kapatid at ama niya ata. Noong umalis siya ay tumunog ang aking phone kaya lumayo na ako sa kanila.
YOU ARE READING
Gentle Touch of Tame
Romance1 Khriana Akira Tejano. A normal student who dreams of defending the oppressed against the fraudulent government, he just wants the government to be fair whether low or high standard of living. When Sean Gedrich Ferrer, the son of a politician, sudd...