Khriana Akira
"That's my goal, ganda ng goal ko diba?" pagyayabang niya at kumuha ng panibagong ice-cream.
"Anong maganda doon? Katangahan naman ang iniisip mo" tumayo ako at inilagay sa sink ang aking ginamit, tumayo din siya at lumapit sa tabihan ko at naki-sali sa paghuhugas ko ng mga pinagkainan namin. "Tumabi ka nga! Mag-isip ka nalang ng goal mo, ina ka!"
"Ayon nga ang goal ko, gusto kita i-date"
Hinampas hampas ko ang kamay niya dahil halata na hindi siya marunong mag-hugas, nagkakalat lang kami dito, tinuluyan ko na siyang itulak palayo ng sink, naa-aksaya lang ang tubig namin, mabuti kung iniinom niya ang mga natatapon na tubig edi hindi nasasayang.
"Hindi 'yon goal,Kabobohan 'yon! A fucker does not date, they just fuck" nagmukha akong nanay na sinesermonan siya habang naghuhugas. Lumayo siya ng konti sa akin para mabigyan ako ng space sa paghuhugas, nakatungo siya at nilalaro ang kaniyang daliri.
"I don't do that anymore, simula nung pag-sabihan mo ako" nilingon ko ulit siya na nakatungo pa din, who asked?
"Bakit ka tumigil? Hindi mo ba na-miss magdala ng babae sa langit tapos papaiyakin mo" sarcastic na tanong ko at muling tumingin sa aking ginagawa.
"Dahil sinabi mo, ayoko nang gawin" sagot niya.
Naglakad ako papunta sa ref nung natapos ako sa ginagawa ko para magpunas ng kamay bago ko siya nilingon na nakatingin na sa akin.
"Hindi kita sinabihan na tumigil, sinabi ko lang yung ayaw ko. Tsaka, bakit sa akin ka naman palaging dumidikit? Ako ang isusunod mo?" sabay tawa ko at naglakad papunta sa sofa, asa siya na papatulan ko siya. Tangina n'ya pala, eh. "I will not fall for a womanizer"
Tumayo na ulit ako sa pagkakaupo ko at naglakad papunta sa sofa, naupo ako kung saan ako naka-pwesto kanina habang siya naman ay naupo ulit sa tabihan ko.
"That's why I don't do that anymore. Pumayag ka na lang kasi, libre ko" pagpupumilit niya. Kumuha ako ng isang reviewer ko at hindi na siya pinansin. Habang nagbabasa ako ay paulit ulit niya akong tinatanong kung papayag daw ba ako pero sinasamaan ko lang siya ng tingin kaya tatahimik siya bigla.
"Pumayag kana, please" ngumuso siya habang nasa tapat ng pintuan at handa nang umalis hawak hawak ang kaniyang mga school papers. Naiinis na ako sa paulit ulit niyang tanong, apara siyang sirang plaka. Kahit sa utak ko nagpa-ulit ulit na din, kingina!
"Bahala ka na, kingina ka! Saraduhan mo yung gate kapag lumabas ka" sabay turo ko sa gate namin, lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko pero kaagad ko namang isinarado ang pintuan namin. Hindi na naman ako makikipag-kita pa sa kaniya, last na 'to!
Pumasok na ako sa kwarto ko at nakita ko doon ang kapatid ko na naka-tulog na sa aking kama, binuksan ko ang maliit kong aircon dahil nakikita ko ang butil butil niyang pawis. bago naupo sa aking harapan ng study desk at nagpatuloy sa pagre-review.
Ganoon lang din ang ginawa ko noong linggo and nung Monday is puro mga review quizzes lang ang aming ginawa, hanggang sa makadating ang araw ng exam, wala namang naging aberya sa first day ng exam dahil puro mga nabasa ko 'yon. Si Aliyah mukhang confident dahil hindi na siya nagre-review ngayon kahit ilang oras nalang bago magsimula ang exam habang si Angela naman ay may hawak pa din na mga papel.
"Wait! Five minutes, ma'am" reklamo ni Angela nung makita niya na tumayo ang teacher hawak hawak ang aming mga test-papers at mukha namang pumayag ang proctor namin. May ilan na sumang-ayon sa five minutes ni Angela pero may ilan na hindi dahil baka daw malimutan pa nila ang mga inaral nila.
YOU ARE READING
Gentle Touch of Tame
Romance1 Khriana Akira Tejano. A normal student who dreams of defending the oppressed against the fraudulent government, he just wants the government to be fair whether low or high standard of living. When Sean Gedrich Ferrer, the son of a politician, sudd...