Kabanata 1

525 18 3
                                    

Kabanata 1

"Mommy, where are you going?"I asked my mom while drinking a water.

Nagsuot si mommy ng lab gown niya at lumapit sa akin.

"We're going to hospital, sweetheart."she answered.

"But you promised me na sabay tayong manonood ng Frozen 2."malungkot kong sabi

She smiled at me, sadly."Gano'n ba? nagka-problema kasi sa hospital kailangan kami ng daddy mo do'n." She said. "Ganito na lang panoorin mo na lang muna or papuntahin mo rito sina Pia at Pauleen sila muna ang kasama mong manood tapos mamayang gabi I'll promise we'll watch it again... together."

Pero wala ng cinema mamayang gabi.

I sighed. "But mommy you promised!"

Hinaplos ni mommy ang pisngi ko "Oo nga pero kailangan naming pumunta ng hospital, sweetheart, promise uuwi kami ng maaga ng dad mo para makapanood tayo."

Tumango ako at pilit na ngumiti "Just please get home early, mommy."

"Yes, Miracle, sige. We'll go na."She kissed my forehead.

Lumapit ako kay daddy at niyakap siya.

"I'm sorry, honey, Babawi ang daddy pangako."daddy whispered in my ears. "Maiintindihan mo rin kami once naging doctor ka na."

I smiled and hugged him tight. I really loves my daddy. "I'll wait for that, Dy. love you."

Tumango si daddy at hinalikan ako sa noo. "I love you so much, Mira, I love you anak."

Nakangiti kong pinagmasdan ang kotse ni daddy na paalis ng bahay. My parents are doctors, palagi silang busy sa hospital, palagi silang nag o-overtime dahil sa dami ng pasyente, palagi silang wala sa tabi ko pero naiintindihan ko naman 'yon that's their jobs, at I want to become a doctor too, like my parents.

Pauleen and I just completed our residency and we are waiting for pediatric cardiology board exam. We are reviewing at the moment. Ilang buwan pa naman bago ang exams. Today is sunday and today is my rest day from reviewing and my mom promised me we'll watch Frozen 2 today. Nagta-tampo ako but it's okay. I understand at hindi lang naman ito ang unang beses na hindi siya tumupad sa pangako niya. lagi naman... I sighed.

Imbis na ngumuso ng buong araw. I decided to go back to my room. I took shower and I dressed up. Manonood na lang ako mag isa. Busy kasi 'yung dalawa kaya hindi ko na tinext. Bumaba na ako pagkatapos kong mag ayos. I wear a blue cami pair with white denim short, nag suot din ako ng gray blazer para hindi masyadong sexy. Kinuha ko ang isang branded gray flat sandals at sinuot iyon.

"Yaya, Mary!!" gulat kong sigaw at napahawak sa staircase.

Madilim ang living room dahil nakapatay lahat ng ilaw at take note naka white dress siya at nakalugay pa ang mahaba niyang buhok. Sinong hindi matatakot?!

"Ay, ma'am!" sigaw niya pabalik habang nakahawak sa dibdib niya. "Pasensya na, ma'am."

Hinihingal ito. Halatang na gulat din. Tinignan ko siya ng masama "Yaya naman. Nakakagulat ka bakit ka ba nakaganyan? At bakit nakapatay ang mga ilaw?"sunod sunod kong tanong "Oh, my god don't tell me naputulan tayo ng kuryente?" maiiya- iyak kong tanong habang nakatakip ang kamay sa bibig.

My god! Hindi pwede dahil hindi ako sanay na walang kuryente. Paano na 'yung air-con at 'Yung pag charge ko ng phone at laptop ko. At paano kami mapuputulan ng kuryente? Nagba-bayad kami!

Nagulat ako nang bigla itong tumawa ng malakas. Anong problema niya? Masaya ba siya na naputulan kami ng kuryente?

"W—why are laughing, Yaya Mary?" I'm confused.

Still You (Grand Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon