Chapter 12

57 5 0
                                    

"Divine, buksan mo tung pinto kwarto ko din tuh" dinig kong tawag ni RJ sa akin.

Pagkatapos kong sabihing hindi ako pumapayag ay hindi na siya nagsalita pa. Wala kaming pansinan, hindi ko alam kong bakit ako nagagalit sa kanya. Bahala siya, wala akong paki kung san siya matutulog.

"Mag usap tayo" nagulat ako ng magsalita na naman siya. Akala ko pa naman wala na siya sa labas ng room. Dahil sa medyu nawala na yung galit ko ay binuksan ko na yung pinto.

Pumasok siya at umupo sa dulo ng kama habang ako ay nakatayo lang sa harap niya. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya magsalita.

"why?" diko inaasahan na yan agad ang itatanong niya.
"Bakit ayaw mo?" dagdag niya. Napalunok ako ng sobra. Nilakasan ko yung loob ko bago ako nagsalita.

"di mo man lang ba aantaying bumalik yung alaala ko?" tanong ko. Umiwas siya ng tingin.
"I want you here with me while I'm still in process in regaining my memories." dagdag ko, napatingin siya sa akin. Lumapit ako sa kama at umupo pero medyu malayo sa kanya.

"Nung sinabi kong naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko, ngayon sigurado na ako" mahina kong sabi.
Napalingon siya sa sinabi ko, nahihiya ako kaya umiwas ako ng tingin. Yumuko nalang ako at nagpatuloy sa pagsasalita.
"I think... no I'm still in to you. They're right may your mind won't remember but your heart does." para akong nabunutan ng tinik pagkatapos kong sabihin yun. Sa wakas nasabi ko na rin.

Na balot ng katahimikan, pati ako hindi makagalaw at di ko man lang siya kayang tingnan. Sobrang awkward.

"I'm sorry" napalingon ako sa sinabi niya at agad ding umiwas. Naiiyak na ako, sabi ko na si Fate parin talaga.

"it's okay" sabi ko, agad na rin akong tumayo para lumabas tumutulo na kasi yung luha ko. Ang sakit lang kasi.

"I lied, Let's have a divorce" napahinto ako sa sinabi niya. Pero nakatalikod parin ako sa kanya. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Para akong tanga. Bakit pa kailangang ulitin pa niya yun.

"that's not what I've told you kanina sa kotse." naguguluhan akong lumingon sa kanya. Wala na akong paki kung makita niya akong umiiyak. "naka earphones ka kaya di mo narinig, Let's make our marriage work yan yung sinabi ko" nahihirapan akong eh process yung narinig ko naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"No RJ seriously it's okay. Hindi mo na kailangan pang sabihin yung sinabi mo kanina na hindi ko narinig. Okay let's end this" napakamot siya sa noo niya sa sinabi ko. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"What? No.... I mean diba ayaw mo. Nasabi ko lang yun kanina kasi akala ko di mo na ako mahal." sabi niya.  Ang gulo niya talaga ngayon pumapayag na ako siya naman yung ayaw.
"Ang tagal kong hinintay na sagotin mo yung tanong ko. Ngayong alam ko na wag na tayong maghiwalay" dagdag niya.

"Wag mong pilitin yung sarili mo sa akin" sabi ko.

"sinong nag sabing pinipilit ko yung sarili ko sayo. Just like what I've told you I want to set you free from my family kasi akala ko di mo na ako mahal. Natatakot akong bumalik yung alaala mo tapos dun mo na realize na di na pala ako. Ayaw kong pagsisihin mo yung desisyon mo sa huli dahil sa wala kang maalala." hindi ako makagalaw sa sinabi niya.
"Thank you for telling me the truth, from now on I will protect you from my family not as your bestfriend but as your husband. As long as you'll  stay with me I'll be your sheild. Kahit na yung nararamdaman ko ngayon sayo ay di tulad ng naramdaman ko kay Fate noon wala akong pakialam basta ang alam ko lang ayaw kong mawala ka sa akin" mas lalo tuloy akong naiyak sa sinabi niya. Nanlambot yung tuhod ko kaya nabagsak tuloy ako sa sahig agad din naman akong nilapitan ni RJ.

"hey, are you okay?" tinulungan niya akong tumayo at pinaupo sa kama. Pinahiran ko yung luha ko. Pinainom niya ako ng tubig.

Sinabi niya lahat sa akin ang plano ng pamilya niya sa akin at hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Imbes na matakot ay ramdam kong ligtas ako dahil nandyan siya.

"good night" huli kong narinig bago ako makatulog.

*****

"good morning" bati ng isang lalaki sa akin ang lapad ng ngiti niya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"kanina ka pa?" tanong ko. Ang dating masayang mukha ay napalitan ng lungkot.

"ang tagal tagal ko ng naghihintay sayo. I miss you Jade" napaiyak ako sa sinabi niya.

"Hey, wake up. Divine why are you crying" nagising ako sa tinig ni RJ. Tumutulo parin yung luha ko. Nag aalalang tumingin sa akin si RJ. Nanaginip lang pala ako, niyakap ko siya. Hindi ko alam pero natatakot ako sa panaginip na yun. Tapos diko na maalala yung mukha ng lalaki. 

"calm down, its just a dream" mahinahong sabi niya at pinahiran niya yung mga luha ko.

Sinabi ko sa kanya kong anong napaginipan ko. Sabi niya normal lang managinip ng mga ganon naniniwala kasi siya na tayong lahat ay may past life kung baga nag reincarnate lang tayo kaya minsan napapaginipan natin ang mga nakaraang buhay natin. Sa mga sinabi niya ay naibsan yung kaba ko.

Sinamahan ako ni RJ sa University na papasokan ko para sa entrance exam ko. Mabuti naman at pumayag si Mom at Lolo na ayaw kong mag home schooling, basta pareho kami ni RJ na University na papasukan. Sigurado na kasi ako sa kursong kukunin ko.

"how was it?" nakangiting tanong niya nung matapos kong ma take yung entrance exam.

"di ako sigurado kung papasa ba ako" malungkot kong sabi.

"ikaw pa, ang talino mo kaya kahit spoiled brat ka" sabi niya.

"talaga?" tanong ko.

Tumango siya. Hinawakan niya yung kamay ko at umalis na kami.

Amnesia Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon