Chapter 4

130 6 1
                                    

"I miss you"

"I miss you"

"I miss you"

Kanina ko iniisip yung sinabi ni Renan sa akin. Na miss niya daw ako.  Sabagay sabi ni Mom palagi naman daw kaming magkasama noon. Matapos niya yung sabihin ay hindi ako nakasagot, as in super nagulat ako at the same time kinakabahan. What's wrong with me?

"Ma'am are you done?" tanong nung babae, nandito kasi ako ngayon sa isang boutique nagsusukat ng gown a wedding gown to be exact. Ang akala ko sa ibang bansa magpapagawa si Mom ng gown pero ang sabi niya bale limang gown daw yung gagamitin ko,  one from France, Korea, US, Singapore and here. Ang hassle naman ng plano ni Mom pwede namn isa lang.

Lumabas ako ng fitting room.

"Wow Ma'am bumagay po sayo" sabu nung babae.
"Siguradong magugustuhan tuh ng fiance mo Ma'am" kinikilig na dagdag niya.

Nag-init yung pisngi ko, nakakahiya. Tiningnan ko yung reaksyon ng mukha ni Renan. Ang dating blangko mukha niya ay napalitan ng galit.  Ano naman bang nagawa ko. Pa bago bago talaga yung ugali niya.

"what do you think?" nag-alangan akong nagtanong sa kanya.

"take it off"cold niyang sabi. Hubarin ko daw,  hala bakit ang ganda kaya.

"di ba bagay?" tanong ko.

"I SAID TAKE IT OFF!" hindi lang ako ang nagulat sa sigaw niya pati din yung babaeng saleslady.
Nataranta ako kaya sa sigaw niya kaya agad akong pumasok ng fitting room at hinubad yung gown. Diko namalayan na umiiyak na pala ako.

Ang gulo niya,  kanina okay naman siya ahh bat ba siya galit.  Kung di niya nagustuhan yung gown dapat di nalng siya sumigaw.

Pagkalabas ko ay wala na siya sa labas. Mukhang nasa kotse na siya. Parang diko kayang lumapit sa kanya natatakot ako. Kaya tinawagan ko nalang si Ashley.

"Ano di ka ba sasakay?" walang emosyong tanong niya. Galit pa din siya.

"Ahh sasabay nalang ako kay Ashley may pupuntahan pa kasi kami" sagot ko. Hindi na siya nagsalita pa at pumasok na siya sa kotse at umalis.

Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating si Ashley. Nandito na kami sa mall,  may bibilhin daw kasi siya.

"Nagalit na naman ba siya?" tanong niya. Tumango lang ako.
"Hayys lets just forget him, patingin nga ako sa picture mo kanina" sabi niya at inabot ko yung phone ko.
"My gosh, ito bang napili mo?" tanong niya sabay turo sa gown na sinuot ko kanina.

"oo,  ang ganda diba ewan ko nga kung bakit nagalit si Renan nung nakita niya yan" nalulungkot na naman ako pag naaalala ko yun.

"Now I get it" nagtaka ako sa sinabi niya.

"bakit?" tanong ko.

"I know this gown"

"Huh? Panu?"

"Si Fate ang nag sketch ng gown na tuh" nagulat ako sa sinabi niya. Kaya pala nagalit siya sa akin. I have to say sorry to him. Yun siguro yung dream wedding gown ni Fate.

Kanina pa ako paikot ikot sa kwarto, kinakabahan ako pupunta kasi ngayon si Renan dahil sa photo shoot namin. Panu ko ba siya kakausapin.

"Natagalan ka ata kanina pa naghihintay si Renan" salubong ni Mom sa akin.

"May hinanap pa kasi ako" palusot ko,  hindi na nagtanong si Mom mukhang buminta yung palusot ko.

"Renan please take good care of my daughter" sabi ni Mom,  tumango lang si Renan at lumabas na kami sa bahay.

"Mag cooperate ka agad mamaya para madali tayong matapos may pupunta pa ako pagkatapos" cold niyang sabi habang nakatuon sa pagmamaneho.

"okay,  hmmm Renan I'm sorry I don't have an idea na kay Fa..."

"Lets not talk about it"

***
"Stay closer" utos ng photographer. Tulad nga ng sabi ni Renan nag cooperate ako.

"Magtinginan kayo ng parang inlove na inlove kayo sa isa't isa" kinabahan ako sa sinabi ng photographer. Humarap ako sa kanya, pano ba tuh?  Tinitigan ako ni Renan diko maiwasang umiwas ng tingin.

"Miss Divine please look at him" nagulat ako kaya agad akong nakatingin sa kanya.
"Okay that's it, last pose Renan you kiss her" Kiss?  Hala saan.

"Saan?" nagulat ako sa sinabi ko, nakakahiya. Sasagot pa sana yung photographer kaso hinila na ako ni Renan at hinalikan ako sa noo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nahihiya ako kay pumikit nalang ako.

Pinuri kami ng photographer dahil sa ang ganda daw ng mga pose namin. 5:30 kami natapos bukas sa beach na naman yung venue.

"mag-usap muna tayo, may itatanong lang ako" sabi ni Renan.  Nagtataka ako kung anong pag-uusapan namin.

"Ano bang itatanong mo?" kabado kung tanong.

"wala ka pa bang naalala kahit kunti lang?" sa pagkakaalam ko wala pa talaga.

"Ni isa wala pa talaga"sagot ko.

"Pag may naalala ka sabihin mo agad sa akin"

"Pwede ba akong magtanong kong bakit?" alangan kong tanong sa kanya.

"Ikaw lang ang nakakaalam kong bakit namatay si Fate" naliwanagan ako sa sagot ni Renan,  ganun pala talaga ka importante yung alaala ko.

"Okay"

Pagkatapos naming mag-usap ay hinatid na niya ako.

"Thank you, bye" paalam ko sa kanya ng nakarating na kami sa bahay.

"Divine" napalingon ako ng tinawag niya ako.
"I'm sorry alam kong di mo sinasadyang napili yung wedding gown, actually it suits you well" naluha ako sa sinabi niya.

"mag pinsan talaga kayo"

Amnesia Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon