Chapter 14

61 4 1
                                    

Hanggang ngayon diko pa rin maintindihan kung bakit ang layo layo ng bahay namin sa gate. Eh halos puno lang naman yung nadadaanan namin. Ano bang trip nila Dad?

"Good morning Young Miss" pati ng mga maids. Yuyuko pa sana sila pero pinigilan ko na.

"Stop calling me Young Miss, Divine nalang" napangiti ang mga maids sa sinabi ko. Agad din naman nila akong dinala kay Mom.

"Mom" agad naman akong yumakap sa kanya. Namiss ko talaga siya.

"Where's Renan?" Tanong niya.

"Di na siya sumama ayaw raw niyang maka disturbo sa atin" masaya kong sabi.

"Masaya akong nakikita kang masaya habang kasama siya, I'm relieved at inaalagaan ka niya ng mabuti" masayang sabi ni Mom.

Sobrang dami ng pinag-usapan namin ni Mom pero hindi ko na sa kanya sinabi pa yung nangyaring away ni RJ sa Mom niya . Baka kasi lumaki pa. Besides napag usapan naman namin yun ni RJ.

****
"May gusto kang daanan" tanong ni RJ sa akin, sinundo niya kasi ako. Parang gusto kong kumain ngayon ng matamis.

"Bili tayo ng cupcakes" sabi ko, ngumiti siya at agad na huminto. Hindi na niya ako pinalabas pa.

Kain lang ako ng kain habang nasa biyahe, inaalok ko siya pero ayaw niya raw mamaya na. Baka mabilaukan na naman raw siya, naalala ko tuloy yung sinubuan ko siya.
Dahil sa medyu malayo yung bahay nila Mom ay gabi na bago kami makarating sa bahay at naubos ko na rin yung cupcakes. Gusto pa naman sanang kumain ni RJ ng cupcake.

Hindi na ako pinayagan ni RJ na magluto magpapadeliver nalang raw siya ng pagkain.

"Sorry nga pala naubos ko na yung cupcake" paghingi ko ng tawad habang sinara ko yung pinto ng bahay. Napahinto siya at humarap sa akin, tiningnan niya yung kamay ko. Tanging lagayan nalang yung naiwan.

"Meron pa" nagtaka ako sa sinabi niya.

"Wala na. Kanina ko pa naubos" paliwanag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at ngumiti. Napaatras ako ng mas lalo pa siyang lumapit. Nagulat ako ng hinalikan niya yung gilid ng labi ko, nakakahiya may naiwan palang cupcake dun.

"Sabi ko na meron pa" nakangiting sabi niya. Habang ako nakatulala parin sa ginawa niya.

"Bali...." hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil inangkin na niya yung labi ko.

"Res...." hindi ko na din siya pinatapos dahil tumugon na ako sa halik niya. Natigilan ako ng may nag doorbell,mukhang order na namin yun, pilit ko siyang tinutulak pero ayaw niya.
"It can wait" sabi niya at hinalikan na naman ako. Nakailang doorbell pa yung delivery boy hanggang sa naingayan na si RJ at lumabas na siya.
"Ang kulit, ang sarap pa naman sana ng strawberry flavor" birong sabi niya. Sinapak ko siya ng mahina. Hindi ako makapaniwala na may gantong ugali pala si RJ.

"Kain na tayo" yaya ko sa kanya pagkatapos kong maghanda ng plato. Agad din naman siyang umupo.

"Sa susunod na lunes na ang pasukan, malayo ang University dito gusto mo bang magcondo" sabi ni RJ sa akin. Tama malapit na pala mag start ang klase.

"May dorm naman sa lalaki at babae diba?" Natigilan siya sa sinabi ko. Nakailang subo pa siya bago siya magsalita.

"Ayaw kong mag dorm" simpleng sabi niya.


"Huh? Eh mas convenient nga yun dahil malapit lang" paliwanag ko sa kanya.

"Ayaw ko parin" reklamo niya.

"Bakit ba ayaw mo?" Tanong ko.


"Nasanay na akong kasama ka" agad niyang sagot. Muntik na tuloy akong mabilaukan.


"Yung lang? RJ magkikita pa naman tayo sa campus. Tapos uuwi naman tayo dito pag weekend." Paliwanag ko na naman sa kanya. Natapos na siyang kumain, humarap na siya sa akin. Pabiro ko siyang tinitignan.

"Mamimiss mo ko nuh?" pabiro kong sabi.

"Oo" tipid niyang sagot. Nahiya tuloy ako sa sagot niya.

"Masasanay ka rin ano ka ba" sabi ko.

"Ayaw kong iwan ka, alam mong hindi ka parin safe" paliwanag naman niya. Natauhan ako, tama hindi nga pala pwedeng iwan ako mag-isa.

"Okay mag condo nalang tayo" pagsang-ayon ko sa kanya. Napangiti siya sa sinabi ko.

Pagkatapos kong maligo ay napansin kong wala si RJ sa kwartao kaya agad akong pumunta sa baba, tapos na din kasi siyang maligo, nadatnan kong nakasandal siya sa sofa. Halatang inaantok na.
Linapitan ko siya at niyogyog.

"Akyat ka na dun" mahina kong sabi. Napamulat siya sa ginawa ko. Tumango siya at tumayo. Kukunin ko na sana ang remote para manuod ng horror movie nang bigla niya akong hinila.

"Matulog na tayo" yaya niya sa akin.

"Mauna ka na di pa ako inaantok" reklamo ko.

"okay" mahina niyang sabi. Akala ko aakyat na siya pero umupo siya sofa at  hinila ako. Sumandal siya sa akin at pumikit.

Napatitig tuloy ako sa kanya. Ang taas pala ng mga pilik mata niya, ang tangos pa ng ilong.

"Di ako makakatulog niyan pag tititigan mo ako" natauhan ako sa sinabi niya.

"Bat ang clingy mo, para kang lintang laging nakadikit" pagpaparinig ko sa kanya.

"Masanay ka na, ganito rin ako kay Fate noon" sagot niya. Medyu kumurot yung puso ko sa sinabi niya. Ako yung lagi niyang kasama pero si Fate parin yung iniisip niya.
Hindi ko alam pero naiiyak na ako, inalis ko yung ulo ni RJ sa balikat ko.

"Akyat na ako" nakatitig lang si RJ habang sinasabi ko yun. Tatayo na sana ako pero pinigilan na naman niya ako. Sumandal na naman siya sa akin. Napapikit ako, tumulo tuloy yung luha ko. Mabuti at hindi niya nakita. Palihim kong pinahiran yun. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Nakapikit parin siya habang ginagawa niya yun.

"RJ may itatanong ako" mahina kong sabi pero hindi siya sumagot. Tulog na ata. Linakasan ko pa yung loob ko bago ako magtanong.
"RJ do you...." hindi ko natapos yung itatanong ko sana sa kanya ng bigla siyang gumalaw. Binitiwan niya yung kamay ko at inakbayan ako. Aalisin ko na sana yung pagkaka akbay niya sa akin ng pinigilan niya ako. Pinasandal niya ako sa balikat niya.

"I love you" bulong niya.
"Nasagot ko na ba yung tanong mo?" Tanong niya, hindi ako makasagot. Pumikit nalang ako, sumandal nadin siya sa noo ko.

"Dito na muna tayo" bulong niya. Tumango nalang ako.



Amnesia Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon