Days passed nung huling akong dinalaw ni Renan, hanggang ngayon nalilito parin ako kung bakit galit na galit siya sa akin. Anong karapatan niya para sabihin na sana di na ako nagising eh habang halos mabaliw na nga si Mommy nung na coma ako ng ilang taon, kung galit siya sa akin dapat di parin niya ako sinabihan ng ganon.
"sweety I'm sorry kung di ka man lang nadalaw ulit ng anak ko, alam mo na busy siya sa pag-aaral nya" sabi nung Mom ni Renan, araw araw niya akong dinadalaw para kamustahin ako. Ganon ba talaga ako ka close sa kanila para gawin niya tuh sa akin?
Lalabas na pala ako ngayon sa hospital eh dapat nung isang araw pa pero ayaw pumayag ni Mom para daw makasiguro, andami ngang nagulat kung bakit nabuhay pa raw ako eh samantalang sa ulo tumama yung bala baka dahil mga doctors yung mga relatives ko."Sweetheart are you sure na okay ka na, we can stay here longer if you want" sabi ni Mom sa akin nag oo lang ako, nakakapagod na din kasing laging nakahiga.
"careful" inalalayan nila ako papasok sa kotse, medyu hirap pa kasi ako maglakad dahil siguro sa tagal kung hindi nagalaw yung katawan ko. Andaming nakapaligid na mga lalaking naka itim, mga bodyguards daw sabi ni Ashley nung tanungin ko siya. Bakit may bodyguard pa? hayys ang weird.
Mga 45 minutes bago kami nakarating sa gate ng bahay daw namin, pero 10 minutes pa ang inabot namin papasok sa loob. Seryoso ito yung bahay namin? Tapos kami lang ni Mom ang nakatira. Pagbaba ko ay sinalubong ako ng 20 housemaids at yumuko sila."welcome back Young Miss" bati nila, pero bakit parang kinakabahan sila. Nag thank you ako sa kanila at mukhang lahat sila nagulat sa sinabi ko. Ang weird.
"bring her to her room" utos ni Mom sa mga maids, pinagbuksan nila ako sa kwarto ko, grabe ang laki ng kwarto nagulat ako kasi andaming photo namin ni Renan simula ata nung 1 year pa kami hanggang sa paglaki namin. So talagang ganyan kami ka close, pero isang larawan ang napukaw ng atensyon ko anong event ba tuh?
"you must be thinking kung anong event yan, engagement party niyo yan ni Renan grabe ang tuwa mo diyan" Ashley said while smiling, engagement party?
"Ash ilang taon na ba ako?" tanong ko kay Ashley, kami nalang kasi ngayon naiwan sa kwarto medyu naging close na kami ni Ashley and I like her never niya akong iniwan unlike dun sa fiancé ko."You're 20, 18 ka nung mangyari yan" sagot naman ni Ashley. Nagsmile lang ako sa kanya, inalalayan naman niya ako paupo sa kama.
"may gusto ka pa bang itanong?" tanong niya, umiling lang ako ayaw ko na munang magtanong medyu andami ko ng nalaman simula nung gumising ako medyu nahihirapan pa akong eh proseso.Binigay ni Ashley yung phone ko bago siya lumabas ng room may tatawagan pa kasi daw siya. Una kong tinignan yung gallery, grabe andami naming photo ni Renan pero ni isang photo wala akong nakitang ngumiti siya ganyan ba talaga siya ka seryoso? Andami ding stolen photo niya, tiningnan ko naman yung contacts ko, kung fiancé ko si Renan bakit walang akong nakikitang Renan dito? Wait sino tung Love dito? Ayy baka friend ko na Babae tapos Love yung pangalan ayy baka nga.
"Sweety thank you for coming, mamaya pa naman yung dinner ipahahatid nalng kita sa kwarto ni Renan para di ka naman ma bore dito" sabi nung Mom niya, nandito kasi ako ngayon sa kanila kasi may dinner na mangyayari mamaya di ko alam kung para san.
"Renan, Divine is here, dito na muna siya ha" sabi ng Mom niya at pinapasok ako sa loob tapos di man lang lumingon si Renan mukhang may sinusulat siya. I don't know pero natatakot ako sa kanya."I'm sorry, promise di kita kukulitin" sabi ko sa kanya, umupo na ako sa sofa. Tumayo siya at inabutan niya ako ng remote.
"ahh right you forgot, nevermind" problema nito, bat niya binawi yung remote.
"I'm sorry" alangan niyang sabi sa akin, tinalikuran niya ako at ginulo niya yung buhok niya.
"I said sorry so you don't have to tell to my parents what happened in the hospital" diretso niyang sabi, bakit parang natatakot siyang malaman yun ng parents niya. Tumango lang siya kahit alam kong hindi siya sincere."bakit ka galit sa akin?" tanong ko sa kanya, lumingon siya sa akin na parang kakainin niya ako sa galit. Ganyan ba talaga siya ka galit sa akin, ano ba kasing ginawa ko sa kanya.
"soon you'll know it" hindi ako nakasagot pagkatapos wala ng nagsalita sa amin kaya nag laro nalang ako ng candy crush.
"Sir, Miss baba na po raw kayo" sabi nung maid kaya tumayo na ako, lalabas nasana ako ng hinawakan niya yung kamay ko.
"we're fiancé so we have to act as one" hindi na ako nagreklamo at hawak kamay kaming lumabas ng kwarto niya. Ang laki ng ngiti ng mg magulang namin ng makita nila kami, seriously big deal tuh sa kanila?
"as usual ang sweet niyo parin, upo na kayo" sabi ng Mom niya. Tabi kami ng upuan pagkaupo namin
ay binitawan niya agad yung kamay ko."halatang namiss mo siya Son" sabi nung Dad niya. Ngumiti si Renan at tumangong tumingin sa akin, If I know nagpapanggap lang siya, kung wala akong amnesia nahimatay na siguro ako sa kilig. Sinisigawan rin kaya niya ako noon? lagi ba niya akong sinasaktan noon? Hayyys ang gulo.
"stop staring" bulong niya sa akin, umiwas ako ng tingin, kanina ko pa pala siya tinitigan nakakahiya, yumuko nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Ilang months nalang birthday niyo na dalawa, debut mo na Renan" sabi ni Mom, sabay pala kami ng birthday. Hindi mapakali si Renan sa kanyang kinauupuan at mukhang may gusto siyang sabihin.
"tulad ng napag-usapan gaganapin ang kasal niyo pag nag 21 na yung anak ko" sabi nung Mom ni Renan, sa aming lahat mukhang ako lang ang nagulat.
"don't be shock Sweety this is all your plan" natatawang dagdag ng Mom niya."but Mom Divine is still not fine, how about we postponed the weeding" sabi ni Renan.
"son I know your concerned but it's all settled"
"tita, I think Renan is right how about we postponed and wait for my recovery" nagulat silang ng magsalita ako.
"the doctor is right, talagang may amnesia ka Divine, kung wala siguro pinagtawan mo na yang pinagsasabi mo. You're too inlove with my son, kahit nung nag 18 ka gusto mo nang ikasal kayo agad" natatawang sabi ng Mom niya. Ewan ko pero kinalibutan ako sa sinabi niya, ang atat ko pala dati.
"please wag mong pagtawanan ang kalagayan ng anak ko Lea" diing sabi ni Mom
"my apologies Cindy, but I'm just stating the fact" mahinahong sabi ni Tita Lea.
"yes Lea you are right it's all settled and we have nothing to do about it" malungkot na sabi ni Mom.
"I'm full thank you for the food, excuse me" sabi ni Renan at lumabas siya ng bahay. Tiningnan ko si Mom at mukhang sinasabi niyang sundan ko si Renan kaya tumayo ako at nagpaalam na sa kanila.
"Renan, wait" sigaw ko, hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy siya paglalakad.
"I'm sorry, alam kong ayaw mong makasal sa akin, kaya bumalik tayo sa loob at kakausapin natin sila, I will talk to my Mom" dagdag ko, tumigil siya at hinarap ako."Yes you are right, ayaw kong makasal sayo pero tangina lang Divine wala akong magawa, tayo wala tayong magagawa. We're born for the sake of their fucking business, gulong gulo na ako kung sinong uunahin ko. Yung sarili ko ba, yung family ko o kung ikaw" naguguluhan ako sa sinabi niya.
"I love my family but I can't tolerate them from their behaviour, pera lang ang habol ng pamilya ko sayo, they took advantage your feelings for me at ayaw kong mangyari yun. But fuck, your family also needs us, for your protection. I don't love you but I want to protect you. I want to protect my bestfriend, but protecting you doesn't mean I have to marry you, because I can't, not now I still love her
I'm still madly inlove with Fate
I'm sorry"
BINABASA MO ANG
Amnesia Love
SonstigesWhat if oneday you'll wake up for a long sleep and then you forgot everything, even your Mom, your love ones and especially yourself. But from the moment that you wake up you just realize that, not all your love ones wants you alive.