Chapter 19

12 0 0
                                    

Pagdating ko sa bahay wala parin si RJ, ang dami ko ng chat sa kanya pero ni seen wala.

Asan ba kasi siya pumunta, nag-aalala na tuloy ako sa kanya. Habang naghihintay nagluto nalang ako ng ulam namin, pagkatapos ay nanuod ako ng movie walang din kasi akong homework eh tas kapagod mag study. Natapos ko nalang yung movie pero wala parin siya, malapit na pala mag 8 nagugutom na ako. Nauna nalang akong kumain sa kanya, baka tapos na din yung kumain.

Sa kwarto ko nalang siya hinitay at nanunod nlang ako ng vlog ni Chef Martin Uy, isa siya sa kilalang Chef dito sa Pilipinas. Marami din kasi akong natututonan sa mga videos niya eh. Gusto ko ngang bumili ng books niya eh kaso laging sold out.

Sa kakapanuod ko ng videos ay diko namalayan na nakatulog na pala ako, tiningnan ko ang oras, 2 am. Lumabas ako ng kwarto, wala parin si RJ. Kaya natulog nalang ako ulit. Siguro nman bukas andito na siya.

Kinabukasan walang paring RJ na nagpakita pati yung mga chat ko walang reply. Hinayaan ko nalang at nagmadali na akong pumasok sa school, ngayon kasi malalaman kung sino nanalo sa ginawa naming mga cooking video. Nadatnan ko si Ralph sa classroom kaya lumapit na ako sa kanya.

"Aga mo ah" sabi ko dito , himala kasi na maaga siya ngayon lagi kasi tung late o kaya absent. Kinakabahan na ako sa result, baka excited lang to si Ralph kaya maaga siya. Umayos na ako ng upo ng dumating na instructor namin.

"Good morning, as we agreed ngayon natin malalaman kung sino ang nanalo sa pinagawa kong videos sa inyu. I'm sure excited na kayong malaman. Before that ipapakita ko muna yung reward." lalo akong na excite sa sinabi ng instructor namin. Nanlaki yung mata ko ng may nilabas siyang dalawang book, at alam na alam ko yung libro na yun. Yun yung diko naabotan dahil laging sold out, limited edition lang kasi yun tas ang mahal.

"yes you saw it right this is the limited edition cooking book written by no other than Chef Martin Uy, of course with his autograph at the front page. Are you now excited to know who's the lucky winner?" lahat kami ay excited ng malaman yun, kaya napahiway ang lahat. Tiningnan ko si Ralph parang wala lang sa kanya.

"Alright, I would like to congratulate Mr. Ralph and Ms. Divine your video got 3.2 million views in youtube" sabi ng instructor namin. For real? 3.2 million? Grabe di ko nga alam kaninong account niya inupload yung video tas ganun pala ka dami yung viewers. Pinatayo kami ni Ma'am at pumalakpak lahat ng calssmates namin.

"Also both of you are exempted to our upcoming exam, again congratulations" di mapaglagyan yung tuwa ko. Excited na akong sabihin to kay RJ, natigilan ako oo nga pala kagabi pa siya di umuuwi sa amin. Nalungkot tuloy ako.

"Hey, Divine okay ka lang?" nataohan ako ng kanina pa pala ako kinakausap ni Ralph.

"oo bakit?" tanong ko dito.
"Yung book sayo na ibigay mo nalang sa iba meron na ako niyan eh" sabi nito, idol niya din siguro si Chef Uy.

"okay sige, thank you. I didn't know that your famous pala. Grabe naman yung 3.2 millions views." sabi ko dito.

"kaya mo din yun, you're more powerful that I am. " sabi nito at umalis na agad siya.

Uwian na, tatawagan ko na sana yung driver na iniwan ni RJ sakin kaso may biglang humintong kotse sa harapan ko. Lumabas yung driver naka mask. Nung una diko pa mamukhaan pero nakilala ko na nung mag salita na siya.

"Let's go home" sabi nito. Sa wakas nagpakita rin si RJ sa akin. Hindi ako umimik at pumasok na ako sa kotse. Di parin niya tinatanggal yung face mask niya.

" why are you wearing that?" tanong ko dito imbes na tanongin ko siya san siya galing ay yan yung unang lumabas sa bibig ko. Bat naman kasi siya naka facemask.

"May ubo ako" simpleng sagot niya.

"Kaya ba di kita ma contact kahapon pa at di ka umuwi sa bahay?" tanong ko dito, alam ko namang hindi yan yung dahilan, alam kong may tinatago siya.

"Mag usap tayo sa condo" sagot nito. Pagkadating namin sa condo at ay agad akong umupo sa sofa.

"Now lets talk. San ka galing?" tanong ko dito.
"bat di kita ma contact?" dagdag ko pa. Ang dami ko pang gustong itanong sa kanya.

"I'm sorry, nawala yung phone ko. Andun ako kay mom umuwi kagabi kasi late ng natapos yung inasikaso ko kahapon about yung sa case na nangyari sa business namin" sagot nito. I can tell that he's lying. Lumapit ako sa kanya at agad na tinanggal yung face mask niya. Di na niya ako napigilan at nakita ko na may pasa pala siya sa mukha. Halatang kahapon pa yung pasa na yun.

"Sinong gumawa niyan sayo?" tanong ko. Hindi siya umimik, kinuha ko yung medicine kit namin at gagamotin ko na sana ng pinigilan niya yung kamay ko.

"I'm sorry" sabi nito. Inalis ko yung kamay niya at ginamot yung pasa niya sa bibig.
" Wala ka ba talagang naaalala?" tanong niya sakin. Naguluhan ako sa tanong niya.

"Divine, he's back" sabi nito, mas lalo akong naguluhan. Sinong bumalik?

"anong pinagsasabi mo? Rj naguguluhan ako" sabi ko dito. Sabay kaming natigilan ng may door bell. Halatang kinabahn si RJ. Nauna siyang pumunta sa pinto at sumunod ako. Pagkabukas niya ay may biglang yumakap sakin.

"I'm back , finally I'm here. I miss you " saad nito. Tulad ni Rj may pasa din siya sa mukha. Mukhang ito yung kasuntokan ni Rj.

"Get off her" galit na sabi ni Rj, agad niya akong hinawakan at pinalayo sa lalaking ngayon ko lang nakita.

"Bro, alam kong wala siyang maalala. But you know she's mine" sabi nito. Ano raw? Sobra na akong naguguluhan sa nangyayari. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Ralph na darating daw yung totoong nagmamay ari sakin.

"No, she's mine only mine" sabi ni RJ at agad sinara yung pinto. Katok ng katok yung lalaki sa labas. Galit na galit na tumawag si Rj ng security para paalisin yung lalaki. Minumura na nga niya ito. Bat galit na galit siya.

" I'm sorry, forget about him. You don't know him" sabi nito at niyakap ako. Ang lakas ng tibok ng puso niya. He is trembling, dahil ba to sa galit? Sino ba kasi yun?

"Sino yun?" tanong ko dito.

"nothing" tipid niyang sagot.
Pero di ako satisfied sa sagot niya.

"I don't know, he came from nowhere. Nakilala ko siya nung nabaril ka, iyak siya ng iyak sa hospital saying kilala mo raw siya." sagot nito.

"Its either kilala mo siya or hindi, ikaw lang nakakaalam nun. You'll know when your memories are back" sabi pa niya.

Do I know him? Akala ko ba kay RJ lang umikot mundo ko dati. Yun yung sabi ng lahat ng kakilala ko, na sobrang inlove ko raw kay RJ nun tas biglang may susulpot na lalaki out of nowhere claiming I know him?

Weird ...

______________________
Author's Note.

It's good to be back here. My G ang tagal na nito diko pa natapos. Please let me know kung may nagbabasa pa ba nito. Sobrang busy ko sa life. I'm planning to finish this story very soon. Hopefully may readers pa ako 😫.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Amnesia Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon