Chapter 18

76 1 2
                                    

Pumunta kami sa kitchen nila at ready na talaga ang lahat. Pinaalis na niya ang mga maids nila dahil ayaw niya ng maingay. Pansin ko ang sungit niya, ay hindi masungit talaga siya. Nagtaka ako ng may inabot siyang paper bag sa akin.

"Ano to?" Tanong ko.

"Suotin mo" sagot niya, at may binuksan siyang banyo ata.
"Bilisan mo, madami pa akong gagawin." Kaya agad akong pumasok dun para mag bihis. Pano kaya niya nalaman size ko? Kasya kasi sa akin yung damit na pang chef. Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko na muna yung buhok ko.

Paglabas ko ay nakabihis nadin siya. May inabot siyang script sa akin.

"I'll give 5 minutes to memorize it" sabi niya, kaya agad akong nag memorize.

Umabot ata ng 30 minutes bago kami natapos. Sabi niya siya na raw bahalang mag edit nun at mag pass. Wag ko na rin daw alalahanin yung views kasi maraming raw kaibigan. Sa cold niyang yan sigurado ba siyang may kaibigan siya?

"Bilisan mo na diyan baka pagalitan ako ng asawa mo dahil antagal kitang hinatid" sabi niya. Kumakain kasi kami ngayon, sa totoo lang gusto kong sa condo nalang ako kakain pero ayaw niya.  

May napansin akong dish na sobrang layo sa akin. Gusto ko siyang tikman kaya pinaabot ko ito sa kanya.

"No" yan lang yung sinabi niya.

"Huh? Bakit ba?" Tanong ko.

"Allergy ka niyan" nagulat ako sa sagot niya. Pano niya nalamang allergy ako nun, pati nga ako hindi ko alam na allergy pala ako sa octopus.

"Pano mo nalaman?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Pagkatapos naming kumain ay nakatanggap ako ng text ni RJ na hinihintay na raw niya ako sa labas. Kaya nag paalam na ako sa kanya. Hinatid pa niya ako sa labas. Naabutan kong nakasimangot si RJ. Ano naman kayang iniisip nito? Pinapasok na niya agad ako sa kotse.

"Thank you pare" rinig kong sabi ni RJ.

"Walang anuman para namang hindi ko siya kilala" sagot ni Ralph.

"Hindi mo siya kilala" sabi ni RJ. Tumawa ng mahina si Ralph.

"Kilala ko siya kilalang kilala, wag pakampante pare balang araw ibabalik mo rin siya sa totoong nagmamay-ari sa kanya." Nagtaka ako sa sinabi ni Ralph.

"Shut up" sabi ni RJ at pumasok na siya sa kotse.

"RJ kakilala ko ba sila?" Tanong ko, tiningnan lang niya ako at umiwas ng tingin.
"Sagotin mo naman ako" dagdag ko.

"Hindi" sagot niya.
"Wag ka ng magtanong pa lahat ng narinig mo kanina ay hindi totoo kinugulo lang niya isip mo." Sabi pa niya. Hindi naman sa wala akong tiwala kay RJ para kasing may tinatago siya sa akin.

"Nahuli ba yung nagnakaw?" Tanong ko.

"Oo pero pansamantala muna naming isasara ang shop, para din makapagpahinga mga sales lady namin." Sagot niya.

"Mabuti naman kung ganon." Sabi ko. "tapos na pala akong kumain, ikaw kumain ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa" sagot niya .

"Bakit kasi hindi ka pa kumain" paninirmon ko sa kanya.
"Baka may bukas pang kainan dito ihinto mo" utos ko sa kanya.

"Sinarado na lahat" sabi niya.
"Ipagluto mo nalang ako sa condo" dagdag niya.

"Anong sirado ayun ooh bukas pa" sabi ko sa kanya. Pero parang hindi niya ako naririnig.
"RJ nakikinig ka ba?" Tawag ko sa kanya.

"Wag kang makulit mas gusto ko luto mo." Sabi niya, kaya hindi na ako nagsalita pa. Deep inside kinikilig ako. Gusto lang pala niya ako yung magluluto sana kanina pa niya sinabi.

"Okay"

*****
"Divine" tawag niya sa akin. Gising pa pala siya akala ko tulog na.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pag bumalik ba alaala mo ako parin ba pipiliin mo?" Naguluhan ako sa tanong niya. Humarap ako sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko.

"Just answer me" sabi niya.

"Malamang sayo parin, kasal na kaya tayo" sagot ko.

"Okay tatandaan ko" sabi niya. Hindi na ako nagtanong pa kasi inaantok na din kasi ako.

KINABUKASAN

"Divine matatagalan ako mamaya hindi kita masasabayan. Tatawag nalang ako ng kotse para may humatid sayo mamaya." Sabi niya habang papapunta kami sa campus. Tumango lang ako.

Abala ang lahat ng kaklase ko sa paghahanda para sa next subject namin, habang ako'y nakasimangot kasi nakakapagod maglaro. PE time kasi namin ngayon. Maglalaro daw kami ng Volleyball.

"Tara na Divine" yaya ni Pauline sa akin, kaya hinayaan ko nalang siyang hilahin ako.

Habang papunta kami ng gym ay nakasalubong namin yung mga BS Marine pero hindi ko nakita si RJ.

"Hai Miss Divine" bati nung isang lalaki. Classmate ata to ni RJ. Ngumiti lang ako.

"Bat nga pala absent si RJ?" nagtaka ako sa tanong niya. Hindi siya pumasok? Bat hindi niya ako sinabihan, bat naka uniform siya kanina?

"M-may inasikaso lang" pagsisinungaling ko. May itatanong pa sana yung lalaki pero hinila na siya ng mga kasama niya.

Mas lalong wala na ako sa mood na maglaro, nasan ba kasi si RJ?

"Divine are you okay?" Tanong nung instructor namin.

"Pwede po bang hindi ako maglaro? Ang sakit kasi ng ulo ko" tutal wala naman ako sa mood magsisinungaling nalang ako. Buti naman at pinayagan ako.

"Hatid na kita sa clinic" rinig kong sabi ni Ralph.

"Wag na" sabi ko.

"Inutusan ako ni Sir kaya tara na" hindi na ako nagreklamo pa.
"Hanggang ngayon pala ayaw mo parin sa sports" napalingon ako sa sinabi niya.

"Kung makapagsalita ka parang kilalang kilala mo ako" sabi ko sa kanya.

"Maaalala mo rin ako sa susunod" sabi niya.

Andami na tuloy gumugulo sa isip ko dumagdag pa kasi si Ralph. Sinubukan kong tawagan si RJ pero hindi ko siya ma contact.
Nasan ba kasi siya?

Uwian na, tulad ng sinabi ni RJ ay talagang may tinawagan siyang kotse para sunduin ako. Sasakay na sana ako ng may biglang humawak sa kamay ko.

"Sakin ka na sumakay" sabi ni Ralph.

"Hindi okay lang" reklamo ko. Pero imbes na pakinggan niya ako ay binayaran na niya yung kotse at hinila ako papasok sa kotse niya.

"Problema mo" sabi ko.

"I'm sorry nangako kasi ako sa kanya na bantayan ka habang wala pa siya" sabi niya.


"Kanino ka nangako?" Tanong ko naman. Kasi halatang hindi si RJ ang ibig niyang sabihin. Hindi naman kasi sila close.


"Sa kaibigan ko" sagot niya.
"Kunti nalang magkikita na kayo"












Amnesia Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon