Chapter 11

64 4 2
                                    

Natulog kami ng dalawa ng walang imikan. I'm still in process sa nangyari kanina. It's too awkward lalo na't magkatabi kaming natutulog. Its already 11:00 pm pero hindi parin ako makatulog. So I decided to go out in our room. I open the tv then I watch a horror movie.
Pero kahit ang intense na ng movie di parin ako makapag focus. Its his fault bakit ba kasi niya ako hinalikan?

Hindi ko na tinapos yung movie at bumalik na ako sa kwarto. Pag bukas ko ay mukha niya ang una kong nakita.

"Ano ba RJ, nakakatakot ka promise" Ramdam kong inaantok parin siya. Hala baka nag sleepwalk tuh.
"hey" mas lalo akong lumapit sa kanya.

"san ka galing?" napaatras ako ng magsalita siya.  Ayy mali gising pala siya.

"dun sa baba" sagot ko at humiga na ako sa kama.

"bakit?" bat ba ang dami niyang tanong. Kung makapagsalita parang hindi siya ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog.

"Anong bakit? Bawal bang pumunta dun at manuod ng Tv?" tanong ko. Di ko makita yung expression ng mukha niya madilim kasi.

"Sa ganitong oras?" tanong na naman niya.

"alam mo RJ ewan ko sayo. This is all your fault bakit di ako makatulog.  Kaya pwede ba tumahimik kana diyan at tigilan mo na yang kakatanong mo." irita kong sabi. Ginulo niya yung buhok niya.

"I'm sorry" mahina niyang sabi bago siya pumasok sa comfort room.

****
"Bat ang tagal mo?" salubong ni RJ sa akin paglabas ko sa kwarto. Ayan na naman siya sa ugali niya.

"Sabi ko naman sayo inaantok pa ako" sagot ko.  Isasama kasi daw niya ako sa hospital, di naman sa ayaw kong sumama inaantok pa kasi talaga ako.

Hindi na siya nagsalita pa at lumabas na siya ng bahay kaya sumunod nalang ako. Dahil sa ayaw ko siyang kausap ay napagisipan kong mag earphones nalang.  Naiilang pa din kasi ako. Nagtaka nalang ako ng tumigil yung kotse. Kaya tumingin ako sa kanya at tinanggal ko yung earphones.

"Bat ka huminto?" tanong ko sa kanya. Napansin kong pinagpapawisan siya.

"Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka man lang nakikinig." galit niyang sabi. seryoso kanina niya pa ako kinakausap? Akala ko ba wala siyang planong kausapin ako.

"ano ba kasing sasabihin mo?" tanong ko naman. Umiwas siya ng tingin

"WALA!" sigaw niya at pinaandar na niya yung kotse.

See ang sungit, ang gulo niya talaga. Bahala ka diyan, mag sasoundtrip pa din ako. Ibabalik ko na sana yung earphones ng bigla niya itong hinablot at itinapon sa labas.

"Hey what's your problem?" inuubos niya talaga yung pasensya ko.
"Bat mo yun tinapon?" Tanong ko na naman. Pero parang hindi niya ako naririnig.
"ANO BA RJ NABINGI KA NA BA?" this time sinigawan ko na siya.

"Ngayon alam mo ng pakiramdam yung hindi ka pinapansin" napanganga ako sa sinabi niya.
"pinaghandaan ko yun tapos hindi ka pala nakikinig" naguluhan ako sa sinabi niya.

" ano nga?" irita kong tanong. 
"Okay, I'm sorry ano ba kasing sinabi mo?" dagdag ko pero parang hindi niya ako naririnig. Hanggang makarating kami sa hospital, ang mas malala hindi man lang niya akong hinintay na makababa. Dumeresto agad siyang pumasok sa hospital.

Ang arte talaga niya, hayyss ano ba kasing sinabi niya?  Ang daming bumati sa akin pagpasok ko sa hospital. I forgot hospital pala tuh ng family namin. Kaya panay ngiti ko sa kanila.

"San po bang punta niyo Miss Divine?" tanong ng isang lalaki. I look to his name tag, he's Dr. Reymart Luz .

"I'll visit my Mother in law" sagot ko.

"hatid na kita Miss" sabi niya.
Ganito ba sila hospitable o talagang ginagawa niya lang tuh dahil hospital namin tuh?

"No you don't have to, but thank you. I have to go" nag smile lang siya at umalis na ako.

Kahit nasa labas pa ako ng room ni Mom ay rinig ko na yung tinig ni RJ.
Hindi pala nasara ng maayos ang pinto. Papasok na sana ako ng magsalita ulit si RJ.

"Talagang gagawin niyo ang lahat para lang makuha niyo ang gusto niyo." galit niyang sabi. Ano kayang tinutukoy ni RJ.
"Then what's next? Papatayin niyo siya para mapunta sakin lahat ng yaman niya? MOM KAILAN PA KAYO TITIGIL?" nung sumigaw na si RJ ay pumasok na ako. Hinawakan ko yung braso niya.

"RJ stop it, wag mong sigawan yung Mom mo." inalis ni RJ yung kamay ko sa braso niya at hinila ako palabas ng room.
"Hooy teka mag sorry ka muna sa Mom mo. Ano ba RJ" awat ko sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao, pero parang hindi ako naririnig ni RJ at nagpatuloy parin siya sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa kotse.

Pumasok siya sa loob at sumunod narin ako. Nakayuko lang siya sa harap ng manubela walang siyang imik hanggang sa humarap siya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit kumurot yung puso ko, si RJ umiiyak sa harap ko. Panay suntok niya sa manubela, diko alam kong anong gagawin ko natatakot akong awatin siya.

"RJ, what's wrong?" hindi parin siya tumigil sa pagsuntok. This time inawat ko na siya. Natigilan siya at humarap na naman siya sa akin.

"Divine" mahinang sabi niya.

"Now tell me" sabi ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin.

"Let's have a divorce" hindi ko alam kung bakit pero para akong nabingi sa sinabi niya.

"what?" lakas loob kong tanong.

"Let's stop this" sabi niya. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.  Ito ba yung sinabi niya kanina sa kotse, yung sabing pinaghandaan niya?  Pero bakit ang gulo niya.

"Bakit?" Natigilan siya sa tanong ko. Kasi wala talaga akong nakikitang dahilan kung bakit kami maghihiwalay. Alam kong hindi kami nagmamahalan pero bakit?

"I want you out of my life" nasaktan ako sa sinabi niya, kunti nalang maiiyak na ako.
"I'm setting you free" dagdag niya.

"Am I not free?" tanong ko. Tumango siya tanong ko.

"You'll be free from my parents, from their plans" naguguluhan na talaga sa mga pinagsasabi niya.

"what plans?" tanong ko na naman sa kanya.

"Walang sakit si Mom,  it's just part of their plan. She used her illness for us to grant her wish" hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. So lahat ay pagpapanggap lang, gusto niyang magkaanak kami ni RJ para ano..

"Then what's next? Papatayin niyo siya para mapunta sa akin lahat ng yaman niya?"

So yun yong ibig niyang sabihin? Papatay sila para makuha lang yung gusto nila. Kinilabutan ako habang iniisip yun.

"ito ba yung sinabi mo kanina sa kotse?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot.
"gusto mong mag divorce tayo?" tumango siya.

"No, ayaw ko. Hindi ako pumapayag RJ"

Amnesia Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon