Napag-isipan naming matulog sa kanya kanyang kwarto tutal di naman talaga kailangang magkatabi kami matulog. Pero magkatabi lang naman yung kwarto namin. Dahil sa hindi pa ako inaantok ay naisipan ko na munang manuod ng Tv, pero diko gusto yung palabas kaya lumabas ako at pumunta sa terrace. Grabe ang ganda ng view kita yung city lights.
Paglingon ko ay palabas din si Renan sa kanyang kwarta papunta sa terrace. Nag wave ako at tumingin lang siya. Medyu di ako nahihiya sa kanya nakapag adjust na din ako sa ugali niya."hindi ka pa inaantok" medyu pasigaw kong sabi. Nagtaka siya sa sinabi ko mukhang hindi niya narinig. Kaya pinalapit niya ako. Yung terrace kasi ng kwarto niya at kwarto ko ay magkadugtong.
"anong sabi mo?" tanong niya nung makalapit ako.
"hindi ka pa ba inaantok?" tanong ko.
"hindi, nasobrahan siguro tuh kanina sa eroplano " sagot niya.
"ikaw? " tanong niya."same, ahh sorry pala kanina sumakit tuloy yung liig at balikat mo" napatingin siya sa sinabi ko.
"Kaninong mga dvd's yung nandun sa kwarto ko? " tinatanong ko siya, andami kasing horror movies mukhang ansaya manuod ng horror movies ngayon."sayo" tipid niyang sagot. Talagang mahilig ako sa horror movies.
"Sama ka manunuod ako" hindi siya sumagot mukhang wala siyang planong manuod. Kaya iniwan ko nalang siya dun. Mukhang nasa suplado mode na naman siya.
Nahirapan akong pumili ng panunuorin ko sa sobrang dami. Nagtaka pa nga ako at bakit andaming bago eh hindi naman ako bumili ng mga tuh, ikaw ba naman ma coma makakabili ka pa nga nito. Hayyyss ito nalang "Veronica" mukhang nakakatakot hango kasi daw sa totoong buhay. More creepy more fun.
Nasa kalagitnaan na ako ng movie ng pumasok si Renan sa kwarto, mukhang manunuod siya pero pansin ko ang hina niya tingnan . Hinahayaan ko nalang siya dahil ang ganda na ng movie.
Woaaahh ang ganda ng movie, medyu natakot ako. Pagkatapos kong pinatay yung Tv ay nilapitan ko na si Renan na kanina pa pala nakatulog. Niyogyog ko siya para gisingin pero nagulat ako dahil ang init niya. May lagnat pala siya.
"Hey Renan lipat ka dun sa kama, may lagnat ka pala bat dika nagsabi" pinagsabihan ko siya. Tumayo siya at bumagsak sa kama, halatang pagod siya. San ba ako maghahanap ng gamot? Naghanap ako sa drawer pasalamat ako at may natirang isa tiningnan ko yung expiry date mabuti at malayo pa. Kumuha ako ng tubig sa kitchen at pinainom ko siya. Ayaw niya pa ngang uminom nung una pero di ako pumayag kaya wala siyang nagawa.
"do you have extra blanket?" mahina niyang tanong. Tumango ako naghanap ng blanket mabuti naman at meron. Kinumutan ko siya.
"do you need more?" tanong ko.
"I don't need blanket, I need you" napa atras ako sa sinabi niya. Anong kailangan niya sa akin? Ganto ba pag nilalagnat yung tao kung ano ano lang yung sinasabi.
"no I mean I need body heat" sabi niya.
"Please" dagdag niya. Wala akong nagawa kaya tumabi nalang ako, tabi lang naman."I'm sorry, babawi ako pag okay na ako" sabi niya at niyakap niya ako. Ang init niya, diko alam pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko di naman mahigpit yung pagkakayakap niya sa akin.
Ilang minuto lang ang nakalipas at nakatulog na agad siya pero di ako makagalaw dahil nakayakap parin siya sa akin. Medyu di na siya masyadong mainit. Nagtaka ako kung bakit basa yung balikat ko. Pagtingin ko sa kanya ay may tumulong luha sa mata niya. Nasasaktan ako habang tinitignan siya, ganto ba siya ka lungkot nung nawala yung pinsan ko?
"Fate" bulong niya, mas lalong hinigpitan niya yung yakap sa akin. Talagang miss na miss na niya si Fate.
Diko alam kong sinong nagtulak sa akin at hinalikan ko siya sa noo.*******
Maaga akong gumising dahil nagluto ako ng breakfast at kailangan ko pang bumili ng gamot niya. Di naman siguro ako maliligaw dito. Dala ko naman yung phone ko.
Nakailang ikot na ako pero diko parin alam kong san ako dumaan kanina,lagot na. Pare pareho kasi yung mga bahay dito. Kanina ko pa din tinatawagan si Renan pero walang sumasagot mukhang tulog pa yun.
Napagod ako sa kakaikot kaya umupo na muna ako, tapos ang lamig pa nakalimutan ko kasing magdala ng jacket.Nagulat ako ng may nag abot ng jacket sa akin.
"suotin mo" cold na sabi ni Renan. Nabuhayan ako, sa wakas nahanap niya rin ako. Pero medyu nakonsensya ako dahil naka pangtulog pa siya at ang tamlay parin ng mata niya.
"I'm sorry" paghingi ko ng tawad sa kanya. Pero parang hindi niya narinig o nagpapanggap ra siyang hindi niya narinig. Halatang may lagnat pa siya.
Panay sunod parin ako sa kanya, ang layo na pala ng nilakad ko.Hanggang sa nakarating kami sa bahay ay di parin niya ako kinakausap. Na guguilty na tuloy ako.
"Here's your medicine" inabot ko sa kanya yung gamot. Pero imbes na ilagay niya sa table ay hinagis niya ito.
"ILANG BESES BA KITANG PINAGSABIHAN NA WAG KANG AALIS NG BAHAY DAHIL BAKA MAWALA KA, PANO KUNG NAPAGTRIPAN KA DUN? PANO KUNG HINDI AKO NAKAPUNTA AGAD SAN KAYA KITA HAHAGILAPIN HA!" sigaw niya sa akin. Diko namalayang tumulo na pala yung luha ko. He's mad.
"I'm sorry, gusto lang naman kitang bilhan ng gamot" mahina kong sagot. Napahawak siya sa ulo niya.
"Eat your breakfast so that you can take your medicine" dagdag ko. Napatingin siya sa sinabi ko."don't change the topic" diin niyang sabi.
"what's make you think na walang gamot dito sa bahay mo? Tangina lang Divine may gamot sa kwarto!" sigaw na naman niya."DIKO NGA ALAM NANINIGURADO LANG! " this time napasigaw na ako.
"gusto ko lang namang makatulong sayo""well hindi ka nakakatulong. And who told you na magluto ka. Tingnan mo yung kamay mo andaming sugat tapos ngayon dimo naman alam kong nasan yung kit" Napansin pala niya yung mga sugat ko sa kamay. Umalis siya at bumalik na may dalang ng medicine kit. lumapit siya sa akin, kukunin na sana niya yung kamay pero napahinto siya nung narinig niyang tumunog yung tiyan ko.
"stupid brat" mahina niyang sabi. Pagkatapos niyang magamot yung kamay ko ay kumain na kami. Nakatingin lang ako sa kanya habang kinakain niya yung niluto ko.
"what?" suplado niyang tanong. Umiwas agad ako ng tingin.
Pagkatapos naming maligpit yung pinagkainan namin ay kinuha ko yung gamot niya at inabot ko sa kanya. Medyu nagulat pa nga siya sa ginawa ko. Huhugasan ko na sana yung plato pero pingilan niya ako.
"ako na, masakit yan pag nababasa" oo nga pala may sugat pala ako sa kamay. Hinayaan ko nalang siya bago ako umalis ay hinawakan ko yung noo at liig niya. Nagulat siya sa ginawa ko.
"hey what are you doing? " taranta niya tanong.
"I'm just checking kung mataas parin yung lagnat mo" sagot ko.
"stop it. Yung Divine na nakilala ko ay hindi ganto, this is not you. It's different and it's confusing me.
don't make me fall for you with that stupid amnesia"
BINABASA MO ANG
Amnesia Love
RandomWhat if oneday you'll wake up for a long sleep and then you forgot everything, even your Mom, your love ones and especially yourself. But from the moment that you wake up you just realize that, not all your love ones wants you alive.