Chapter 17

64 2 5
                                    

Hindi na ako nagpahatid pa kay RJ sa department namin kasi baka mapagalitan na naman siya dahil palagi nalang itong late. Ang hirap niya din kasing gisingin pag umaga, tulog mantika.

"Good morning" bati ko kay Pauline at nag good morning din ito sa akin, mas lalong naging close kami. Comfortable kasi akong kasama siya, sana siya rin.

"Be seated" agad namang nagsiupuan yung mga kaklase ko. Nagtaka ako ng may biglang tumabi sa akin na lalaki, nakatulala siyang humarap sa akin. Parang hindi siya makapaniwala sa nakita niya.

"You look so familiar" sambit niya, bat ngayon ko lang siya nakita dito?

Magtatanong pa sana ako sa kanya kaso lang nagsalita na yung instructor namin, terror pa naman to baka mapagalitan ako.

"Everybody find your partner. It should be girl and a boy. Because I'll be giving your first task." nanglumo ako sa sinabi ng instructor namin, bakit pa kailangang lalaki ang partner ko. Palingon lingon ako sa paligid, may partner na sila ako nalang ata yung wala pa.

"Excuse me, may partner ka na?" Tanong ng babae sa katabi ko.

"Oo" sagot nito ng hindi man lang tinuonan ng tingin yung babae. Ang sungit pala nito.

"Ayy akala ko wala pa" nahihiyang sabi niya. Sino kayang ka partner nitong katabi ko.

"Ms. Divine may partner na ba kayo?" natuwa ako ng may nagtanong na lalaki akin. Sasagot sana ako ng biglang magsalita yung katabi ko.

"get lost, ako yung partner niya" napanga nga ako sa sinabi niya. Sa pagkaka alala ko wala pa akong partner at never niya akong tinanong kong gusto ko ba siya makapartner.

Napakamot ang lalaking nagtanong at umalis.

"Pano kita naging partner?" Tanong ko. Lumingon siya sa akin.

"Dahil gusto ko" seryosong sagot niya. Ganito ba siya ka seryoso, ang cold naman niya. Mukhang mas cold pa siya kay RJ noon.

"Pero ay...."

"Well I guess all of you has a partner." I have no choice kundi tanggaping siya yung magiging partner ko. Inatasan kaming gumawa ng vlog about our choosen recipe. Padamihan raw ng views. Halatang excited yung mga kaklase ko, balita ko may kaklase akong vlogger siguradong siya na ang mananalo.

"I'll text you the details kung kailan natin gagawin ang task" sabi ng partner ko at agad naman itong lumabas ng classroom.
Doon ko lang narealize na wala pala siyang number sa akin, pano niya ako eh te-text. Hindi ko nga din alam kong anong pangalan niya. Bahala na nga.

***
Abala na ang mga kaklase ko sa kung anong gagawin nila sa vlog nila, habang ako nakaupo lang sa sulok hinihintay yung partner ko. Dapat ngayon pinagplanohan na namin kung anong lulutoin. Agad akong napatayo ng pumasok siya sa classroom, linapitan ko siya. Cold niya akong tinignan.

"What?" Tanong niya.

"Hhmm, ano kasi yung mga kaklase natin alam na nila kung anong lulutoin." Sagot ko.

"So?"

"Hindi ba tayo mag-uusap?" Tanong ko.

"I said I'll text you the details" medyu irita niyang sabi.

"Pano? Wala ka ngang number ko" napa smirk siya sa sinabi ko at kinuha yung phone niya.

Nagulat ako ng mag vibrate yung cellphone ko.

"Hindi mo sasagutin?" Tanong niya. Hindi na ako nagsalita pa, bumalik nalang ako sa upuan ko. Nakakairita siya, bat ba kasi siya yung partner ko.

"Hey what's wrong?" kanina pa ako tinatanong ni RJ, kanina pa din kasi ako nakasimangot.

"Bukas na namin ipapasa yung video namin pero hindi parin ako sinasabihan ng partner ko kung ano ang gagawin namin" malungkot kong sabi. Siguradong babagsak ako nito.

"Who's your partner?" tanong niya.

"Hindi ko kilala"

"Panong hindi mo kilala?" tanong niya, sasagot pa sana ako ng biglang may nag doorbell. Nagtungo si RJ sa pinto para tingnan kung sino ito.

"Divine come here" agad akong tumayo at pinuntahan siya. Sino ba kasi yung nag doorbell.

"Hai" sabi niya. Pano niya nalaman na dito ako nakatira?

"Anong kailangan mo?" tanong ni RJ sa kanya.

"We're partners at kailangan na naming mag shoot ngayon" sagot niya.

"Siya ba yung sinasabi mo?" Tanong ni RJ sa akin, tumango lang ako.
"San ba kaso mag vi-video?

"In my house" sagot nito.

"Okay sasama ako" nagulat ako sa sagot ni RJ. Agad siyang pumasok sa kwarto at bumalik ng may dalang jacket. Sinuot niya ito sa akin.

"Shall we?" Sabi ni RJ. Nasa hallway na kami ng biglang tumunog yung phone ni RJ. Agad naman niya itong sinagot.

"What?" Nagtaka ako sa sagot ni RJ.

"What's wrong?" Tanong ko sa kanya matapos niyang ibaba ang tawag.

"May nagnakaw raw sa Shop namin" nagulat ako sa sagot niya.

"How's your Mom?" Tanong ko naman.

"She's fine. I'm sorry kailangan kung pumunta dun di na kita masasamahan" paghingi niya ng tawad.

"No its fine" sabi ko.

"Wag kang mag aalala pare iuuwi ko siya ng ligtas" sabi nung partner ko, ano ba kasing pangalan nito.

"Cge, mauna na ako" humalik pa siya sa forehead ko bago siya umalis.

Naging awkward tuloy yung atmosphere nung makaalis na si RJ.

"Hey malayo pa ba yung bahay mo?" Tanong ko, medyu malayo na kasi yung narating namin.

"Malapit na" sagot nito.
"By the way stop calling me Hey I have name" dagdag niyo.

"Ano ba kasing pangalan mo?" Tanong ko.

"You'll find it later" sabi niya. Tsk ang OA niya, pwede namang sabihin niya agad.

Huminto kami sa isang napakalaking gate, sa sobrang laki di na makita kung anong meron sa loob.

"You're not coming?" Natauhan ako sa sinabi niya, kanina pa pala siya naghihintay sa akin.
"Parang ngayon kalang nakakita ng ganito ka laking gate, eh mas malaki nga yung sa inyu." Sabi niya. Talagang kilala niya ako. Nakapunta na ata to sa amin dati, sayang wala akong maalala.

Mas lalo akong namangha ng makita ko na yung bahay nila. Grabe ang laki.

"Grabe ang ganda ng kasamang babae si Sir Ralph" rinig kong sabi nung maid nila. Ralph pala yung pangalan niya.

"Ngayon lang ulit may nakapuntang babae sa bahay niya" sabi pa nung isa.

"Pero bakit parang familiar siya sa akin" napalingon ako sa sinabi nung katulong, agad naman itong umiwas ng tingin at tinalikuran ako.

"Don't mind them" sabi ni Ralph.

"Alam ko na siya yung ex girlfriend ni...."

"Manang paki kuha na nga yung mga gagamitin namin" utos ni Ralph. Na curios tuloy ako sa sinabi nung maid. 

Kaninong ex girlfriend ba ako?

Amnesia Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon