Chapter 9

101 5 0
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip sa sinabi ni Renan sa akin. At hanggang ngayon nahihiya parin ako sa kanya. Hindi naman niya sinabing mahal niya ako pero bakit parang ang tuwa tuwa ko. At bakit ko ba iniisip kung mahal niya ako eh di ko naman siya mahal. Hindi nga ba? 

Maagang umalis si Renan para puntahan yung Mom niya sa hospital. Gusto ko pa ngang sumama pero di siya pumayag. Halos buong araw akong walang magawa, hanggang sa naisipan kung tawagan si Gio gusto ko kasing magpaturo sa kanya pano magluto. Hindi kasi ako pumayag na magkaroon ng maid sa bahay, para matuto naman akong gumawa ng kahit anong gawaing bahay. Besides hindi naman masyadong malaki yung bahay namin.

"I'm sorry to bother you" panghingi ko ng tawad kay Gio. Ang alam ko kasi ay bukas ang balik niya sa Australia.

"no it's fine, honestly I wanna spend to you my last day here in the Philippines" sabi niya.Nag smile lang ako sa kanya.
"Shall we start? " na excite ako sa tanong niya.

Dahil sa hindi close si Gio at Renan ay pati siya hindi alam kung anong favorite food ni Renan. Wala din akong mapagtanungan kaya chicken curry at adobo nalang yung pinaturo ko sa kanya. Pagkatapos niya akong turuan ay nag kwentuhan nalang kami sa sala. Andami na pala niyang awards sa pagluluto, he's really good.

"Can I ask you?" napalingon ako sa tanong niya.

"go ahead" I simply replied.

"Do you have any regrets marrying him?" napaisip ako sa tanong niya. Regrets?  Meron ba? 

"maybe natanong mo yan sa akin, because you know him well. Renan is so unpredictable, I don't know if he has a bipolar disorder. Minsan di ko siya maintindihan, minsan ang bait niya tapos magagalit na naman siya. That's him, your asking if I have regrets honestly speaking I don't have." I sincerely answered. Umiwas siya ng tingin at tumayo.

"I have to go" sabi niya.

"okay, thank you sa pagturo" tumayo narin ako at sinamahan siya sa labas.

Pabalik na ako sa loob ng bahay ng tinawag niya ako kaya huminto ako at lumingon sa kanya.

"Sana pag balik ko dito sa susunod ganito parin yung trato mo sa akin di tulad ng dati. Goodbye for now Divine" Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na agad siya habang ako'y di makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang lungkot ng mga mata niya, I promise pag balik niya dito walang magbabago kahit pa maalala ko na lahat.

Gabi na kaya naisipan kong maghanda na ng hapunan namin. Ang  galing talaga ni Gio magturo, kahit papano may alam narin akong lutuin.

Narinig kong bumukas yung pinto kaya agad akong lumabas ng kusina. Nanlaki yung mata ni Renan nung makita ako at agad ding umiwas ng tingin.

"Magbihis ka na kakain na tayo" balisa siyang umakyat sa taas. Anong kayang nangyari?

Hindi parin niya ako kayang tingnan nung nasa lamesa na kami.

"hey, are you okay?" nagulat siya sa tanong ko.

"Yeah" tipid niyang sagot pero di parin niya ako tinitingnan. Lunok lang siya ng lunok.

"How was the food? " excited kong tanong.

"we're did you buy this?" natawa ko sa tanong niya. Hindi ko pa pala nasabi sa kanya na ako yung nagluto.

"hindi ko to binili ako mismo yung nagluto nito" sagot ko.
"Thanks to Gio tinuruan niya ako" napahinto siya sa pagkain at sa wakas tumingin na din siya sa akin. Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at hinawakan yung kamay ko.

"hey what's wrong?" I ask him. Huminga siya ng malalim.

"Thanks God at wala kang sugat" sabi niya at bumalik na siya sa kanyang upuan. Akala ko pa naman kung ano na. Pano naman ako masusugatan ang galing kaya ng nagturo sa akin.

"hey what's with that smile?" tanong niya.

"naalala ko lang si........."

"stop thinking about him" singit niya sa sinabi ko.  Pano niya na gets na si Gio yung tinutukoy ko? Habang ako diko gets kung bakit di niya akong kayang tingnan kanina.

"Renan" tawag ko sa kanya.

"stop calling me Renan" tinitigan niya ako kaya umiwas ako ng tingin.

"so what do you wa......."

"call me Rj" di na naman niya ako pinatapos. Ang hilig niya talagang sumingit.

"okay Rj, bakit di mo ako kayang tingnan kanina?" umiwas siya ng tingin sa tanong ko.

"oohh that?  Actually I have a problem" nahihiya niyang sabi.

"ayan ka na naman sinasarili mo naman yung problema mo" saway ko sa kanya.

"no I mean we have a problem" namula siya sa sinabi niya. Hala anyari?

"ano?" tanong ko.

"sigurado kang gusto mong malaman?" mas lalo ako na curious sa tanong niya kaya tumango ako.
Tumayo siya at niligpit yung pinagkainan namin.  Tumayo nadin ako at tinulangan siya.

"Ano na?" tanong ko.

"may nag-iisang hiling si Mom sa atin bago daw siya mamatay" sagot niya.
Namula na naman siya kaya tinalikuran niya ako.
"I'm sorry"

"for what?" pumunta ako sa lababo upang ilagay sana yung baso.

"Mom wants to have a grandchild" nagulat ako sa sagot niya kaya naihulog ko yung baso. Nataranta siya kaya agad siyang lumapit sa akin.

"don't move" utos niya.
"sabi ko na nasugatan ka" napatingin ako sa paa ko. Nasugatan nga ako.

"hey what are you doing?" reklamo ko sa kanya. Binuhat niya kasi ako. 
"Renan ibaba mo ako"

"Its Rj not Renan" ngayon ko lang napansin ang lapit pala ng mukha niya sa akin.
"stop staring" natauhan ako sa sinabi niya. Nilagay niya ako sa sofa.
"stay there" utos niya sa akin.

Ngayon alam ko na kung bakit siya namula kanina. Siguro ang pula na din ng mukha ko.

"Are you okay?" tanong niya habang sinusuri yung sugat ko.

"aray" reklamo ko.

"bat mo kasi binitiwan yung baso" sabi niya.

"ikaw kaya, nakakagulat kaya yung sinabi mo" namula siya sa sinabi ko. Hala tanga bakit ko ba pinaalala yun.

"Lets go" nagtaka ako sa sinabi niya.

"huh?  Saan?" tanong ko.

"bakit dika matutulog?" natawa ko sa tanong niya.

"oohh tama,  mauna ka na susunod ako" palusot ko. Ang awkward kaya kung sabay kaming matutulog mas mabuti pang mauna siya matulog sa amin.

"tsk, kunwari ka pang kaya mong maglakad" sabi niya at binuhat ako. Hindi na ako nagreklamo pa at hinayaan ko na lang siyang dalhin ako sa kwarto.  Ang sakit kasi ng sugat ko.

"good night" sabi ko sa kanya at tinalikuran ko siya. Nahihiya kasi akong humarap sa kanya.  May harang naman sa ginta pero nakakahiya parin.

"Divine" tawag niya sa akin.

"oohh"

"wag mong isipin yung sinabi ko kanina. I know Mom will understand" sabi niya. Yeah I know Mom will understand. Ang bata pa kaya namin.

"Renan"

"Rj" saway na naman niya sa akin. Nasanay na kasi akong Renan yung tawag ko sa kanya.
Humarap ako sa kanya.

"Alam mo ba kung anong gusto kong course noon?" tanong ko. Malapit na kasi yung pasukan.

"oo" tipid niyang sagot.  Mukhang inaantok na siya.

"ano? "

"just like my course"

"sorba nga talaga kitang mahal noon pati course mo gusto ko rin. "

"bakit hanggang ngayon hindi ba? "

Amnesia Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon