"Jade"
"Jade"
"Jade"
Kanina ko pa iniisip kung sino si Jade sa buhay at bakit ko siya napaginipan, bakit parang galit na galit yung tumatawag sa akin pero diko mawari kung babae ba o lalaki.
"Sweety are you okay? Kanina ka pa tulala may iniisip ka ba?" tanong ni Mom sa akin.
"Mom may kaibigan po ba akong Jade ang pangalan? Napaginipan ko po kasi siya kagabe" tanong ko.
"Napaginipan mo?" gulat na tanong ni Mom. Ganun ba ka importante yung Jade sa akin at bakit parang nagulat si Mom.
"That's good news, ibig sabihin dahan dahan ng bumabalik lahat ng alaala mo"
"sino ba si Jade Mom?"
"JADE!" nagulat ako ng may biglang pumasok sa bahay at niyakap ako ng kay higpit. Sino tuh?
"Jade, I miss you" tinawag niya akong Jade. It means ako yung tinatawag sa panaginip ko ako si Jade. Hayyss ang gulo."Dad naiipit si Divine" saway ni Mom. Tinawag niyang Dad so siya yung Lolo ko. Bakit parang ang bata pa niya tingnan.
"Oohh I'm sorry" binitiwan niya ako.
"How are you?" tanong niya."I'm fine" tinawanan niya yung sagot ko.
"Hindi ganyan yung laging sinasagot mo pag tinatanong kita" sabi niya.
"Dad" saway ni Mom.
"I know, totoo nga talagang nagka amnesia ka" tumawa na naman siya ulit.
Mula nung dumating si Lolo dito sa bahay ay di na niya ako binitiwan,palagi nga siyang pinagtatawanan ni Mom. Mukhang totoo ngang mas close kami ni Lolo ang gaan kasi ng loob ko sa kanya.
"Cindy, balita ko tuloy daw yung kasal nila ni Renan" sabi ni Lolo. Natigilan si Mom.
"Oo Dad" tipid na sagot ni Mom.
"Hindi niyo ba hihintayin na maka recover si Jade?" nagulat si Mom sa tanong ni Lolo.
"Dad diba ikaw naman ang gustong makasal si Divine kay Renan? Bakit parang tutol ka ngayon?" tanong ni Mom.
"Iniisip ko lang si Jade anak" mahinahong sagot ni Lolo at tumingin siya sa akin.
"okay lang ba sayo yun Jade?" nag-aalalang tanong ni Lolo sa akin. Hindi ako nakasagot, ang inaalala ko kasi ay si Renan."Dad bitawan mo na si Divine may lakad pa sila ni Renan mamaya, maghahanda pa yan" hala bakit parang wala akong naalalang may lakad kami ni Renan ngayon. Bakit parang kinakabahan ako.
"Really? Okay " sa wakas binitiwan na ako ni Lolo. Kahit naguguluhan ako sa gagawin ko ay pumasok agad ako sa kwarto.
Tinignan ko yung phone ko nag text pala si Renan sa akin.
-Love❤
I'll be there in 15 minutes.
Patay ang bilis naman ata niya. Tumakbo ako papunta sa walk in closet ko at pumili agad ako ng susuotin tapos na kasi akong naligo kanina. Ano bang magandang suotin ngayon? Ay bahala na.
Pagkatapos kong magbihis ay hinayaan ko lang yung buhok kong nakabagsak at nag liptint lang ako at pulbo.
"Divine kanina pa si Renan naghihintay sayo" sigaw ni Mom. Binuksan ko yung pinto, nagulat ako ng mukha ni Renan yung sumalubong sa akin.
Grabe ang gwapo niya, naka long sleeve siya na black at ripped jeans din na black bumagay sa kanya shit ano bang pinagsasabi ko.
"are you gonna stand there?" natauhan ako sa sinabi niya.
"Lets go" nauna na akong naglakad sa kanya. Bat ba kasi ako kinakabahan.
Nagpaalam muna kami kina Mom bago kami umalis. Nasa kotse na kami ngayon walang nagsasalita sa amin, at hanggang ngayon hindi ko pa din alam kong san kami pupunta.
Nagtaka ako ng huminto si Renan sa harap ng isang fast food chain.
"wait here" sabi niya bago siya lumabas.
Habang naghihintay ako sa kanya ay tiningnan ko na muna yung phone ko. Naalala ko tuloy yung ginawa ko kagabe nakakahiya. Binago ko yung name niya sa phone ko pinalitan ko ng Renan.
"Here, pakihawak din yung sakin" inabutan niya ako ng Burger, fries at Drinks.
"Hindi ka pa ba kumain?" tanong ko, tumango lang siya at nagsimula na siyang magmaneho.
"why don't we stop para makakain ka?"
"Malayo pa ang pupuntahan natin" sagot niya. San ba kasi kami pupunta.
"Pano ka makakain niyan?" tanong ko.
"With your help" sagot niya. Bakit ako? So ang ibig niyang sabihin ay kailangan ko siya subuan. Hell no nakakahiya kaya.
"bakit ako?" reklamo ko sa kanya.
"wag ka ng magreklamo, bilisan mo na nagugutom na ako" kaya wala akong nagawa at sinubuan ko siya.
"Bakit di ka kasi kumain" reklamo ko na naman.
"late na akong nagising" sagot niya, himala at sumagot siya.
"May nangbulabog kasi sakin kagabe" tiningnan niya ako. Shit diko mabasa yung expression niya."Ohh ayan kain ka pa, dami mong sinasabi" sinubuan ko siya fries.
"Shit" huminto yung sasakyan, hala nabilaukan ata siya. Nadamihan ko kasi ng subo. Ubo parin siya ng ubo, inabutan ko siya ng tubig.
"sorry" taranta kong sabi.
"papatayin mo ba ako!" sigaw niya.
"sorry diko sinasadya" hindi na siya nagsalita pa at pinaandar na niya yung kotse. Susubuan ko pa sana siya kaso busog na daw siya. Mukhang galit na naman siya.
"stop staring, I'm not mad" sabi niya. Kanina pa pala ako nakatingin sa kanya.
"sorry" bakit sorry nalang palaging lumalabas sa bibig ko. Nakita kong napangiti siya, problema nito himala at ngumiti siya epekto siguro tuh sa burger at fries na kinain niya.
"I miss this" sabi niya.
"yung mag maneho?" tanong ko, tumawa siya ng malakas.
"No I mean, I miss our road trip" sagot niya tumawa na naman siya. Ilang minuto pa bago siya tumigil sa pagtawa.
"And you" nagulat ako sa sinabi niya.
"Tinatanong mo ba kung anong na miss ko? Siguro lahat" sagot ko.
"I'm not asking you" tumingin siya sa akin. Naguluhan ako. Akala ko pa naman tinanong niya ako. Ano bang ibig niyang sabihin.
"I miss you"
BINABASA MO ANG
Amnesia Love
SonstigesWhat if oneday you'll wake up for a long sleep and then you forgot everything, even your Mom, your love ones and especially yourself. But from the moment that you wake up you just realize that, not all your love ones wants you alive.