Chapter 18
Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi pero nang matapos kong marinig yung mga sinabi ni tito, dali-dali na akong umuwi at hindi na nakapagpaalam pa.
Dali-dali na akong sumakay sa kotse namin. Tulala ako at naiiyak. Hindi ako makahinga ng maayos.
Ampon si Joaquin? Paano?
Pagkapasok ko sa bahay hinanap ko na agad si mommy. Kumakain siya kasama si papa.
"O nak? Nandiyan ka na pala. Musta ang Boracay? Kumain ka na ba?" Masayang tanong ni mama.
Hindi ko siya sinagot. Lumapit ako at tumayo lang sa harap nila.
"Ampon ba si Joaquin?" Diretso kong tanong sakanila. Nalaglag ang panga ni mama at si papa naman ay napatigil sa pagkain.
"Ampon po ba si Joaquin?" Mariin kong tanong.
"Anak--" Tumayo si mama at maiyak-iyak.
"Maupo ka Michelle." Pinutol ni papa yung sasabihin ni mama.
"Ampon po ba si Joaquin?!" Sigaw kong tanong. Hindi ko na mapigilan yung luha ko sa pagtulo. "Mama!"
"Michelle!" Galit na tawag sakin ni papa. "Umupo ka!" Utos niya.
Ampon si Joaquin. Napatunayan ko na dahil sa mga galaw at reaksiyon nila. May alam sila at tinago nila sakin, samin ni Joaquin. Nang hina na yung tuhod ko. Imbes na umupo ako sa upuan, napaupo ako sa sahig.
"Anak!" Umiiyak na lumapit sakin si mama. Umupo siya para yumakap sakin.
"Bakit niyo tinago? Paano niyo nahaharap si Joaquin na hindi kayo nag-guilty sa mga ginawa niyo? sa pagtatago at pagloloko sakanya?!"
Ayokong-ayoko talaga ng manloloko.
Tumayo na ko at tumakbo papunta sa kwarto. Narinig ko pa na tinawag ako ni papa pero wala na akong balak pa na lumingon.
Alam na rin ba ni Joaquin yung totoo? Kaya ba inamin niya sakin na may gusto siya kahit alam niyang magpinsan kami? Hindi ko na alam. Kung sakali man na wala ring alam si Joaquin, sisiguraduhan kong sasabihin ko na sakanya ang totoo. Ayoko na manloko. Pagod na pagod na ako sa pagpapanggap.
Buong araw akong hindi lumabas, pinipilit nila akong kumain pero wala akong gana. Tinext ako ni Joaquin at tinanong kung bakit di man lang daw ako nagpaalam sakanya na aalis na ko. Pero hindi ko siya nireplyan.
Kinagabihan, tumigil na ako sa pag-iiyak at lumabas ako para tanungin kung may alam na ba si Joaquin sa buong pagkatao niya dahil baka ako nalang pala ang walang alam. Gusto ko rin malaman ang buong storya kung bakit ginawa nila yon.
"Anak!" Dali-daling lumapit sakin si mama at niyakap ako pero parang hindi ko kayang ibalik sakanya.
"Alam na rin ba ni Joaquin ang lahat? at ako nalang ang hindi?" Tanong ko ng walang binibigay na kahit anong emosyon.
