8

749 24 2
                                    


Chapter 8

Zachira's POV

Libro

"Rai!!" Sigaw niya pagkapasok ng kuwarto at dali-daling sinara yung cabinet.

"Ano yung mga yun?" Tanong ko sakanya.

Halata sa mukha niya na kinakabahan siya.

"N-nakita mo ba lahat??" Kinakabahan na tanong niya.

"Bakit ang raming mga stolen pictures ko?"

Hindi siya sumagot at hindi makatingin sakin.

"Huy ba't di ka makatingin?" Hinawakan ko yung mukha niya at pilit na iharap sakin.

Tumingin siya sakin pero agad din umiwas.

"Joaquin." Seryoso kong sabi. Napatingin naman siya sakin.

"Bakit?" Tanong ko ulit sakanya.

Nakatingin lang siya sakin.

Piningot ko yung tenga niya dahil nakatulala lang sakin.

"Fuck! Ang sakit rai!" Sigaw niya sa sakit.

"Ano ba kasi meron? Bakit puro pictures ko?"

"Kasi..k-kasi hilig kong picturan ka d-diba? Dati tanda mo pa? Ginagawa pa nga kitang m-model eh. HAHAHAHAHA" Ginulo niya yung buhok ko at naglakad na papunta sa couch.

Ewan ko kung maniniwala ba ako sa sinabi niya o hindi eh.

Pero kasi yung mga stolen pics ko, parang hindi stolen eh parang sinabi ko talaga na picturan niya ako.

Bahala na.

Tumabi na ako sa kanya at kumuha ng chips na dala niya kanina.

"Ano papanoorin natin?" Tanong ko.

"Ikaw bahala."

"Ahh ano nga pala yung bibigay mo sakin?" Excited na tanong ko sakanya.

"Mamaya na bago ka umuwi." Sabi niya na hindi tumitingin sakin.

Nakatingin lang siya sa tv kahit hindi pa nabubuksan.

"Problema mo? Moody mo naman." Sabi ko at binuksan na yung tv.

I decided na romcom nalang panoorin namin.

"HAHAHA nakita mo itsura niya? HAHAHA." Natatawang sabi ko habang pinapalo yung braso niya.

Lumayo siya sakin ng onti pero lumapit ako.

"Hindi ka natatawa?" Tanong ko sakanya habang nakitingin pa rin sa tv.

Hindi siya nagsalita kaya napatingin ako sakanya. Nakatingin lang siya sa tv.

Nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya para harangin siya sa panonood.

Nagulat ata siya sa ginawa ko dahil nanlaki yung mata niya.

"Problema mo?" Tanong ko.

"W-wala." Nilayo niya yung mukha ko sa mukha niya at tumayo na siya.

"Ba't ang tahimik mo? Ba't di ka nagsasalita? Di ka naman ganyan eh. May problema ka ba? Pwede mo naman sabihin sakin." Sunod -sunod na sabi ko.

Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon