Chapter 19
Buong byahe ako pinagalitan ni papa pero tahimik lang ako nakaupo dito sa likod at iniisip ang mga nangyari.
"Dapat kasi hindi mo na pinangunahan ang mga tito't tita mo!" Galit na sabi ni papa. Hindi nalang ako kumibo at tahimik na nakatingin sa labas ng bintana.
Hindi naman ako nagsisi na pinangunahan ko sila dahil alam kong tama naman ang ginawa ko. Sila ang nagtago kaya sila ang may mali.
Dumiretso na ako sa kuwarto ko at naglinis na. Ang rami kong ginawa ngayong araw kaya pagod na pagod ako. Gusto ko na matulog pero ayoko dahil baka pumunta si Joaquin dito nang natutulog ako kaya pinilit kong dumilat kahit antok na antok na ko.
Pinagdadasal ko nalang na maipaliwanag nila tita ng maayos kung ano man ang dahilan at sana ay maintindihan ni Joaquin at matanggap. Alam ko na mahirap sa una pero kailangan niya tanggapin.
Ilang oras na rin ako nag antay pero wala pa rin si Joaquin. Siguro hindi siya pupunta at baka pinili niyang mapag-isa muna. Nag-message nalang ako sakanya bago matulog.
'Okay ka lang? Asan ka? Dito lang ako :)'
Pagkagising ko ay dali-dali akong bumangon para makapasok agad sa school pero hindi ako sigurado kung papasok ba si Joaquin. Bago umalis ay tinignan ko muna yung phone ko dahil baka nagreply na siya sa message ko pero wala, wala man lang tawag o reply man lang.
Dumiretso na ako sa labas para pumasok kahit na tinawag ako ni mama para kumain ng breakfast pero wala na akong time para kumain pa dahil gusto ko na makausap si Joaquin.
Mabilis akong naglakad dahil naiwan ko yung sasakyan ko kala Joaquin dahil kagabi ay kala papa ako sumabay pauwi. Pagkarating ko sa school ay wala pa roon si Joaquin sabagay maaga pa, baka mamaya ay nandito na iyon.
Limang minuto nalang bago magsimula ang klase pero wala pa rin si Joaquin. Hindi na ako mapakali, gusto ko na siyang kausapin at samahan. Pagkapasok palang ng teacher namin sa room ay dali-dali naman akong lumabas bitbit ang bag ko. Narinig kong tinawag ako ni Zie at nung teacher ko pero wala na akong balak pa na magpaalam.
Nilabas ko ang cellphone ko at sinusubukan tawagan si Joaquin. Nakailang tawag na ako pero nakapatay ang phone niya. Pumunta ako sa bahay nila kahit alam kong imposible na naroon siya pero sinubukan ko pa rin.
"Nandiyan po ba si Joaquin?" Tanong ko sa katulong nila na nagdidilig sa labas ng bahay nila.