Maraming uri ng pinsan.
Ang una ay yung pinsan mo na hindi mo man lang nakita or nakilala. Yung di mo alam na nagexist pala siya sa mundo.
Ang pangalawa ay yung pinsan mo na nakikita mo lang tuwing may family gatherings. Tapos yung hanggang tinginan lang kayo.
Ang pangatlo naman ay yung laging out of town na kapag umuwi laging may pasalubong tapos e-englishan ka lang. Saket sa nose!
Ang pangapat ay yung pinsan mo na may pagkabrat at annoying pa. Yung tipong ipinanganak lang para inisin ka. Sarap sampalin!
Ang panglima ay yung pinsan mo na laging pinagkukumpara sayo ng magulang mo. Edi ampunin niyo na.
Ang panganim ay yung pinsan mo na apakabait at talino. Sana ol
Ang pangpito naman ay yung pinsan mo na chismoso at chismosa na kapag nagkikita kayo laging naghahanap ng chismis. Tapos pagnagsimula na siya magsalita hindi na titigil yon kakadaldal hanggang sa mapagod siya.
Ang pangwalo naman ay yung pinsan mo na apaka lantod. Yung laging pinagmamalaki na marami na siyang naging boyfriend tapos apaka kapal ng makeup kahit na nasa bahay lang. Dinaig pa ang clown tss.
Ang pangsiyam ay yung pinsan mo na pinakaclose mo yung tipong kapatid na turingan niyo sa isa't isa. Yung nagsasawa ka na sa pagmumukha niya dahil laging nakatambay sa bahay niyo na parang dun na nakatira.
At ang panghuli, syempre di mawawala yung pinsan mo na saksakan ng gwapo at ganda. Yung hinihiling mo na sana hindi mo nalang naging pinsan.
Pero paano kung hindi lang pinsan ang turing sayo ng pinsan mo, hindi rin kapatid o kaibigan?
Paano kung ang pinsan mo ay nagkagusto sayo? Saklap naman.
Masaklap nga ba??
_________________________________________________
