4

1K 26 2
                                    


Chapter 4

Zachira's POV

Christmas eve

"Ma! Tara dito!" Tawag ko kay mama na nasa kusina.

"Kuya, natatandaan mo pa ba si mama?" Sarcastic kong tanong kay kuya.

"Of course rai, parang nanay ko na din si tita noh." Sagot niya at ginulo pa yung buhok ko.

Ganun pa rin siya, lagi nalang ginugulo yung buhok ko hmp!

"Oh anak, may bisita ka pala, sino siya? May ipapakilala ka na ata samin. Boyfriend mo? Gwapo ah at ang tangkad pa. Ilan taon ka na iho? Saan mo nakilala ang anak ko? Ay sandali lang tatawagin ko ang papa mo. Upo ka muna iho." Sunod sunod na sabi ni mama.

"Ma! Wait lang." Hindi na kami pinakinggan ni mama at tuloy tuloy na siya sa pag-akyat para tawagin si papa.

Napatingin nalang kami ni kuya sa isa't isa at bahagyang natawa.

Ang rami na kasing nagbago kay kuya eh, mas nag mature yung mukha niya at tumangkad. Tapos sakin walang nangyari, maliit parin.

Magkaholding hands kasi kami kaya siguro kala ni mama boyfriend ko si kuya.

"Di pa rin nagbabago si tita." Natatawa niyang sabi.

"Oo nga eh, madaldal pa rin hahahaha."

"Kaya alam ko na kung saan ka nagmana." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Joke lang rai-rai ko." Niyakap niya ko.

Tss.

"Ang sweet niyo naman." Rinig kong sabi ni mama.

Tinignan ko si mama na papalapit na samin at katabi niya si papa na seryosong nakatingin saming dalawa ni kuya.

Naku delikadssss! Mali iniisip niyo!

"Ma, Pa di ko siya boyfriend." Sabi ko.

Bakit parang kinakabahan ako?

"Hindi mo boyfriend? Ahhh manliligaw mo! Iho mabait na bata yang anak ko. Maganda pa at matalino! Bagay kayong dalawa!" Sabi ni mama na may kasamang palakpak pa. Nagkatinginan lang kami ni kuya. "So, saan kayo nagkakilala? Magkaklase ba kayo? Magkatabi ba kayo ng upuan tapos naging magkapartner kayo sa isang project tapos nagkagustuhan kayo kaya manliligaw ka na sa anak ko?" Tinignan ko si papa na nakatingin lang kay mama na parang gulat sa mga sinasabi nito. "Kung gusto mo talaga ang anak ko, sige payag na akong ligawan mo iyang an-----"

"Ma! Stop!" Sigaw ko dahilan para tumigil si mama kakasalita at mapatingin sila lahat sakin.

Si mama talaga apaka daldal, walang preno!

"Bakit?" Tanong sakin ni mama. "Ayy sorry iho ganito talaga ako kapag naeexcite kasi naman, ikaw ang pinaka unang lalaking pinakilala samin ng anak ko." Paliwanag ni mommy.

Di ko pa nga napapakilala ih.

"Ma, Pa again hindi ko po siya boyfriend at hindi ko rin siya manlili-----"

"So, sino siya?" Putol ni mama sa sasabihin ko.

Hayyss.

"Ma, Papa di niyo po ba siya nakikilala?" Takang napatingin sila kay kuya at sabay na umiling.

"Si Kuya Joaquin!! Yung pinsan ko!!" Excited na sabi ko.

Sabay nilang tinignan si kuya na gulat na gulat at sabay silang lumapit para yakapin siya.

Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon