Chapter 21"Pasok kayo," agad na bati samin ng mommy ni Brent. Nasa likod niya si tito na nakangiti samin.
"Wait, you look familiar," napahinto si Joaquin at sinuri naman siya ni Tita.
"Ah! Mom, he's Rayd. A friend of mine. Remember him? Joaquin Ferrer."
"Oh, yung classmate mo rin sa U.S., sabay kayong nagtransfer, right?" Tanong ni Tita at tumango si Wacky.
Pumasok na kami pero hindi pa rin maalis ang tingin ni Tita kay Joaquin. Pagkapasok namin ay hindi maiwasan ni Zie na mamangha sa bahay ni Brent.
"Good Afternoon po," magalang kong bati sa magulang ni Brent.
"Hello po! Ang ganda niyo po at ang ganda rin po ng bahay niyo," masiglang bati ni Zie kay tita. "Tita, alam niyo po ba na sinusungitan ako minsan ni Brent sa school."
"Oo nga po, tita. Lagi po kaming nagdedebate sa school, ayaw niya po matalo." Dugtong naman ni France.
Napailing nalang ako at nung napatingin sakin si Tita ay ako na mismo ang nagsorry para sa mga kaibigan ko.
Nang mapatingin naman ako kay Brent ay natawa ko dahil sa itsura niya na parang kakainin yung dalawa ng buhay.
"Kumain muna tayo. Mamaya na ang mga sumbungan," natatawang sabi ni Tito at dumiretso na kami sa dining area. Punong-puno ng pagkain ang mga nasa lamesa at halos wala ng space na makakainan.
"Huy! Ang raming pagkain," mangha na sabi ni Zie habang pinapalo ang braso ni France.
"Oo! Nakikita ko! Hindi ako bulag." Sabi ni France habang hinihimas ang braso niya.
"Umupo na kayo. Ah, manang? Kuha mo naman sila ng plates." Sabi ni Tito at umupo na kami.
Mahaba ang lamesa nila. Si Tito ang nasa kabisera. Nasa kaliwa naman niya si Tita at sa kanan si Brent. Nasa gitna ako nila Joaquin at Brent habang nasa gitna naman ni Tita at France si Zie.
Katulad ng dati, masaya kausap sila Tita at Tito. Kinakamusta nila kami isa-isa at kung nag-aaral ba kami ng mabuti.
"May nanliligaw na ba sa inyo?" Tanong ni Tito sa amin ni Zie.
Natawa agad si Zie at muntik pang madura yung tubig na iniinom niya. "Sorry," pinunasan ni Zie ang bibig niya bago ulit magsalita. "Wala pa po Tito. Wala pang nagpaparamdam. Baka po si Zach, meron na." Napatingin sakin sila lahat.
"Ah.. ano po.. uhm..," napatingin ako kay Joaquin na nakangisi lang sakin at nag-iintay sa isasagot ko.
"May nanliligaw na diyan, dad." Sabi ni Brent at tinuloy niya na ang pagkain niya.
"Talaga, Zachira?" Gulat na napatingin sakin si Tita.
Dahan-dahan akong tumango kay Tita at naramdaman ang kamay ni Joaquin sa kamay ko na nasa ilalim ng mesa.
"Sino yan? Si Brent ba yan?" Nakangiting tanong ni Tita. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Joaquin sa kamay ko at ang pagtingin nila France at Zie kay Joaquin na ngayon ay umiinom ng tubig.
Kita ko din ang pagkagulat ni Brent sa sinabi ni Tita, "Mom, no."
"I'm kidding, nak."
