Chapter 7Zachira's POV
Pictures
Lumabas na kami ng simbahan at nagpaalam na kami ni kuya kala mama.
Nauna na akong sumakay sa sasakyan ni kuya dahil excited na ako sa pupuntahan namin.
"San ba kasi tayo pupunta?" Pangwalong beses na tanong ko sakanya.
"Ang kulit kulit mo rai." Gigil na kinurot ni kuya yung pisngi ko. "Malalaman mo nga mamaya. Pero hindi ako sigurado kung buhay pa yun."
"Nakapatay ka ba??" Kinakabahan na tanong ko sakanya.
"Of course not! Malapit lang dito yung place kaya saglit lang at nandun na tayo." Paliwanang ni kuya.
Parang nakukulitan na sakin si kuya kaya tumahimik nalang ako.
Inistart na ni kuya yung kotse at nauna na kaming umalis kala mama.
Ang bilis ni kuya magdrive!
"Hoy! Natatae ka ba? Ang bilis mo magdrive."
"Ganito talaga ako magdrive noh." Sabi niya.
"Bagalan mo pagd-drive mo kung hindi bababa ako." Utos ko sakanya.
"Eto na po maam, babagalan ko na po."
Nakukuha naman pala toh sa isang salita eh.
After 5 mins, hininto niya yung kotse sa harap ng fountain.
Parang pamilyar yung lugar na toh. Ahhh Natatandaan ko na to!! Dito sakin pinakilala ni mama si kuya. Dito sa park na toh kami unang nagkakilala.
Tinignan ko si kuya, nakatingin lang din siya sakin.
"Natatandaan mo pa toh? Dito tayo unang nagkakilala diba?!" Natutuwa kong sabi sakanya. Tumango lang siya sakin.
Bumaba na siya ng kotse kaya bumaba na rin ako.
Lumapit sakin si kuya at hinatak yung kamay ko. Pumunta kami sa may playground.
Dito sa playground na toh pinakilala ni mama sakin si kuya. Nags-slide ako nun tapos pagkababa ko nakita ko si kuya na kumakaway sakin. Ang saya saya ko nung nalaman ko na pinsan ko siya kasi alam ko na may kalaro na ako.
Ang last ko na punta dito ay nung araw din na nagkakilala kami ni kuya. Lagi na kasi siya nasa bahay namin kaya doon nalang kami naglalaro.
"Hala ang ganda na dito!" Tinignan ko yung mga paligid. "Diba dati wala pa yung fountain? Or nandyan na di ko lang naalala." Tanong ko sakanya.
"Yeah, wala pang fountain dati sa pagkakatanda ko." Sabi ni kuya habang papalapit sa fountain.
Sumunod naman ako sakanya. Ang raming barya, wishing fountain pala toh eh.
"Wish tayo!" Aya ko kay kuya.
"Mamaya na bago tayo umalis, magwiwish tayo." Tumango lang ako sakanya. "Di ka pa ba nagugutom?" Tanong niya at naghahanap nang makakainan.
Tumingin din ako sa paligid at may nakita akong makakainan. Tumingin ako kay kuya at parang pareho pa kami ng nasa isip.
"Fishball!" Sabay na sabi namin ni kuya.
