15

613 26 3
                                    


Chapter 15

"Ba't kayo tumahimik? Pinag-uusapan niyo ko noh?" Sabi ni Zie nang mapansin niyang tumahimik kami nung dumating siya.

"Oo, pinag-uusapan ka namin." Sabi ni France. "Pinag-uusapan namin kung gaano ka kasama. Tignan mo naiiyak na si Zach dahil sayo."

"Huy, ba't ka umiiyak diyan? Inaaway ka na naman ba ni France?"

"May naalala lang ako. Kumain na tayo para makauwi na."

"Ikaw kase eh!" At nag-away na naman yung dalawa.

....................

"Ma, nandito na ko." Pagkatapos kong ihatid silang dalawa, dumiretso na ako sa bahay.

"Nak. Pumunta dito si Joaquin kanina, gusto ka daw makausap. May problema ba kayo?"

"Wala naman ma. Bukas ko nalang po kakausapin. Magpapahinga na po ako." Pagkatapos ay umakyat na ako sa taas.

.....

"Ang aga mo ata papasok anak." Sabi ni mama nang makita niya ako pababa ng hagdan.

"May pinapagawa pa kasi sakin si sir eh kaya kailangan maaga ako papasok. Sige ma, alis na ko." Humalik muna ako sa pisngi ni mama bago umalis. Si papa kasi laging maaga umaalis para magtrabaho.

"Ang aga mo Zachira ah." Bati sakin nung guard. Close kami ni kuya guard eh.

"Good morning kuya! Wala lang parang gusto ko lang po ng maaga para maiba naman." Natatawa ko sabi. "Sige po kuya pasok na ko."

Pumasok na ako sa room at ako palang yung tao.

Maaga lang talaga ako pumasok dahil ayoko sumabay kay Joaquin, panigurado kasi na susunduin ako non. Ayoko muna siya kausapin sa ngayon. Hindi naman talaga sa ayaw, ang gusto ko lang is matulungan siya. Tinutulungan ko siyang makalimutan yung nararamdaman niya sakin at ang pag-iiwas ko lang yung naiisip kong paraan.

Maling-mali kasi talaga. Kasalanan yung ginagawa niya.

"Huy aga naten ahh." Napatingin ako sa pinto at nakita ko si France papalapit sakin.

"Ang aga mo rin ah."

"Lagi kaya akong maaga." Sabi niya at nilagay yung bag sa upuan niya.

"Bakit ba ang aga mo?" Tanong niya uli.

"Wala lang para maiba naman."

"Bakit nga?" Naiinis niyang sabi. "Iniiwasan mo si Joaquin noh? Lagi kayong magkasabay pumasok eh."

Hindi na ako nakasagot at tumayo nalang para tumingin sa bintana.

"Problema natin?" Sumunod siya sakin at tumabi.

"Medyo may hindi pagkakaintindihan lang."

"Alam mo Zach, kung gusto mo na magkaayos kayo. Isa lang solusyon diyan." Tumingin ako sakanya. "Pag-usapan niyo. Wag niyo taasan mga pride niyo. Hinding-hindi talaga kayo magkakaayos niyan."

"Walang mangyayari kung puro iwasan lang ang gagawin niyo." Dugtong pa ni France.

Pagkasabi niya non, nagsimula nang magdatingan yung iba naming kaklase.

"Bababa ako, sama ka?" Tanong ni France sakin. Umiling lang ako dahil wala ako sa mood gumala.

Umupo muna ako sa pwesto ko at inintay nalang si Zie.

Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon