Chapter 11
Zachira's POV
"Actually, I'm already courting her."
Hinawakan niya yung kamay ko, "Hinihintay ko nalang yung sagot niya." Dugtong niya pa.
Napatulala ako sa ginawa at sinabi niya.
Anong pinagsasabi niya?!
"Sabi ko na nga ba merong something sa inyo e!" Sabi ni Zie at nakipag-apir kay France na natulala din.
Tumayo na si Brent at umalis na.
Tumayo na din ako at hinatak si Joaquin palayo, iniwan sila France at Kenzie doon.
Hinatak ko si Joaquin hanggang sa makarating kami sa lugar na walang tao.
Binitawan ko siya at hunarap sakanya.
"The hell? Ano yon? Bakit mo sinabi yon?" Inis na tanong ko sakanya.
"I said those words for them to stop asking at para hindi ka na nila kulitin." He said casually.
"Maniniwala naman satin yun kapag sinabi nating magkaibigan lang tayo, mapapagod at mapapagod din yung dalawang yon kakatanong." Naiinis na sabi ko.
"Ang kukulit kasi ng mga kaibigan mo at nakikita ko sa mukha mo na nakukulitan ka na din sakanila."
"Kilala ko silang dalawa, mas lalo lang sila mangungulit dahil sa sinabi mo!" Sigaw ko. "Ano nang gagawin natin?!"
"Stop shouting."
"Ano na nga gagawin natin?"
"I don't know." Sabi niya at sumandal sa pader. "Let's..let's just act, act like we're a couple." Sabi niya nang hindi tumitingin sakin.
"What?! Naririnig mo ba sinasabi mo? Act like a couple?! Nagbibiro ka ba?"
Tumingin siya sakin. "I'm dead serious. Yun lang yung naiisip kong paraan."
Natahimik ako saglit bago magsalita. "No..no, we're not gonna do that." Seryoso kong sabi. "Marami pang paraan."
"I already said those words, wala na akong magagawa and that is the only way I can thi
nk of." Pabulong na sabi niya."See? Pinagulo mo lang lahat. Dapat kasi iniisip mo muna yung mga salitang lumalabas diyan sa bibig mo, eh." Galit na sabi ko. "Kung inisip mo muna ng mabuti edi sana hindi toh mangyayari at hindi natin kailangan magpanggap."
"Rai, wala na nga akong magagawa. Ano bang gusto mong gawin ko?! Sabihin ko sakanila kung ano talaga tayo? Bakit kasi big deal sayo ang magpanggap?!" Naiinis na sigaw niya.
"Kasi maling manloko ng tao, Joaquin! Mas gugulo pa ang lahat kapag nalaman nilang nagpapanggap lang tayo."
"Bakit? Simula palang naman nung una niloloko na naten yung mga taong nagtatanong satin. Hindi din ba panloloko at pagpapanggap yung sinasabi natin na magkaibigan lang tayo?!"
Natahimik ako sa sinabi niya. Napaupo ako sa sahig, natulala at nagsimulang maiyak.
Tama siya, matagal na kaming nanloloko ng tao at ngayon ko lang yon narealize.
Umupo siya at niyakap ako.
"Shh..sorry rai, sorry dapat hindi ko na sinabi yon, dapat inisip ko muna yung mga sasabihin ko. Sorry for shouting at you." He said while caressing my hair.