5

970 27 0
                                    


Chapter 5

Zachira's POV

Merry Christmas!

"5...4...3...2...1.." Countdown namin before Christmas.

"Merry Christmas everyone!!" Sigaw ni tita sa lahat.

Nakita kong papalapit sakin si kuya, "Merry Christmas!"

"Merry Christmas Wacky!!!" Sabi ko nang nakangiti habang ngumunguya ng cookies.

Kinakain ko yung mga natirang pagkain kanina, sayang eh.

"Lumalamon ka nanaman?!" Di makapaniwalang tanong ni kuya.

"Grabe naman yung lamon para naman akong baboy non."

"Takaw takaw mo kasi eh." Ginulo nanaman niya yung buhok ko, nahulog tuloy yung headband ko. "Kakain pa tayo mamaya ah wag ka magpakabusog." Sabi niya bago umalis.

"San ka punta?" Tanong ko sakanya.

"Maglalaro COD, meron ka bang account?"

"Naglalaro ka pala, meron akong account. Wait lang kunin ko phone ko."

Tumakbo ako papuntang kuwarto dahil naiwan ko pala dun yung phone ko.

"Ano na rank mo?" Tanong ko kaagad pagkababa ko galing kuwarto.

Nandun siya nakaupo sa sofa sa sala.

"Legendary." Sabi niya tapos nag smirk.

Tss yabang!

"Ikaw ba?" Tanong niya sakin.

"Master 5. Pero nag legendary na ako last season, kaya wag ka mayabang. Mga dalawang panalo nalang siguro legendary na ako." Sagot ko.

"Dalawang laro? Sige sige buhatin kita master HAAHAHHAH." Sinamaan ko siya nang tingin.

Apaka yabang! Tignan naten kung sino ang magbubuhat, tss.

"Invite kita, ano name mo?" Tanong sakin ni kuya.

"Mitch1." Sagot ko. "Add mo na ko."

"Wait lang."

"Tagal naman." Sabi ko.

Biglang may nagadd sakin, "cuteniMitch1."

Tinignan ko si kuya, nakatingin din sakin habang nakangisi.

Baka makapagkamalan pa kaming mag jowa. Bahala na ngaa.

"G na, rank ahh. Pabuhat master HAHAHAHA." Asar sakin ni kuya. Di ko nalang pinansin.

Bubuhatin talaga kita, che!

Nagstart na at ako ang first kill. Tinignan ko si kuya na gulat na nakatingin sakin.

Yabang mo ehh.

Ang dikit nang laban nakakakaba, myghad!

"Lahh matatalo na tayo!! Bilis bilis!!" Sigaw ko.

48-49 yung score, kami yung 48, isa nalang panalo na yung mga kalaban namin. Tinignan ko si kuya, seryosong-seryoso siyang naglalaro.

Hala! Dalawa pa yung bumabaril sakin, pag napatay ko to panalo kami pero pag ako napatay neto panalo na sila.

"Wackyy!! Tulongg dalawa dito!!!" Gigil na gigil na sabi ko, ganyan ako maglaro eh ang ingay.

Boom!

Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon