Chapter 13Zachira's POV
"Kumpleto na? Lahat may partner?"
"Yes po sir." Sagot ko.
"Wala namang may reklamo sa partner nila, diba?" Napatingin ako kay Brent na nasa katabi ko, ngumisi lang siya at sabay na umiwas ng tingin.
"Opo sir, wala po silang reklamo." Nakangiti kong sabi.
"Oh I see, si Brent pala kapartner mo." Sabi ni sir at tumingin kay Brent.
Ngumiti lang kaming pareho ni Brent. "Guide him, Fuentes. Brent, don't hesitate to ask Zachira about the things na hindi mo pa alam, okay? She knows everything." Awkward akong ngumiti kay sir at napatingin kay Brent. Natawa siya saglit sa itsura ko. Mukha na naman akong natatae. "Thank you, you can go back to your class."
"Anong mukha yon?" Natatawa niyang sabi pagkalabas namin ng faculty.
Pinalo ko siya at nilagpasan. "Huy sandali!" Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan. "Tara kain muna tayo, mamaya pa naman next class."
Bigla akong may naalala. "Diba gusto mo akong maging kaibigan? Gusto mo bati na tayo diba? Madali mo lang naman ako maging kaibigan." Sabi ko pagkatapos ay nagtaas-baba ako ng kilay. Tinignan niya ako na parang nagdududa siya sa sinasabi ko. "Ayaw mo? Di wag, bati na nga tayo eh." Sabi ko at nagsimula na maglakad palayo.
"Paano?" Sigaw niya.
Bahagya akong napangiti habang nakatalikod pa rin sakanya. Humarap ako at lumapit sakanya "Uhm.. lilibre mo lang ako, simple diba?" Sabi ko at kumindat.
"Marami naman akong kaibigan, siguro hindi ko na kailangan dagdagan pa. Ah sige una na pala ako, may gagawin pa ako sa room." Paalam niya sakin at nagsimula na maglakad palayo pero hinatak ko siya sa braso pabalik.
"Sige na, gutom na talaga ako. Ayaw mo nun nakatulong ka na nga naging kaibigan mo pa ako." Sabi ko at pinagkrus yung braso ko.
"Sino ba nagsabi sayo na gusto kitang maging kaibigan, ha?"
"Brent Xander Santiago, gusto mo hindi ako umattend sa prom para wala kang partner?" Madiin kong sabi sakanya.
"Edi wag ka umattend, sanay naman akong mag-isa."
"Bahala ka, magsama kayo ni Joaquin. Mga kuripot!" Padabog akong naglakad palayo pagkatapos ko siyang irapan.
Magsama sila ni Joaquin. Gutom na gutom talaga ako pero nasa room pa yung wallet ko, ayoko na bumalik.
"Tara na nga." Biglang may humila sa kamay ko. Napangiti naman ako.
......
"Wag kang magrereklamo kapag marami akong binili ah, magiging kaibigan mo naman ako eh." Sabi ko sakanya pagkarating namin sa cafeteria.
"Ay wow! Ang husay mo Zachira! Ako pa may utang na loob sayo ah. Ang galeng!" Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo na, bilin mo na lahat ng gusto mo."
"Yown! Ako na o-order, baka makalimutan mo pa mga bibilin ko. Akin na pera." Sabi ko at hiningi yung pera. "Dapat ba may sukli?" Tanong ko nung binigyan niya ako ng 1000 pesos.
"Aba! Malamang! Ang laki nang binigay ko sayo kaya dapat may sukli. Wag ka nang babalik dito kapag walang sukli." Pananakot niya sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/231248336-288-k237829.jpg)