Chapter 9
Zachira's POV
Classmate
"Magkakilala kayo?" Taka kong tanong sakanilang dalawa.
Wala sa kanilang dalawa ang sumagot sa tanong ko.
Seryoso na nakatingin lang si kuya kay brent habang yung isa naman ay nakangisi na parang nangaasar pa.
"Let's go." Sabi ni kuya at hinila na ako papunta sa cashier.
Nakatingin lang ako kay kuya habang nagbabayad siya ng mga pinamili niya. Mukhang nabadtrip ata kay brent.
May nararamdaman akong hindi maganda sa pagitan nila. Parang magka-away ata sila.
"Uy okay ka lang?" Tanong ko agad sa kanya pagkalabas namin ng store.
Huminto siya sa paglalakad para tumango at humarap sakin.
Ngumiti ako sakanya at hinatak siya papunta sa bilihan ng ice cream.
Mamaya ko na siya tatanungin kahit kating-kati na yung dila ko magtanong.
"Ano flavor gusto mo?" Tanong ko sakanya.
Tumingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay.
"Libre ko." Sabi ko at inirapan siya.
"Katulad nalang din nung sayo." Sabi niya na nakangiti.
Kahit kelan talaga apaka kuripot netong lalaking toh.
Bumili na ako ng ice cream at umorder ng dalawang oreo blizzard.
Pagkabili ko, lumapit na ako kay wacky na nakatulala lang sa wala.
"Oh!" Abot ko sakanya nung ice cream at nagulat pa ata siya sakin.
Nakakita kami ng bench at umupo muna kami don.
Tahimik lang kaming kumakain at minsan napapatingin ako kay wacky.
Gusto ko na talaga magtanong, kating-kati na yung dila ko!
"Ano mga tanong mo? Alam ko na kanina mo pa gusto magtanong." Sabi niya at tumingin sakin.
"Naku! Hindi ah! Okay lang naman kahit hindi mo sabihin sakin kung paano kayo nagkakilala saka kung bakit ganoon ka makatingin sakanya." Pagpapalusot ko sabay subo ng ice cream.
Natawa siya nang bahagya tapos kinurot yung pisngi ko. "Cute mo talaga rai!"
"So paano kayo nagkakilala?" Humarap ako sakanya at handa nang makinig.
"Uhmm... classmate ko siya since first year highschool. Sa lahat ng lalaki sa section namin, kami lang dalawa yung pilipino. So ayon dahil nga kami lang yung pinoy, nagkasundo kami agad at naging magkaibigan." Kwento niya at sumubo ng ice cream.
"Oh magkaibigan pala kayo then bakit ganun ka makatingin sakanya? Parang magkaaway pa ata kayo." Taka kong tanong.
Nagkaroon pa pala ng kaibigan yung berto na yon, sa sama ng ugali niya? tss.
"Hindi naman talaga kami magkaaway, I just don't prefer seeing him and I already don't refer him as my friend." Paliwanag niya.
"Eh bakit hindi na kaibigan ang trato mo sakanya?" Tanong ko ulit.
"Do you remember the night when I told you about the girl that I considered as my girlfriend?" Tanong niya sakin.
Gulat akong napatingin sakanya. So ibig sabihin si brent yung tinutukoy niyang best friend na nakahalikan nung babaeng gusto niya?