12

648 25 1
                                        


Chapter 12

Zachira's POV

"Mag-iisang buwan na HAHAHA wala pa rin tayong alam." Natatawa kong sabi.

Pero ang totoo niyan, pagod na pagod na kong magpanggap.

Nandito kami ngayon sa rooftop ng school. Break time namin at napag-isipan na dito muna tumambay dahil ayaw pa rin tumigil ni Kenzie sa pang-aasar saming dalawa.

Mag-iisang buwan na simula nung sinabi ni Joaquin na nililigawan niya ako pero ayaw pa rin mag-move on ni Kenzie, nagagalit na nga si France dahil sa kakulitan niya e.

"Alam mo Joaquin, gustong-gusto ko na talaga sabihin kala Zie at France kung ano talaga tayo." Nakayuko kong sabi.

Hinatak niya ako palapit sakanya at niyakap.

"Malalaman at malalaman din natin yung dahilan, diba walang sikretong hindi nabubunyag?" Sabi niya at tumango nalang ako.



"Ba't niyo ko iniwan sa babaeng toh? Ang ingay-ingay!" Naiinis na sabi ni France habang tinuturo si Zie na nakikipagchismisan kay Rachel, kaklase namin at treasurer ng class.

Napangiti nalang ako at umupo na sa pwesto ko. Tumingin sakin si Zie pero inirapan ko lang siya, nakita ko siyang tinaasan ako ni kilay pero di ko na pinansin.

"Good afternoon class! I have an announcement." Sabi ni ma'am Liezel pagkapasok niya sa room.

"JS prom is near!" Masayang sabi ni ma'am. Naghiyawan yung mga iba kong kaklase.

"Prom na! First time ko toh!" Sabi sakin ni Zie habang pinagpapalo yung braso ko.

"Kelan ma'am?" Tanong nung isa naming kaklase.

"Wait lang, wag excited. Patahimikin mo muna yung mga kaklase mo." Utos ni teacher.

"Hoy! Manahimik daw kayo! Sasampalin ko kayo isa-isa." Sigaw pa nung kaklase namin.

Tumahimik naman yung mga kaklase ko at nakinig na kay teacher.

"So, second week of February I think sa valentines pa ata, February 14 pero tentative pa. Let's wait nalang sa announcement or intayin niyo ma-post sa bulletin board. Okay! Let's move on. Get your book."

Kinabahan ako bigla, first time kong magp-prom.

"Sino kaya magiging partner ko?" Tanong sakin ni Zie.

"Ba't mo sakin tinatanong?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Apakasungit talaga neto! Tanggalan kita ng kilay eh."

Natawa nalang ako at nakinig na kay ma'am.

Gaya nga nang sinabi ni ma'am, nag-post na sila sa bulletin board.

"President at Vice, punta daw kayo faculty." Sabi ni Brent pagkabalik ng room.

Tumayo na kami ni France at pumunta na sa faculty.

"Musta? Matagal na kitang hindi nakakausap ah. Lagi mo nalang kasama yung manliligaw mo."

"Kakausap mo lang sakin kanina ah?" Tanong ko habang naglalakad papuntang second building.

"I mean yung tayo lang dalawa."

"Lagi mo kasing kasama si Zie eh."

Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon