20

445 19 19
                                    


Chapter 20

"Bye! Ingat kayo!"


Nagpaalam na kami ni Joaquin kay Zie at kay France dahil manonood daw sila ng movie. Gusto ko man sumama sa kanila pero ayaw ni Joaquin kaya hindi nalang din ako sumama. Alam kong kailangan ni Joaquin ng kasama ngayon.


"Dala mo ba kotse mo?" Tanong sakin ni Joaquin at tumango ako.


"May pupuntahan ka ba?" Tanong ko habang naglalakad kami. Tumingin siya sakin at umiling. "Gusto ka daw sana maka-usap nila mama." Huminto ako sa paglalakad at tumitig sa mata niya.


"O-okay lang ba?" Nag-aalangan kong tanong.

Nang hindi siya sumagot agad ay hinawakan ko nalang ang kamay niya at hinatak na papunta sa kotse namin. "Ayos lang naman kung hindi ka pa handa." Sabi ko at nginitian siya.


"Hindi, pupunta ako. Okay na ko." Sabi niya bago sumakay ng kotse niya.


Magkasunod lang ang kotse namin papunta sa bahay ko. Mas nauna lang siya ng onti dahil mas mabilis siya magpatakbo.


"Ready ka na ba?" Tanong ko sakanya nang nasa tapat na kami ng pinto.


"Ginawa mo naman akong manliligaw na magpapaalam sa magulang mo." Natatawa niyang sabi. "Pero pwede ren." at hinawakan ang kamay ko.


Hindi na ako nakapag-react dahil tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob, hila-hila ako.


Pagkapasok namin ay nakita ko si mama na nanonood sa may sala habang nasa tabi niya naman si papa na nagbabasa ng diyaryo.



"Nandito na po ako." Sabay silang lumingon sakin at gulat na napatingin sa katabi ko.



"Joaquin?" Tumayo si mama at lumapit samin. Sumunod naman si papa sakanya. Bumitaw muna ako sa hawak ni Joaquin para mahawakan naman ni mama ang kamay niya.



Niyakap ni mama si Joaquin at sorry siya nang sorry habang umiiyak.


"Sorry, sorry Joaquin! Sorry at tinago namin sa iyo ang totoo. Sorry anak."


Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng merienda at para na rin makapagusap-usap sila. Pagkabalik ko ay nakaupo na sila sa sala. Umupo ako sa tabi ni Joaquin at magkatabi naman sila mama at papa.


"Kamusta ka na?" Tanong ni mama kay Joaquin.



"Okay na po ako." Sabi ni Joaquin habang pilit na inaabot ang kamay ko para hawakan.


Nakita kong napatingin pareho sila mama at papa sa kamay namin pero agad din umiwas.


"Nakausap mo na ba mga magulang mo?" Seryosong tanong naman ni papa.


"Nakausap ko na po sila, sinabi na po nila sakin yung totoo at ipinaliwanag na rin po nila sakin nang maayos."

"A-ano na gagawin mo ngayon?" Parang nag-aalangan pa na tanong ni mama at para bang natatakot sa sasagutin ni Wacky.


"Uhm.." napatingin muna sakin si Joaquin bago sumagot. "gusto ko po sana makilala yung mga magulang ko."


Tuwing sasabihin niya yan ay lagi akong kinakabahan pero ewan ko kung bakit. Hindi na masyado nagulat sila mama dahil parang yun na ang aasahan niya na isasagot ni Joaquin sa tanong niya.


Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon