8. Fliptop Battle

521 18 6
                                    

Wow less than a week, I'm back. Ayoko kasing ipagpaliban yung idea na pumasok sa isip ko. Sa mga nagbabasa nito ipagdasal niyo na mas marami pang idea na pumasok sa isip ko (Kahit alam kong hindi niyo gagawin 'yon.)

But anyway, this chapter has 2 parts. This part has a unique or uncommon here in Wattpad. So, Dedicated this chapter to SachicoNao. Dating Allwinna, iba na ang username nito now at wow, hindi ko alam na kung sino ang unang magcomment, siya pa ang hindi ko inunang idedicate. May konting ryhme yung sa taas kasi related ito sa part na 'to.

We may start....


Chapter 6.1 Fliptop Battle: Cupid vs Lil Love

Cedric's POV

Umuwi ako sa bahay sabay upo sa sofa na parang lambot na lambot.

"Bakit ngayon ka lang? May problema kaba?" Tanong ni Mama.

"Dumaan pa ako kila Janelle."

"Janelle na naman. Ako nga 'wag mong pinagloloko na kaibigan mo lang 'yang si Janelle ah."

"Okay lang kung ayaw mong maniwala basta ako nagsasabi ako ng totoo."

"Sige, totoo na kung totoo."

"At saka, walang masama kung magiging kami kaya siguro naman kung magiging girlfriend ko siya, aaminin ko na dahil mahirap makipag relasyon ng patago."

"Sigurado ka na ganun nga?"

"Mama! Aaminin ko sa inyo kung kami na. Hangga't wala akong sinasabi--"

"Walang sinasabi? Ang akin lang ah, fully paid na ang tuition fee mo. Hiling ko lang na makapasa ka dahil kung mai-in love ka, baka bumagsak ka na naman sa isang subject."


Biglang lumakas ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko mailabas sa bibig ko ang katagang "Wala kang dapat ipag-alala Mama." nasa bingit ako ng isang sitwasyon na nakakatakot. Pumasok ako sa kwarto ko at huminga ng malalim. Dumapa ako sa kama at sising sisi sa ginawa ko. Bakit ko sinuntok si Jonie? Eh kasi napuno na ako eh. Sinasadya ko ba yun? Ako ba ang dapat sisihin sa nangyari? Ano ba ang dapat kong ginawa? Palampasin ang ginawa niya?

Nagbukas ako ng computer at nakabasa ako ng Poem.


Danielle's status

Lahat ng bagay sa mundo ay may kaniya kaniyang pag-aari. Literal man o hindi, kailangan ang inggit ay hindi na mag hahari.

Kung sa tingin mo'y talunan ka at hindi makasuntok dahil sa problemang namamayani, isipin mo lang na lahat ng bagay ay may dahilan kaya nangyayari.


Nakarelate naman ako pero bakit ba kinabahan akong lalo sa Poem na yun? Para bang anytime may mangyayaring hindi maganda sa'kin.

Nagchat si Sandra.

Sandra: Hi Ced.

Me: Hello!

Sandra: Kamusta?

Actually, kakaboring 'yang ganiyang topic. Araw araw na kaming nagkikita, nagkakamustahan pa. Hindi na ako magreply pero nabasa ko uli ang chat niya.

Sandra: Hoy! Bakit kasi pinatulan mo pa si Jonie?

Me: Kasalanan ko alam ko pero hindi ko masisi ang sarili ko kahit pinagsisihan ko yun.

Sandra: Huh?

Me: Basta gusto kong ipagdasal mo na walang mangyaring kakaiba. Please.

The 30 Days Impossible Task [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon