16. Day 06: Kissing Scene

324 16 7
                                    

Kate's POV

Linggo. After namin mag church, tumawag sa'kin si Brent. "Hello Kate, invited kayo ngayon sa house."

"Bakit?"

"Wala lang. Nabitin ako. Ang saya natin kahapon eh. Naisip kong iinvite kayo lahat dito. 'Yung mga kasama kahapon tapos, maggala tayo. Mas maigi dito sa'min. Pwede naman." Naku. Baka hindi ako payagan. Makakaalis naman ako dahil wala si Mommy pag hapon hanggang gabi. Wala namang paki si Ate sa'kin eh. Ang kaso, I don't want to betray my Mom. Pero kung papayagan ako, okay lang sana.

"Try ko."

"Hindi pwede Kate, sure dapat. Nakakainis naman oh. 'Yung girl of my dreams ko pa ang hindi sure." Sira talaga.

"Basta, magpapaalam ako. Gumala na ako kahapon eh." Andito na ako sa room ko. Umupo ako sa kama. Hindi muna ako nagbihis kasi kausap ko si Brent.

"Ipagpapaalam kita." Hindi ko naman kasi gustong maggala ngayon eh.

"Huwag na Brent, ako nalang bahala." Pupunta nalang ako. Alam ko naman na sa dinami-dami ng matinong ginawa ko, pag pinilit ko si Mommy, papayagan ako nun.

"Sure dapat."

"Sige na nga."

"Yehey." Pagcute pa sa boses niya. Pero okay 'yan si Brent. Friend kami niyan. Naiintindihan niya ako most of the time.

Okay, nagbihis na ako. Sumilip ako sa inbox na phone ko. May text si Cedric. Oo nga pala. Nagyayaya na naman siya sa playground. Ayoko na. Ayoko nang pahabain pa 'to. Ipaparamdam ko sa kaniya na ayoko talagang may boyfriend. Hindi na ako sumilip sa Facebook para hindi niya maisip na nakaonline ako. Basta, ayoko sa kaniya. Friend lang kami sana eh. Haaay. Binasa ko ang mga text nila. Mga excited lahat. Kung sino 'yung mga kasama ko kahapon, sila din 'yung makakasama ko ngayon. Ano ba 'yan, parang laging may pasok. Hindi na sila nagsawa sa mga mukha ng isa't isa. Lumabas ako ng kwarto at napansin ko si Mommy. "Mommy, aalis ako mamaya ah."

"Where?"

"Kila Brent, nagyaya lang sila, pero bonding lang naman."

"Hindi na ba kayo nagsawa sa isa't isa?" Napansin kong makaready na pala siya.

"Sige na please, iba ang sa school." Niyakap ko siya. Alam ko na ang kahinaan niya.

"Sige." Ngumiti ako. "Basta ayoko nang ginagabi ka ah. Sila Erica ba kasama mo?"

"Opo sila. Thanks Mom. Aalis ka?"

"Of course. Next week na tayo magmamall ah. Pasensya na." Naalala ko, matagal na pala kaming hindi nagmamall. Aah kaya medyo maluwag siya sa'kin ngayon para pagtakpan ang kasalanan niya. Hmp! Intindi ko naman 'yun eh. Pero si Ate, walang problema 'yan kahit busy si Mommy. Umalis na si Mommy, then hapon pa naman kami pupunta kila Brent kaya dito lang muna ako sa bahay. Naalala ko si Cedric. Medyo nahiya ako pero kailangan ko siyang iwasan. Paano na kung makakasabay ko siyang bumili o minsan na nagyoyosi siya sa tindahan na pinagbibilhan ko? Awkward naman. Sabagay, alam kong maiintindihan din niya ang lahat dahil may pang unawa naman siya alam ko. kaya hindi na ako lumabas ng bahay. Buti nalang complete pa ang lahat.

1PM, lumabas ako ng gate. Maglalakad pa ako hanggang kanto para sumakay ng jeep. Sana hindi ko makita si Cedric. Pero may isang tumatakbo sa likod ko, ramdam ko. "Kate! Saglit." Si Cedric. Humarap ako sa kaniya. "Saan ka pupunta?"

"Sa bahay ng classmate ko."

"Ah okay, what time uwi mo?"

"I don't know pa eh." Napahawak ako sa labi ko. "Si-sige Cedric, aalis na ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 30 Days Impossible Task [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon