4. 3 Days Of Sadness

604 20 3
                                    

Kate's POV

Naglalakad ako papasok ng school. Iniisip ko kung ano ba ang magandang gawin mamaya kasama si Sosina at Isabel. Ay oo nga pala. Ako ang tagabitbit nila ngayon ng pagkaen.


O my god oo nga pala. Bakit dito ako dumadaan?


Bumalik ako at naalala ko na sa ibang room na pala ako. Nakahiwalay kasi ang room ng section 1. Sama sama sa isang building ang lahat ng Special Section.

Haaaaay.


Pagpasok ko sa room ay sinalubong agad ako ni Erica.

"Hi Kate!" Niyakap niya ako.

"Kamusta? Si Janine nasa'n?"

"Wala pa. Welcome back sa Section natin Kate."


Nakatingin lahat sa'kin at winelcome nila ako. Parang walang nag iba. Sila-sila parin. Okay na. Pero bakit parang hindi ako masaya? Bakit sobrang nanibago ako? Dumating na si Brent.


"Kate! Oo nga pala dito ka na uli. I'm so glad Kate. Sobrang namiss kita." Sabi ni Brent.

"Oo na!" Sagot ko lang.

Maya maya dumating na si Janine. Kamustahan at halatang tuwang tuwa siya.


Flag ceremony.

Panay ang lingon ko sa likod. Hanggang sa natanaw ako nila Sosina at Isabel. Kumaway sila at kinawayan ko naman sila. Sama sama kasi ang 4th year at sa bandang unahan kami. Napansin ni Erica na kinawayan ko sila Isabel.


"Kate, wag mong sabihin na namimiss mo sila?" Tanong ni Erica.

"Of course, 2 weeks ko din silang nakasama."

"Sino ba masayang kasama? Sila o kami?"

"Ano ba namang tanong yan?"

"Ayaw mong sagutin?"

"Masaya kayong kasama. Ganun din sila, so dapat maging masaya tayo dahil balik na ako sa section na 'to."

"Dapat lang Kate. Sobrang saya ko."


Napasilip na naman ako sa likod. Nakita ko na nagtatawanan ang section 5. Panay ang hampas ni Isabel kay Andrew. Ano kaya yung sinabi na naman ni Andrew? Parang napikon na naman si Isabel.

Nakakamiss talaga ang araw na kasama ko sila.

Pagdating ng break time ay tahimik kami. Ganito naman kami lagi eh. Kaniya kaniya kaming bitbit ng pagkaen. Nang matapos kami ay narinig namin ang mga estudyanteng maiingay. Nasa malayo kami dahil magkaiba ang daanan.


Ang section 5.

Janine: Diyan ka galing Kate. Sa maiingay na 'yan

Me: Mababait naman sila.

Erica: Kahit na. Hindi bagay na sumama ka sa kanila.

Janine: Ang iingay oh. Kulang na lang sigawan ng ibang Teacher.

Me: Wag nga kayong ganiyan.

Nakapasok na kami ng room. Kasama namin si Brent.

Janine: Ngayon bagay na uli. Noon kasi parang nahaluan sila ng Diwata. Para silang mga dwende.

The 30 Days Impossible Task [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon