Cedric's POV
Nakahiga ako sa kama ngayon. Hindi ako makatulog. Wala silang alam sa lahat. Kailangang maging sikreto nito. Lalong lalo na si Janelle. Pag nalaman niya na balak kong ligawan si Kate, tututol siya. Hindi niya pwedeng malaman na tungkol ito sa task. Ngayon palang, alam ko na ang kinalalabasan. Ang tanging pag-asa ko nalang ay magbago ang isip ni Ma'am. Ako palang kaya ang nabigyan ng task? Kinakabahan ako. Bakit ba ang malas ko? Kailangan ba talagang maging kami ni Kate? Imposible. Ang bait ni Mrs. Montemayor, binigyan pa ako ng isang chance. Pinatagal pa ng isang buwan. Ano ngayon ang idadahilan ko sa Mama ko? Lagot ako nito.
Sinubsob ko ang mukha ko sa unan. Nag ring ang phone ko, may tumawag. "Hello Nelle!"
"Hello! Kanina pa ako nagtetext, hindi ka nagrerply. Bakit ba kanina ka pa walang kibo? Kung hindi ka nasuspende o na-expell, ano ang pinaka problema mo?"
"Wala 'to. Bukas na muna tayo mag usap. Hindi ko maintindihan ang sarili ko." Binaba ko ang phone. Bahala ka sa buhay mo diyan. Buti kapa walang problema. Ipagtapat ko kaya sa kaniya para may katulong ako na kakausap kay Mrs. Montemayor? Kaso baka hindi namin makumbinsi si Ma'am. Mapaaga pa ang pagka expell ko dahil pinagsabi ko ang tungkol sa task. Hay naku. Bahala na si batman. Naiinis ako sa nangyari. Ngayon ko pinagsisisihan ang lahat. Dapat pala hindi ko na minura at sinuntok si Jonie. Sana wala akong problema ngayon. Makabili nga muna ng yosi, pangpatanggal ng tense. Lumabas ako para bumili pero nakita ko si Kate. Bumibili! Teka, balak kong kausapin si Mrs. Montemayor bukas, pero try ko munang kausapin si Kate para kung hindi ko makumbinsi si Ma'am, nakapag start na akong manligaw. Hawak ko ang Cp ko, at binabasa ko mga text ni Janelle. Tumabi ako kay Kate habang hinihintay niya ang binili niya. Hiyang hiya ako pero nginitian ko siya.
Ngumiti din siya. Hindi ako makapaniwala. Sobra talaga ang ang ganda ni Kate. Ano ang gagawin ko? "Ano na naman ang bibilhin mo? Yosi na naman?" Biglang sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na kakausapin niya ako.
"Ah oo eh. Natetense kasi ako eh."
"Bakit naman matetense ka? Don't you say araw araw kang natetense?" Ngumiti na naman siya. Ang ganda niya talaga.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. "Haha! Hindi naman." Wala talaga akong masabi, nakakainis.
Kinuha niya 'yung binili niya at bago umalis... "Sige mauuna na ako." Ngumiti na naman.
Grabe ka talaga Kate. "Si-sige." Pagkaalis niya ay nakatingin parin ako sa kaniya. Nakakainis naman. Hindi pala siya madaling kausap. Alam ko na, iaadd ko siya sa Facebook. Pagkatapos kong bumili ay tumambay muna ako saglit. Tinignan ko ang sigarilyong hawak ko. Alam nga pala ni Kate na ito ang madalas kong bilhin sa tindahan. So, ano kaya ang gusto niya sa lalaki? Malamang ayaw niya sa lalaking nagyoyosi. Teka, si Blake at Brent. Hindi sila nagyoyosi pero rejected sila.
Pagkaubos ng yosi ay umuwi ako para mag open ng Facebook. "OMYGOD!!" Inadd niya ako. Kailan pa 'to?
"Bakit?" Tanong ng Mama ko.
"Wala Ma." Hindi na siya kumibo.
Kate De Jesus
[Accept] [Delete Request]Nakatingin lang ako. Hindi ako nakapaniwala. 'Yung mga nakikilala kong lalake na nagrereklamo na hindi sila inaaccept ni Kate. Ano kaya ang masasabi nila pag nalaman nila 'to? Inaccept ko agad. Tapos magchachat pa lang ako inunahan na niya ako.
Kate: Salamat sa accept.
Ano ba 'tong nangyayari? Nananaginip ba ako?
Me: Salamat sa add. Sino ba naman ang hindi aaccept kay Kate?
Kate: Ikaw!! Last week pa kita inadd!
Me: Ah ganun ba? Hindi ko alam eh. Sorry.
Kate: Okay lang.
BINABASA MO ANG
The 30 Days Impossible Task [Ongoing Series]
Teen FictionAno ang gaawin mo pag malapit kanang maexpel sa school. Hindi ito pwedeng malaman sa inyo kaya nag iisip ka ng paraan para makabalik sa school. Binigyan ka ng pag asa ng teacher para makabalik. Pero parang hindi pag asa dahil napaka imposible ng pin...