First chapter. Papakilala ko lang si Kate. Third person's pov po muna.
First day of school. Nakangiting naglalakad si Kate sa school. Pupuntahan niya ang mga bagong classmate niya. Section 1 siya sana kaso nahuli siya sa pag eenroll. Hindi nairegister yung name niya sa section 1 kaya section 5 muna siya pansamantala. Lahat nakatingin sa kaniya. Maganda at sexy. Sikat at single. Maraming bumabati sa kaniya kaya binabati din naman niya. Hindi naman siya kasi suplada. Mabait at laging nakangiti. Maraming estudyante ang pinapangarap na maging tropa niya pero sa dami nito ay hindi na niya mapansin dahil busy siya sa mga classmate niya. Pero ngayon ay sa ibang section siya nailagay.
Nagtinginan ang mga estudyante ng section 5. Nagulat sila dahil kasama nila si Kate. Binati nila si Kate at binati naman sila ni Kate. "Tama ba yun? Classmate natin si Kate?!" Bulong ni Sosina sa bestfriend niyang si Isabel.
"Ewan ko. Nakita mo naman diba? Nasa room natin siya. So it means--"
"Classmate natin siya?"
"Oo! Korek, tumpak, tama."
"Kaibiganin natin siya!"
"Ewan kung papansinin niya tayo. May chance na yung mga dating classmates parin niya ang tropa niya."
Biglang dumating ang Teacher. Nagcheck ng attendance.
"Kate De jesus!!" Sabi ng Teacher.
"I'm here Ma'am!!" Sagot ni Kate.
"Kate, bakit kasi late ka na nag enroll?"
"Busy po Ma'am sa bakasyon eh."
"Alam mo naman na walang favoritism dito? Kung nahuli ka mag enroll, kahit kakilala mo pa ang Principal. Ilalagay ka sa iba."
"Wala pong problema Ma'am. Alam ko naman po yun."
"Pagtsagaan mo muna ang section na 'to. After 2 weeks baka maibalik ka sa section 1."
Bumulong si Isabel kay Sosina. "Two weeks lang pala natin siya magiging kaklase."
"Haaaay sayang. Balak ko pa naman siyang maging bestfriend."
"Ano?! Ako, baliwala na?"
"Hindi ah magiging tatlo na tayo."
"Sure ka na papayag si Kate na maging bestfriend natin?"
"Try lang natin mamaya. Kung ayaw niyang kasama tayo, okay lang diba?"
...
Kate's POV
Haaay 2 weeks pa. Ang hirap mag adjust sa mga hindi ko pa kilala. Buti sana kung yung mga dati kong classmate, kasabay ko ng breaktime.
May sumusunod sakin, sino sila?
Girl1: Hi Kate, I'm Sosina. Classmate tayo.
Me: Ganun ba?
Girl2: Ako naman si Isabel. Nice meeting you.
Me: Same here guys.
Sosina: May kasama ka bang kumaen?
Me: Wala!
Isabel: Sabay na tayo.
Me: Ah sige, walang problema.
Minsan pinagpapasalamat ko na rin na sikat ako. Atleast may mga tao na kahit hindi ko kausapin ay kinakausap ako. May kasabay na akong kumaen. Umorder kami ng pagkaen at umupo.
BINABASA MO ANG
The 30 Days Impossible Task [Ongoing Series]
Teen FictionAno ang gaawin mo pag malapit kanang maexpel sa school. Hindi ito pwedeng malaman sa inyo kaya nag iisip ka ng paraan para makabalik sa school. Binigyan ka ng pag asa ng teacher para makabalik. Pero parang hindi pag asa dahil napaka imposible ng pin...