Kate's POV
Andito kami ngayon kila Sosi para mag bonding ng walang ini-isip sa school. Nang may nagsi-dating. "Bakit ba kasi hindi mo ako hinintay?!" Sabi ni Erica nang pagbuksan ng gate ni Sosina.
"Hindi mo kasi sinabi na sasama ka kaya hindi na ako nagbasa ng text." Sagot ni Andrew na tila nag-aaway sila.
Why they fighting like that?
Sosina: Nagtext kasi ako kay Andrew. Hindi ko alam na magkatext pala sila kaya magkasama sila ngayon.
Isabel: Bakit nag-aaway sila?
Sosina: Ewan!
Me: Pero sabay naman sila dito 'diba? Hindi ko expected na makikita ko si Erica dito.
Lumapit silang dalawa.
Erica: Kainis kasi 'yang si Andrew. Gusto daw niya akong isama pero iniwan naman ako.
Andrew: Akala ko ayaw mo eh. Tinuro ko naman sa 'yo dito para makapunta ka 'diba?
Erica: Hello! Dapat sinabay mo na ako!
Me: Tama na 'yan. The most important is you're both here na.
Erica: Nakakainis kasi eh. Wala naman akong sinasabi na hindi ako sasama.
Nakatingin lang kami sa kanila na parang nagtataka.
Me: Nasaan na si Janine?
Erica: Bakit hindi mo alam? Dapat nga ikaw 'tong nagyayaya sa'min 'diba?
Me: Alam kong wala sa tipo niyo ang sasama dito.
Biglang may nagdoorbell. Akala namin bisita lang ni Sosina pero pagpasok niya'y kasama niya si Brent at Janine.
Janine: Hoy, bakit hindi niyo ako tinext?
Brent: Gusto kong sumama kaya sinundo ko si Janine.
Wow! Hindi ko akalain na makukumpleto kami. Nabalitaan pala nila. Ngayon sure akong katropa na nga kaming lahat. Kilala ko kasi 'yan sila Erica. Once na ginawa nila ang ganito, it means, gusto na nila sa company namin ni Isabel at Sosina. Habang kumakaen kami ay kumakanta naman sila Isabel.
"Ano ba namang kanta 'yan? Wala bang bago?" Bulyaw ni Janine kay Isabel.
"Ito lang ang kaya kong kantahin eh!" Sagot naman ni Isabel. Medyo ganiyan sila pero panatag ako dahil wala na silang plastikan. Magkakwentuhan lang si Andrew at Brent na katapat namin. Mukhang gagabihin ako nito ah. Usapan kasi saglit lang pero dahil sa kumpleto kami, mabibitin ang dalawang oras. Medyo nawala si Cedric sa isip ko at naalala ko lang nitong napagpasyahan namin na bumili sa tindahan.
"Hoy Kate? Ano ba ang gusto mo? Bakit tulala ka?" Tanong ni Sosina.
Oo nga pala. Need namin ng snacks. "Kahit ano nalang." Sagot ko at ang gulo nila. Napansin ko na nagtatawanan sila Isabel at Janine sa usapin na hindi ako makarelate. Close na talaga sila pero ang hindi mawala sa isip ko ay si Cedric. Nagdadalawang isip ako kung papansinin ko pa siya o hindi na. Malamang mamaya magyayaya siya. Bakit ba siya in love sakin? Bakit ako pa? Ngayon ko naisip na mahirap iwasan si Cedric. How can I explain it to him? Sabi niya nasaktan na daw siya. Hindi ko naman alam ang pakiramdam ng ganun pero sabi nila, oras na masaktan ka daw, hindi ka muna maghahanap ng mamahalin. Siguro, dipende sa sitwasyon. Ayoko naman na gawing panakip butas lang kung sakali. Bakit ko ba iniisip 'to? Wala nga akong balak mag boyfriend eh. Naiwan kami nila Isabel at Sosina sa terrace na nag-uusap dahil nakatambay sa loob sila Brent. Nagpapatugtog sila. 5pm na. Nagtext nalang ako kay Ate para magpaalam na malelate ako ng uwi.
BINABASA MO ANG
The 30 Days Impossible Task [Ongoing Series]
Teen FictionAno ang gaawin mo pag malapit kanang maexpel sa school. Hindi ito pwedeng malaman sa inyo kaya nag iisip ka ng paraan para makabalik sa school. Binigyan ka ng pag asa ng teacher para makabalik. Pero parang hindi pag asa dahil napaka imposible ng pin...