11. Day 02: Revelation

397 17 4
                                    

Kate's POV

Nagkayayaan kami sa bahay nila Sosina dahil may groupings kami... Gagawa kami ng maraming cookies para isubmit bukas. Kumpleto na ang rekado at kailangan nalang ay oven. Nagpunta kami sa kwarto na pag gagawaan namin. Pwede kaming mag group sa sarili namin kaya...

Andrew
Brent
Sosina
Isabel
Ako
Erica
Janine

Pito kami at eksakto sa gusto kong makasama. Kami kami kasi ang laging magkasama. Before, ang magkakasama ay si Andrew, Isabel, Sosina. Tapos kami naman sa Section 1. Ako, Erica, Janine at Brent. Pinag sama ko ang dalawang grupo at nakabuo kami ng isang grupo. I'm much comportable to them. Marami na akong kaclose, pati rin sila Erica pero habang tumatagal, nagiging malapit kaming lahat sa isa't isa.

Erica: Ano ba yan Sosi!! Bakit may aparador? Makakakilos ba tayo ng ayos diyan?!

Sosina: Ipapatanggal nalang natin.

Medyo sanay na sila Sosina sa ugali nila Erica at Janine.

Janine: Hoy Andrew! Ikaw ang magtanggal ng aparador. Lalaki ka po at babae kami, 'wag kayong tunganga ng tunganga diyan.

Napalingon lang si Brent at Andrew na kapwa nag uusap habang nakasilip sa bintana. Natutuwa ako kasi seryoso sila Janine na makisama kahit masusungit sila.

Isabel: Bilisan natin para makapag movie pa tayo.

Parang ang saya naman.

Andrew: Hoy Brent tulungan mo ako!

Kumilos si Brent na parang tamad na tamad. Napipilitan lang hahaha!

Ako?

Wala akong ginagawa at nakaupo lang.

Erica: Kate, tulungan mo naman ako! Ang bigat nito.

Buhat buhat niya 'yung isang bag na may laman na damit. Tumayo ako at kinuha ang bag at nilagay ko sa labas. Busy silang lahat. Naghubad ng damit si Andrew para makakilos ng maayos. Wala siyang sando hindi katulad ni Brent na nagsando nalang. Wow! Oo nga pala. Sexy si Andrew. Si Erica ang number 1 fan ng mga lalaking may 6 pack abs kaya lalapit ako kay Erica para kalabitin siya pero nagulat ako at nakakunot ang noo niyang titig na titig kay Andrew. Hindi na kailangang ituro pa dahil nakita na. Alam kong humahanga siya sa katawan ni Andrew na nagbubuhat ng aparador.

Erica: Ano ba 'yan Andrew!! Ayusin mo na ang pagbubuhat.

Umirap pa si Erica pero if i know, gusto lang niyang titigan si Andrew.

Brent: Wag ka ngang mareklamo, eto na nga eh.

Natutuwa ako sa kanila dahil close na silang lahat. After that, nalinis na namin kaya pinasok na namin ang oven. Panay na ang hampas ni Erica sa balikat ni Andrew dahil patawa ito ng patawa. Which is, hindi naman niya noon ginagawa. Galit na galit siya kay Andrew nung una pero ngayon, galit parin. Galit galitan. After that, okay na. Palpak pa ang gawa namin at iilan lang ang hindi buo. Magrerequest kami kay Ma'am na ulitin dahil alam na namin para hindi madurog.

Umuwi ako sa bahay at nakabasa ako ng chat mula kay Cedric.

Cedric: Hi!

Cedric: Tambay tayo mamaya.

Wow! Bakit parang nagbago yata si Cedric? Nung una, napagkamalan ko siyang may lihim na pagkakacrush sakin dahil feeling ko, sa kaniya galing ang Poem na nabasa ko. Ngayon naman, feeling ko, ngayon lang siya nagkaron ng crush sakin dahil pinansin na niya ako. Alam ko naman na madali siyang pakisamahan. Nagreply ako.

Me: Sige, wait lang. After an hour. Kakauwi ko lang eh. Gumawa kasi kami ng cookies sa house ng classmate ko.

Cedric: Wait kita.

The 30 Days Impossible Task [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon