Kate's POV
Last day ko sa section 5. Super malungkot talaga ako.
Sosina: Pa'no yan? Friday na Kate? Malulungkot kami.
Me: Ayos lang yun. Wag kayong magalala. Hindi naman dito matatapos ang pagkakaibigan natin.
Isabel: Pero mula sa Lunes malalayo na ang loob mo sa'min.
Sosina: Okay lang ba kachat ka namin twing gabi?
Me: Oo pwede naman. Basta friends ko parin kayo ah. Wag na tayong malungkot..
Yung section 4 na katabing room namin ay maingay. Wala kaming Teacher dahil may pinuntahan saglit. May pinagawa muna sa'min tapos iniwan kami kaya tahimik kami.
Nagkakagulo ang section 4 kaya nainis si Andrew.
Kinalampag niya ang dinding at sumigaw.
"Hoy!! Ano ba. Putt! Ang ingay ah. Tahimik naman. Busy kami dito."
My god. Lumabas yung 19 year old na bully sa section 4.
"Sinong tarantado yung sumaway sa'min?!"
Nakita ko ang itsura ni Andrew. Biglang natakot.
"Hi papa! Joke lang. Ikaw naman." Baklabaklaang sabi ni Andrew at nagtawanan lahat.
"Umayos kayo ah. Pag maingay kayo hindi kami nagagalit sa inyo."
Oo na naman. Biglang pumasok yung bully na yun sa room nila tapos nagtuloy ang pag-iingay.
Isabel: Ayan kasi. Kala mo Andrew ah. Hahaha!
Andrew: Malay ko bang may papalag pala.
Tawanan lahat.
Me: Tama na guys. Hayaan na para walang gulo.
Haay naku. Isa ito sa mamimiss ko sa section 5. Kahit nagkakaproblema na kami ay tawanan parin ng tawanan.
Sa canteen.
Andrew: Guys. Mamaya gala tayo. Isama natin si Kate. Pamamaalam natin sa kaniya.
Aba! May plano siya.
Classmate: Ano naman gagawin natin?
Andrew: Wala lang. Tambay sa bahay. Kung kaninong bahay ang pwede. Soundtrip, ambagan sa pagkaen.
Nice idea sana kaso hindi ako papayagan.
Sosina: Sige sasama ako.
Isabel: Kate! Gusto mong sumama?
Andrew: Natural isasama siya. Pamamaalam nga 'di ba? Hindi naman pwedeng kung sino ang magpapaalam--siya ang wala?
Basag si Isabel. Tawanan kaming lahat.
Isabel: Ewan ko sa'yo. Kaya nga tatanungin si Kate eh. Nagpaplano ka, hindi mo pa nga alam kung papayag si Kate.
Oo nga naman.
Me: Payag ako. Pero ipagpaalam niyo ako.
Sosina: Ikaw Andrew ang nakaisip. Ipagpaalam mo si Kate.
Then napagpasyahan namin na kila Sosina tumambay. Available kasi lagi ang house nila. Andito kami ngayon sa bahay namin.
Ako si Sosina, Andrew at Isabel.
Sakto andiyan si Mommy. Pinapasok ko sila sa bahay namin.
"Ang ganda ganda naman ng bahay niyo Kate at ang laki ah. Bakuran pa lang pwede nang magbasketball." Sabi ni Isabel.
"Lika na. Gusto ko talagang sumama kaya sana ipagpaalam niyo ako ng ayos." Sabi ko at nasa loob na kami. Pinaupo ko sila.
Lumabas si Mommy.
BINABASA MO ANG
The 30 Days Impossible Task [Ongoing Series]
Teen FictionAno ang gaawin mo pag malapit kanang maexpel sa school. Hindi ito pwedeng malaman sa inyo kaya nag iisip ka ng paraan para makabalik sa school. Binigyan ka ng pag asa ng teacher para makabalik. Pero parang hindi pag asa dahil napaka imposible ng pin...