13. Day 04: Poem

319 16 15
                                    

Beware sa spoiler. Ang konte na nga lang ng nagcocomment, minsan may spoiler pa. Anyway, nevermind. Hindi naman siguro makakaapekto kung sakali. Ang akin lang, andaling magbasa ng comment dahil iilan lang ang nagcocomment. Seryoso po ako ah.

Dedicated this chapter to: jhonalizagomez

Bitin daw hahahaha! Magtaka tayo kung completed na 'diba tapos bitin pa. Ongoing series po ito diba? Pero love ko mga readers nito kahit silent reader ka pa. Tsaka hindi naman bawal mabitin. Palatandaan lang na gusto mo nang makita yung karugtong. Pero kahit may mabitin pa, hindi ko ino-obliga ang sarili ko na mag Ud. Kinilig man ako XD ayoko kasing mag Ud pag wala ako sa mood isulat ang chapter...

Let's start...

Chapter 10

Kate's POV

Medyo natuwa ako nang maging close kami ni Cedric. Iba nung natuwa ako sa pagiging close ko kay Isabel at Sosina. Iba ang pakiramdam. Umaga palang ay nagtext na sakin si Cedric. Balak niyang gabi gabi kaming magkakwentuhan. Ayokong mag assume na pareho kami ng nararamdaman. Sana nga, kung gaano ako ka-excited na maka-usap siya, ganun din siya at wala nang ibang ibig sabihin pa. Dahil kung kaya niya ginagawa 'to para mahulog ang loob ko sa kaniya, hindi siya ma-iiba sa mga nagdaang manliligaw ko. Lumabas ako ng room at tumanaw sa labas. Luminga-linga lang dahil baka may kakilala akong papunta ng canteen, makikisuyo ako ng mineral water. Nakita ko si Janelle na dumaan. Malayo ang distansya niya sakin pero nagbangga ang mata namin. Ngumiti siya sakin, nginitian ko na rin. Parang iba ang ngiti niyang 'yun kaysa sa ngiti niya before. Biglang may pumasok agad sa isip ko na magiging komplikado.


Una, dahil bestfriend siya ni Cedric, hindi malayong magselos siya sakin dahil malay natin na may feelings pala siya kay Cedric. Pangalawa, baka in love na rin si Cedric sa kaniya, hindi lang halata ni Cedric pero dadating ang time na mererealize niya ito pag may iba na si Janelle. Pangatlo, kung totoong gusto akong ligawan ni Cedric at baka magselos si Janelle, hindi malayong magkasira sila kahit wala namang mapapala sakin si Cedric. Pang-apat, pag nangyari na ang kinatatakutan ko. Awkward na pag naging sila dahil binasted ko si Cedric. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao kung biglang naging sila? Sinalo lang ni Janelle si Cedric pero ang totoo, narealize lang naman nila na mahal nila ang isa't isa. Andaming pumasok sa isip ko kaya medyo halata ng tropa na parang may tinatago ako. Hindi kasi ako 'yung tipong hindi aware sa nangyayari sa paligid. Ayokong magmanhid manhidan lang. Hindi ako katulad nila Erica na basta wala silang kasalanan, hindi sila maguiguilty.


Breaktime na at napansin kong walang kasama sila Cedric sa mesa. "Guys! Dito tayo." Sabi ko at tinuro ko ang mesa nila Cedric.

"Hoy Kate. Nakakahiya naman. May ibang tao diyan!" Sabi ni Sosina.

"Okay lang 'yan." Umupo ako at binati sila Cedric.

"Okay lang ba dito kami?" Tanong naman ni Isabel.

"Okay lang." Sagot ni Janelle at ngumiti. Lagi naming kasama si Andrew at Brent kaya kasama namin sila ngayon sa mahabang mesa. Hindi naman ako papayag na ma-op sila Janelle syempre.

"Natapos niyo naba 'yung activity natin. 'Diba may task din kayong gagawin. Project?" Tanong ko kay Janelle at Cedric. Naalala ko kasi 'yung magtitinda sila ng balut.

Janelle: Ang hirap. Kaya puro kamag-anak nalang namin ang bumili. Duda nga si Ma'am eh.

Me: Naubos ba?

Janelle: 'Yun ang kinaduda ni Ma'am. Ang bilis maubos.

Sumingit na rin sa usapan sila Isabel kaya medyo walang awkwardness. Hanggang napunta ang topic kay Andrew.

The 30 Days Impossible Task [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon