Cedric's POV
"Itigil ang kasal!!" Napalingon kaming lahat para tignan kung sino 'yung sumigaw. Nagtawanan ang mga kasama niya. Andiyan na pala ang section 5. Kanina ko pa sila hinihintay para makita ko si Kate. Nasa canteen kami.
"Andrew, lagot ka! Nakatingin si Ace sa 'yo." Sabi ng classmate nila Kate. Si Andrew pala 'yung sumigaw. Kaya siguro nawili si Kate sa section 5 dahil puro tawanan sila. Nginitian ko si Kate.
"Hi." Bati niya. Binati ko din siya at nakatingin lang si Janelle sa'kin.
"Disidido kang ligawan si Kate?" Bulong ni Janelle.
"Try ko lang."
"Sa tingin ko, hindi siya papayag kung ngayon mo siya liligawan?" Tama si Janelle. Ano ba ang gagawin ko? Pa'no ko sisimulan?
"Sa tingin mo Nelle, pa'no ko sasabihin?"
"Kailangan niyo pang magkakilala ng lubos. Sa totoo lang Ced, ayokong ligawan mo siya. Pero ayoko naman na maging kontrabida sa buhay mo." Kahit ako naman eh. Ayoko din pero kailangan. Ito nalang ang tanging paraan. Gawing posible ang imposible. Ano ba ang idadahilan ko kay Janelle?
"Naisip ko lang kasi na baka malay mo, pumasa ako. Ang ganda niya. May nabasa akong advice sa nga romance novel. Wala daw mangyayari kung tutunganga ka at hindi aasa dahil alam mong wala kang pag-asa. Maigi na din daw 'yung subukan mo. Wala naman daw masama kung hindi ka palarin. Ang mahalaga. Mas may chance ang sumubok kaysa sa hindi."
"Pero ikaw na din ang nagsabi noon na wala kang paki-alam sa kaniya. Ang pinaka ayaw mo 'yung rejection kaya kahit patay na patay ka kay Kate, ayaw mong subukan."
"Naisip ko lang na 'wag dapat akong matakot na mareject." Medyo nakaisip ako ng dahilan. Pang 3 days na ngayon at 27 days nalang.
"Sige, kahit alam kong malabo pa sa sabaw ng pusit na maging girlfriend mo 'yang si Kate, although gwapo ka naman. Tutulungan kita. Pero hindi ako sure kung makakatulong ako dahil babae ako. Ang kaya ko lang gawin ay ilagay ang sarili ko sa sitwasyon niya. And you know that we have a different attitude. Hindi lahat ng babae katulad ko. Lalo na't mas maganda sa'kin si Kate." Sa totoo lang, alam ko naman kung pa'no dumiskarte sa babae. Anytime kaya kong magkagirfriend kung gugustuhin ko. Kaso iba si Kate. Mas mataas ang level niya sa'kin. Naalala ko, nakuha ko na nga pala ang number niya. Itetext ko nalang. Matapos ang breaktime ay nagtext ako sa kaniya.
Me: Hi Kate!
Hinintay ko kung magrereply ba siya. Pero after ng ilang minuto ay nakabasa ako ng Gm.
Hoy Andrew.. Pasalamat ka natuwa si Ace sa 'yo haha!
After the class na ako magtetext ah! Hindi ako nakikipagtext pag nasa room unless kung importante O Teacher ang nagtext..
Seeyah..
Kate
Haaaay. Isa pa sa problema ko 'yung maraming nagtetext sa kaniya. Maraming lalaki ang umaaligid sa kaniya. Nagreply ako sa Gm niya.
Me: Okay. I'll text you or tambay uli tayo.
Sana pumayag siya. Baka makahalata na siya na balak ko siyang ligawan. 'Wag muna ngayon. Pero may nagtext.
1. Kate
Ano kaya ang sinabi niya?
Kate: Sige, isama mo si Janelle. Diba kasama mo siya minsan? After ko gumawa ng homework na. Maya uli ah.
Patay! Ayokong kasama si Janelle. Usapan na namin na hindi muna siya sasama sa'kin sa bahay. Makakagulo lang siya sa'min eh. Pagkauwi ko ay nagtext agad ako kay Kate. Kasama ko na siya ngayon. "Sayang naman, hindi mo kasama si Janelle."
"Busy 'yun." Nakatingin lang ako sa kaniya. Medyo nailang yata siya kaya lumiko ang tingin niya. Naalala ko, seryosong usapan ang gusto niya. Pa'nong seryoso? Halata naman na gusto niyang laging nakatawa. Niyaya ko siyang naglakad lakad sa subdivision. Nakakaboring nga naman kung lagi kaming sa tindahan lang mag-uusap. So, habang naglalakad kami. "Pansin ko dun sa classmate mo, lagi niya kayong pinapatawa ah." Bungad ko. Kailangan naming maging magclose. Kailangang lumalim ang pagiging magkaibigan namin.
If I'm gonna take my time, kaya sana. Kaso 1 month lang at pang 3 days na. Tapos 2 hours ko lang siyang makakasama gabi gabi. Sa school naman puro batian lang kami. Sana payagan niya akong ligawan ko siya para ihahatid sundo ko siya at kasama sa break time. Haaay!
"Oo nga. Si Andrew! Ang kati ng dila nun. I mean, parang hindi kumpleto ang araw niya pag hindi siya nagpapatawa and vice versa."
"So, pag wala siya, hindi kumpleto ang araw niyo?!"
"Alam mo kasi, isa siya sa dahilan kaya bumalik ako sa section 5. Si Erica, Janine at Brent naman, nung una, napipilitan lang but now, I find them enjoyable. They quite liked section 5." Ngumiti siya sa'kin. Nahihiya tuloy akong magkwento. Sabi ni Janelle, kailangang sakyan ko siya. Sang ayunan ko lahat ng sinasabi niya kahit labag sa loob ko.
"Parang pansin ko nga na nag eenjoy ka sa section 5. Actually, maraming ayaw sa section na 'yan."
"Wala naman akong paki eh."
"But ang isang Kate ay masaya sa section 5. That means, maiisip siguro ng iba na hindi talaga puro OA lang ang section na 'yun."
"Yan nga rin ang madalas sabihin nila Erica. But then, nagpalipat parin sila. Alam mo, kilala ko kasi sila, pag ayaw nila, hindi mo na sila kaya pang pilitin. Pero nagtataka lang ako, ga'no kaya ako kaimportante sa tropa ko? Nagpalipat sila sa ayaw nila para lang sa'kin."
"Sa tingin ko Kate. Hindi lang dahil sa 'yo."
"Huh? Duh! Sure naman akong wala silang ibang dahilan."
"Alam mo kami ni Janelle, pag may ayaw kami, nagtataka kami kung bakit may mga taong gusto nila ang ayaw namin. So, may time na nacucurious kami kaya we will try! Ano ba ang masaya doon? Saka namin narealize na masaya nga."
"Gets ko." Nag nod siya.
"Alam mo ba Kate pag may tao kang hinahangaan, tinatry mo 'yung ibang gusto niya kahit ayaw mo. Dahil curious ka sa bagay na 'yun. Para sa 'yo kacheapan. But bigla mong makikita na 'yung idol mo ginagawa din 'yung kacheapan na ayaw mo. Dadating 'yung curiosity kaya susubukan mo rin. Saka mo magugustuhan na din 'yung dating ayaw mo at wala ka nang paki sa tao."
Tumawa siya sa sinabi ko. "Oh my god." Napahawak siya sa pisngi niya.
"Bakit?"
"Wala lang. Thanks ah. Nag effort kang sagutin 'yung katanungan ko."
"Sus, wala 'yun."
"Ang lawak ng kaalaman mo. Ang lalim ah."
Naglalakad lakad parin kami. "Hmmm. May mga tanong ka pa ba? Hindi naman ako ganiyan talaga. Siguro, kasama ko si Janelle at lagi kaming seryoso nun. Nagpapalitan kami ng mga nalalaman kaya medyo may alam ako diyan."
"Gusto kong makilalang maigi si Janelle." Hanggang sa naubos na ang dalawang oras. "Uuwi na ako."
"Hatid na kita."
"Wag na... Ah sige na nga." Tumawa siya. Parang napilitan lang siya na ihatid ko siya. Nasa gate na kami at nagpaalam na siya. "Salamat sa time." Sabi niya at ng peace sign siya at ngumiti.
Habang naglalakad ako pauwi. Nag iisip ako. Bakit lalo akong humahanga sa kaniya? Napaka unpredictable niya. Kaya ko siya naging crush dahil hindi dahil sa maganda siya. Dahil napakabait niya. Sa pinapakita niyang kabaitan ngayon ay hindi ko matantya kung gusto na ba niya talaga ako. Ang hirap niyang basahin.
To be continued...
___
Pangit ba 'yung chapter? I mean pangit naman lahat hahaha! Bawi ako next chapter. Next week pa. Pasensya na sa mga nagbabasa ah. Sana wag kayong mawawala hahaha! Feel ko kasi maraming magagandang story na mabilis mag Ud. Hindi kawalan 'tong story. Sana basahin niyo every Ud ko. Thanks po.
BINABASA MO ANG
The 30 Days Impossible Task [Ongoing Series]
Fiksi RemajaAno ang gaawin mo pag malapit kanang maexpel sa school. Hindi ito pwedeng malaman sa inyo kaya nag iisip ka ng paraan para makabalik sa school. Binigyan ka ng pag asa ng teacher para makabalik. Pero parang hindi pag asa dahil napaka imposible ng pin...