6. Cedric's Poem

577 17 3
                                    

Kate's POV

Nagsalita si Ma'am.

Mrs A: Asan na ang tatlong bago? Brent, Erica and Janine.


"Ma'am!!" Sabay sabay nilang sabi.


Mrs A: Ano ba 'tong nababalitaan ko na ang sisiga niyo?!

Brent: Hindi ako kasama dun Ma'am!

Mrs A: Manahimik ka Brent! Kayong tatlo ha. Kung mag sisiga-sigaan lang kayo sa Section ko, malaya kayong makakaalis.

Janine: Ma'am, sino bang tsismosa 'yung nag sumbong sa inyo? Sinasaway ko lang sila dahil maiingay!

Mrs A: Hindi sa paraang mag sisiga-sigaan kayo!!

Erica: Ma'am hindi kami nang-aaway!

Mrs A: Wag niyo nga akong gawing tanga! Kung ayaw niyo sa Section na 'to, get out!!

Janine: I'm sorry Ma'am.

Mrs A: Ngayon alam ko na kung bakit nagpalipat si Kate dito eh.

Me: Ma'am, wag niyo naman ako idamay.

Mrs A: Wag kang mag sasalita Kate ah. Hindi kita kinakausap.

Me: Sorry Ma'am.

Pa'no naman kasi, baka magtampo sa'kin sila Janine. Baka isipin nila na ayoko sa ugali nila.

Mrs A: Ano?!

Brent: Ma'am labas ako diyan ah. 'Yung dalawa na lang ang paalisin niyo sa Section na 'to.

Janine: Hoy Brent--

Mrs A: Wag kayong magtatalo dito. Kung ayaw niyong umalis sa Section na 'to, maglinis kayo mamaya pag uwi.

Erica: Ma'am naman--

Mrs A: At pag nakarinig pa ako ng sumbong ah. Hindi lang pag papalinis ang gagawin niyo!!

Tameme silang tatlo.

Nakita ko si Brent na nababadtrip, alam ko na ang nasa isip niya. Nagagalit siya kasi nadamay siya. Haha!

Well, malupit na Teacher ang Advicer namin, mahal ako nila Janine kaya hindi sila aalis sa Section na 'to. Malamang magtitino sila.

After Filipino ay nag uwian na lahat. Balak ko silang hintayin dahil maglilinis pa sila.

Kinausap ko sila Isabel.

"Sabel! Sabay ba tayo uuwi? Hihintayin ko pa sila eh."

"Maghihintay na rin ako."

"Hihintayin ko na din sila." Sabi ni Sosina.

Hay salamat! Madali silang kausap. Balak ko pa namang sabihin sa kanila na.... 'Okay lang kahit umuwi na sila.' Ayaw nila akong iwan eh. So, samahan nila akong maghintay, 'diba?

Naglilinis sila, awkward para sa kanila pero, kasalanan naman nila.

"Hoy!" Tawag ni Erica kay Sosina.

"Bakit?!"

"Tulungan mo kami."

"Hindi pwede. Kayo ang inutusan."

'Yan si Sosina, lumalaban.

"Gusto mo pang patagalin ang pag hihintay niyo!"

"Okay lang."

Matapang si Sosina dahil kayang kaya niyang isumbong si Erica. Wala nang nagawa ang tatlo, paubos na ang mga estudyante sa School at iilan na lang kami.

Brent: Nakakainis kasi kayo eh. Nananahimik ako, nadamay pa 'ko tuloy.

Erica: Napaka ungentleman mo naman. Kahit hindi ka kasama, mag linis ka. Maaatim mong maglinis kami tapos ikaw na lalake nakatayo lang.

Brent: Nye nye nye!

Janine: Kate! Tumulong ka dito, ikaw ang pinunta namin dito, kasalanan mo 'yan dahil iniwan mo kami sa Section 1.

Haaaay naku!

Me: Oo na oo na!

Tumulong na rin sila Sosina.

Sa wakas natapos din at iilan na lang kaming estudyante, meron pa ding iilan ilan sa taas. Mga nasa Section 2 na naglilinis.

Habang naglalakad kami ay may lumipad na papel. Pinulot ko at may nakasulat, binasa ko.

Matagal na kitang gusto pero alam kong hindi tayo bagay.

Lagi kitang nakikita at ngini-ngitian ako pero ang kausapin ka ay hindi ko pakay.

Gustuhin ko man na maging kaibigan ka ay hindi ko kakayanin.

Hindi ko kayang dayain kung ano ang aking damdamin.

Gusto kita pero para saan pa kung mapalapit ako sa'yo, kung hindi ka naman din magiging akin.

Kaya ang tula ko na'to ay para sa'yo lang at 'wag mo sanang babasahin.

Marami kang kaibigan pero wala kang kasintahan.

Wala ring mangyayari at wala ding kahihinatnan.

Masaya ako pag ika'y aking nakikita.

Alam kong mabait ka at 'yon ang bali-balita.

Hindi sa ayoko kang maging kaibigan sinta.

Masasaktan lang ako kaya hahayaan na lang kita.

kanino kaya galing 'to? Bakit ganito ang nakalagay sa tula?


...


Cedric's POV

Nasa 2nd floor kami dahil andito ang room namin, nakakainis dahil araw araw ang haba ng hagdan. Katatapos lang namin maglinis at si Janelle na lang ang hinihintay ko.

Ayun at andiyan na siya. Ang mga babae kasi eh. Kailangan pang mag retouch. Bakit kasi babae pa ang naging bestfriend ko eh.

"Ang lakas ng hangin." Sabi niya.

"Ayaw mo lang magulo ang buhok mo!"

"Uwi na tayo!"

Kinapa ko ang bulsa ng polo ko. Nawala ang papel dito, dun nakalagay yung ginawa kong tula.

"Nelle! May nakita ka bang papel?" Tanong ko sa kaniya habang pababa kami ng hagdan.

"Wala bakit?"

"Ginawa kong tula 'yon eh."

"Hayaan mo na 'yon."

Okay! Saulado ko naman 'yon eh. Balak kong ilagay sa Diary ko sana. Gagawa na lang uli ako.


O my god!! Si Kate.


"Ced! Crush mo oh." Tinuro niya si Kate.

"Wag kang maingay."

Nasalubong namin sila dahil pareho lang naman kami ng gate na dadaanan. Napatingin ako sa mukha ni Kate. Napansin ko na napatingin siya sa'kin at bigla siyang nag iwas ng tingin.

Wow! Ano 'to. Sa mga story na nababasa ko, ganun ang reaksyon ng babae pag crush niya ang lalake. Kaso totoong buhay 'to atsaka kahit maraming nagsasabi na gwapo ako ay hindi ako kasing gwapo ni Brent at Blake na sikat sa School na nireject niya.


Hindi ko siya papansinin. Hindi ako tulad ng iba na nagpapapansin sa kaniya. Para saan pa? Wala rin naman akong mapapala diba?


To be continued

Next: The 30 Days Impossible task.



The 30 Days Impossible Task [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon